Chapter 63:Welcome Back!

927 18 0
                                    

Lily's POV

Ilang Buwan na rin ang lumipas at ngayon ang uwi nila Preet at Nix. Excited na akong ibalita sa kanila na nag po-propose na si Krazer sa akin. parang ngayon lang tinubuan nang bayag. Jusq! akala ko hindi ako yung love of her life nya!

kasalukuyan kaming nandito sa Montenegro's Island dahil dadaretso na lang din daw sila dito. kasama ko ngayon si Isha. kagabi pa yan tanong nang tanong kung ngayon daw ba talaga ang uwi nang magulang nya. ang cute cute nya kaya.

"Ayun na pala sila!" sigaw ko. nakaturo ako sa kotse na kulay itim na papalapit sa amin. nagtata-talon naman si Isha sa tuwa. tumabi sa kanya si Zyreen at tumingin nang mataray kay Isha.

"Bakit ka natutuwa? magulang mo ba yan?" tanong nya with matching irap pa.

"Magulang ko na sila. Ikaw? kaano-ano mo ba yan?" mataray rin na tanong ni Isha.

pumagitna na ako sa kanila at baka mag away pa. parang kanina lang ay naglalaro ang dalawang bata na to tapos ngayon nag-aawa na sila.

Tumakbo naman si Isha kay Preet. agad naman nilang niyakap si Isha na para bang totoo nilang anak. nakakatuwa silang tignan para talaga silang totoong pamilya. Mabilis akong lumapit sa kanya kasabay si Zyreen.

"Mauna na ako sa loob." pagpapa alam ni Nix. dala nya yung ibang mga gamit at tsaka pumasok sa loob. Si Madyel naman ay hingal na hingal pa nang makarating sa amin.

"Ano Preet? Masaya ba?" tanong ko. wala nang dalawang isip pa tanong agad! alam kong pati si Madyel ay itatanong yon inunahan ko lang.

"Secret! mararanasan nyo rin naman." sabay kindat pa sa amin.

"Ang daya mo naman! para alam na namin. lam mo na!" sabay kindat pa ni Madyel.

"syempre kapag first time mo masakit pero nakaka enjoy."

"REALLY?!" malakas na pagkakatanong namin ni Madyel.

"Sasabihin ko ba kung hindi totoo?"pagtataray naman nya.

"Osha! una na ako sa loob. may pasalubong kami."

sabay-sabay naman kaming pumasok sa loob. ito namang si Madyel parang hindi makuntento sa iisang sagot. gusto nya kapag may tanong sya dapat sagot mo marami. natatawa nga ako sa kanya eh. hindi sya sinasagot ni Preet.

"Alam mo ba may sikreto si Lily!" bulong ni Madyel pero halata namang pinaparinggan nya sa akin. Ok, sabihin ko na bang susunod na ako sa yapak nya? well this is the time!!

"Oo besh, Si Krazer kasi eh.." pabitin ko. pabitin muna para kunware may thrill at may kaba session!

"Bakit? Hiwalay na kayo?" mabilis na tanong nya. nabatukan ko nga sya.

"Kapag tungkol kay Krazer dapat break agad namen?" pagtataray ko sa kanya.

"Edi Sorry na.. paano kase wala naman akong makitang problema kundi yung pagiging playboy nya 'minsan'"

tumango na lang ako. tama,tama,tama. pero nag yes na ako so ikakasal na rin ako.

"Nag propose na siya sa akin." sabay sabay pa kaming sumigaw na parang ewan.

binuhat pa ni Preet si Isha."Congrats mo naman yung Tita mo oh, Engage na!" tuwang tuwa pa sya habang tumatalon talon.

"Alam kong tamang panahon nyo na to eh." Si Madyel naman hawak hawak yung kamay ni Zyreen habang nagtata talon rin.

"Ganon kase talaga sa buhay. Actually nakuha ngang Architect si Krazer sa Korea!" masayang pagkakabalita ko sa kanya.

"Talaga! daming blessings besh!!" sigaw ni Preet.

"Nung nagpa ulan nang kasiyahan sa mundo, namatay ka siguro kaya tinalo mo ang lahat." natatawang pagkakasabi ni Madyel.

"Sunod suno lang tayo, hintay lang talaga tsaka tiyaga diba," sabay tingin ko sa taas. Napahawak naman ako sa ulo ko pakiramdam ko tutumba ako ano mang oras pero pinigilan ko. 

"Lily,ok ka lang?" nag -alalang tanong ni Preet sa akin. tumango naman ako.

"Magpapahinga na lang muna ako baka sobrang excitement lang to." tsaka nagmamadaling pumasok sa kwarto ko.

"Basta nandito lang kami pag kailangan mo!" sigaw ni Madyel kahit na malayo na ako sa kanila.

Agad akong humiga sa kama ko. pinipilit kong ipikit yung mata ko pero hindi ako makatulog. Masyado naman yata akong na excite sa kasalan na yan tingnan nyo tuloy nangyare sa akin. Hindi ako makatulog!!

bumangon naman ako nang biglang bumukas ang pintuan. Dahan-dahang lumapit si Krazer sa akin na mayroong malalaking ngiti. Pinilit kong ngumiti sa kanya. tumabi sya sa tabi ko at tila may sasabihin sa akin.

"Sorry kung ngayon ko lang ginawa to." sabay halik sa pisnge ko. hinawakan ko naman yung mukha nya na malungkot. 

"Bakit ka naman malungkot?" nanghihina na pagkakatanong ko sa kanya. napansin naman yata nya yun kaya bigla syang humarap sa akin.

"Kailangan mo ba nang pahinga?" tanong nya.

Tumango ako sa kanya at humiga ulit. "Hindi ako mapakapaniwala eh, parang biro lang ang lahat. Joke lang to noh! kinunchaba mo lahat nang tao sa Resto ni Daph." pagbibiro ko sa kanya.

"Grabe ka naman Babe. Sa dami na rin nating napagdaanan tiyak na sa kasal rin naman ang uwi natin." sagot nya at tinabihan ako sa pagkakahiga. "May pasalubong nga sila Preet sayo eh.  gusto nila ikaw ang kumuha." tapos hinila nya ako patayo.

"Tapos yung surprise rin natin sa kanilang dalawa, dapat hindi tayo mawala doon." palabas na sya samantalang ako ay nag-aayos nang itsura ko bago tuluyang lumabas.

Lumapit kami sa tabi nang pinto kung saan nandun ang lahat. nandoon kase sila sa Office para puntahan si Tito at Tita kaya naman hinihintay namin silang lumabas. Nang bumukas ang pinto agad silang nag-sigawan.

Mukhang nagulat pa si Preet.

"Welcome Back po Ma'am,Sir!!" sigaw nang mga Maids.

"Congratulations po Mr. and Mrs. Saavedra!"sigaw naman nang iba.

Lumapit kami sa kanila at nag group hug kaming lahat. Ang saya saya lang kasi hininto talaga nila yung mga trabaho nila para sa surprise namin ni Krazer. sa totoo lang eh binalak rin nila to so pare-pareho kaming damay. charot!

"Thank you, Hindi ko ine-expect na may Welcome Back Party pa pala si Mayor." natawa naman kami sa kanya. "Salamat. I really appreciate this kind of Surprise. pakiramdam ko tuloy Mahal na mahal nyo ako." tapos nagkunware na naman syang umiyak.

"Tama na Preet ang drama at tayo na ay magsaya!" pakanta pang pagkakasabi ni Krazer. Ngayong araw ay hindi muna magwo-work ang lahat para sa Party na to. gusto rin kase nila Tito at Tita na makapag pahinga ang mga mang-gagawa kaya naman  chillax sa party!

"Ok na ba pakiramdam mo?" tanong ni Madyel sa akin. Halos mapuno ang mansion sa daming tao at manggagawa.

"Oo. nakapagpahinga na rina ko kahit papaano." sagot habang sumasayaw sayaw pa kami dito sa gilid.

"Really? baka naman kase juntis ka besh?" tanong nya tapos may kasunod na tawa.

"hoy! kahit na ganito kami ka tagal walang nangyayareng ganon ah!" pa galit kong pagkakasabi pero sa huli ay natawa rin ako sa hinala nya.

"Hi Guys, Nasaan sila Daph? Si Kate palang hindi namin naisabay sa France, nasaan na ba yun?" tanong ni Preet nang makalapit sa amin.

Napatingin naman kami sa isang gilid kung saan paparating na si Kate at Rex. nag evil girn pa kami sa kanya kase sabi nya walang something sa kanila pero tignan nyo naman ang ebidensya! magkasama pa talaga! at silang dalawa pa talaga ha!

"Mukhang may kailangang mag kwento.." pagpaparinig ni Preet kay Kate.

Someday, Maybe. ( Completed )Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt