Chapter 17: Jealous

1.7K 23 0
                                    

Nix's POV

Kahit na ayaw kong pumunta sa Megadrillente Resort pinilit ko parin. Para narin makalimutan ko nang kaunti si Evone.

Kanina hindi ko ine-expect na ang ganda ni Preet sa Dress na binili ko. Masyadong bumagay sa kanya. yung bewang nya na hubog na hubog sa kanya. kakaiba sya kumpara sa mga babaeng nakilala ko.Napahanga nya ako pero pinili kong wag ipakita sa kanya.

Paglabas ko nang c.r ay hindi ko nagustuhan yung tingin ni Peach sakin. Hindi ko gusto. pakiramdam ko kinain na nya ako sa isip nya. may lipbite pa syang ginawa. napatingin naman ako kay Preet at hindi ko alam na nakatingin rin sya sakin.

Nakaramdam ako nang kakaiba kaya agad kong inalis yung tingin ko sa kanya.

Ako na nagpresinta na ako na ang magdadala nang dalang gamit ni Preet dahil mukhang mabigat yon.

Pagbaba ko nakita ko na rin si Dean at ate Joan sa baba. Hindi ba siya susunduin nang asawa nya?

Ang sama ko e noh.

"Ate Joan sasabay kana ba samin?" Tanong ko.

Tumango lang sya.

Pumasok na ako sa kotse. Mukhang hindi kami magkakasya dito.

May sarili namang dala na sasakyan si Peach.

Mukhang hindi talaga kami magkakasya dito. May mga dala pa kaming damit.

"Kasya ba tayo nila ate Joan dyan?" Tanong ni Preet sakin. Kalmadong tanong nya.

"Kung hindi tayo kasya sasakyan ko na lang ang gagamitin ko. Kasama ko si Dean para may lalaki akong kasama." Presinta nya.

Kailangan ba talagang maghiwalay pa kami?

"Si Dean at Ate Joan na lang ang magkasama para sabay tayong makarating." Dagdag ko.

Sandaling nagkaroon nang katahimikan sa pagitan naming lahat.

"Pwede na ba tayong umalis? Hindi tayo nag ma-manequin challenge ah." Pambabasag ni Peach sa katahimikan namin.

Dahil sa makulit parin si Preet sya talaga ang nag drive sa sarili nya at si Dean ang kasama nya.

Nauna si Peach at pumangalawa si Preet at nasa hulihan naman ako. Para just in case hindi maligaw si Preet.

Napaka kulit talaga netong asawa ko...

Preet's POV

habang sinusundan ko si pwet biglang nag pop up sa isip ko si Krazer. ano kayang emergency yon? nag-aalala kase ako para kay Krazer myloves.

"DEA-- Sir Dean kamusta po emergency kanina sa bahay ninyo?" tanong ko sa kanya na hindi ko man lang nilingon.

"hindi pala emergency yon. ni surprise lang ako nila Krazer at Lily." pagkasabi nya ay ngumiti sya. nakita ko sa salamin yon. bakas parin sa mukha nya na masayang masaya nga sya.

SUS! si Lily pa ba? plastic lang yon. kung alam nyo lang ugali nun nung highschool.

"nag cool off daw po sila Krazer at Lily? ngayon na lang po ulit sila nagka-ayos. totoo po ba yon?" wala nang hiya hiya to bes. basta para kay Krazer bakit hindi diba?!

"Oo, nagkaroon yata nang maliit na relasyon si Krazer at Madyel yun ang dahilan kung bakit gustong makipag cool off ni Lily. grabe ang suyo ni Krazer kay Lily nun para magkabalikan sila ulit." 

"baka naman  po si Lily talaga ang may kasalanan." pinagdidiinan ko talaga si Lily. ang laki nang galit ko sa impokritang yun! jusq lang talaga. dapat ako yung nasa kalagayan ni Lily eh. dapat sana ako yun!

" Hindi magagawa ni Lily yun, napaka bait na ba talaga nyang si Lily."  nakakarindi sa inis. pa ulit-ulit na lang, nakakaloka! kung hindi si Lily si Evone naman yung naririnig ko. OH SIGE AAMININ KO NA! NAHUHULOG NA YUNG LOOB KO KAY NIX...

Alam ko naman na gaya ni Krazer hindi ako ang gusto nya.  hindi ko na nga alam kung saan ako lulugar eh. kase sa totoo lang nahihirapan na talaga ako! para akong napapalibutan nang mga taong minamahal ko pero hindi nila ako kayang mahalin pa balik.

Mahirap ba ako mahalin?

"ma'am umiiyak ka ba?" tanong ni Dean sa akin. pinunasan ko  agad yon. totoo ba to? umiiyak ba talaga ako? WOW PREET UMIIYAK KA KASE HINDI NILA MASUKLIAN ANG PAGMAMAHAL MO?

nakakatawa at the same time nakaka awa ka Preet. nakaka awa ka talaga!

bumaba na ako kagad sa kotse ko at hinayaan na si Dean sa loob. nandito na kami sa resort nang Megadrillente nakakamangha, Napaka yaman na siguro nang may-ari nang Megadrillente, sobrang ganda at napaka laki talaga.

marami rami na ring tao pero tingin ko mga Saavedra yun dahil nakamaroon na dress rin ang mga babae doon at mga naka tuxedo naman ang mga lalaki. so nag arkila ba sila nang exclusive Resorts para dito? 

nagtataka pa ako wala nga namang imposible sa mga Saavedra. lumapit sakin si Nix at nilapit ang braso nya. kinalawit ko naman yung braso ko doon at sabay kaming naglakad. nilingon ko si Peach at Ate Joan na magkasama. parehas silang nakangiti at ganun din si Dean. nangingiti nga ako kapag pinagtitinginan kami nang mga Saavedra at binibigyan kami nang magandang ngiti pero si Nix mukhang seryoso na naman.

umupo kami sa isang table at tahimik na umupo. hindi ko magawang titigan si  Nix dahil ayokong lumalala eh. ayoko nang lumalim kung ano man tong nararamdaman ko sa kanya. ayokong maulit yung pagkakamali ko kay Krazer. hinayaan kong mahulog ako sa kanya kahit hindi ako sigurado kung hindi nga nya ako iiwan o ipagpapalit.

maya maya pa'y lumapit si Dylan samin. masaya at pumapalakpak pa nang dahan dahan. kumalumbaba naman ako dahil nababagot na ako. sabi ni Nix nung nakaraan mag te-thankyou lang tapos 1 week kaming nandito para magbakasyon.

pwede bang bakasyon na agad? gabi ba simula nito? hindi ko kino-considered na Saavedra ako eh. medyo naiines at nagagalit narin ako sa business nila pero dahil kay Nix hindi ko magawang dagdagan pa yung mga yon...

PWE! kilabutan ka nga preet sa mga sinasabi mo! nakakadiri ka ah. kay Nix pa talaga ha?!

"buti ay pumunta kayo." masayang bati ni Dylan.

"para sa bakasyon lang." sabay namin sambit ni Nix. nagkatinginan kami ulit at nag iwasan nang tingin. parang ang awkward naman yata nang lagay namin. bakit parang dati pag nagkaka titigan kami it's either na iinisin nya ako sa tingin nya o kaya naman ako ang iirap sa kanya pero ngayon?

hindi ko alam kung bakit kami dumating sa ganito. alam ko namang hindi nya gusto ang ugali ko. aware ako dun, bukod sa wala na nga akong galang sa lahat mataray pa ako plus OK! wag na nating isa isahin hindi talaga maganda ugali ko.  OK! MASAYA NA GANERN?!

"sisikapin kong bilisan," sagot nya at umalis na sa table namin. ang lagay naiwan na naman kaming dalawa. sana lang hindi umalis si Nix para hindi ako mag-isa rito. hindi kase ako sanay mag-isa. 

KAYA NGA HINDI AKO HUMUHUGOT NANG "SANAY NAMAN AKONG MAG-ISA OK LANG." KASE hindi naman talaga ako sanay na nag-iisa lang.

biglang napatayo si Nix nang may makita sa likuran ko syempre naman ako nagulat. aalis ba sya? sino kasama ko dito.

"Si Madyel..." sambit nya.

"Si Madyel Montenegro ba?.." sagot ko. napatingin sya sakin at tumayo na rin ako. nakita ko ang isang babae na sumobra naman yata ang ganda. pero mas sobra ang ganda ko  alam nyo naman yan diba! -_^ 

"Hi Nix, It's nice to see you here." sabay halik sa cheeks ni Nix. kahit na sa cheeks lang yon parang nagkaroon ako nang konting selos. ok lang isang beses lang naman yun eh. pero mas lalo akong nagselos nang halikan sya pabalik ni Nix.

"nice to see you too." sagot ni Nix....

Someday, Maybe. ( Completed )Where stories live. Discover now