Chapter 15: Secret's Business

1.6K 26 0
                                    

Preet's POV

Maaga akong nagising. Kumakalam na yung tyan ko dahil hindi nga pala ako naka kain kagabi. Nagulantang pa ako nang makita ko yung sarili kong naka yakap kay Nix.

Dahan dahan akong umalis sa pagkaka yakap nya baka kase magising. Isipin pa nya eh gusto ko sya o ano pa man yan!

Pagkatapos kong makawala sa yakap nya agad akong bumaba sa kusina. Sobrang aga pa yata kaya wala pang ka tao-tao sa baba.

Humiga na lang muna ako sa sofa. Bahagya kong pinikit yung mata ko. Iniisip ko yung nangyare kagabi. Bakit ko nama  kase ginawa yon? Ang tanga ko nakakainis!

Naramdaman kong may naglalakad pa punta sa akin kaya naman dali dali akong bumangon.

Nakita ko si Nix na naka upo sa sofa habang sapo sapo yung ulo nya.

"Nandito ba si Evone kagabi? Pinuntahan nya ba ako?" Mabilis na tanong nya sakin.

Napairap naman ako sa kawalan. Diba! Umagang umaga palang si Evone agad inaatupag nya.

"Maayos na ba pakiramdam mo?" Balik na tanong ko sa kanya.

"Si Evone ba kasama ko sa kwarto kagabi?" Tanong nya ulit.

Ano ba tong tukmol na to? Gumising nang umaga para sa taong sinaktan na sya?

Ok sige sabihin na nating nangyare na sakin yan pero hindi ako ganyan kalala.

"Bakit ka naman nya pupuntahan eh diba nga sinaktan kana nya? Hindi sya tanga. Hindu sya kagaya mo!" Para sakin kung sakin ko to sinabi isang malaking sampal na sakin yun.

"Nagbabakasali ako na bawiin nya lahat nang sinabi nya. Wala pang gumagaws sakin nang ganto."

"Sus! Ang drama gawin mong busy sarili mo tara gala na tayo payag na akong gumala baka mabaliw ka pa dyan." Pagyaya ko sa kanya.

Umiling iling naman sya.

"Ano ba ang dahilan nya? Yung matinong dahilan?!" Sigaw nya ulit.

"Baka.. hindi mo napanalo yubg racing?" Pang huhula ko.

"Next month pa yung racing." Sagot nya.

"Baka alam nyang nag uuwi ka dito nang babae?"

"Hindi nya alam."

"Baka nalaman nyang may asawa kana?"

"Ok lang sa kanya kase hindi naman kita totoong asawa."

Ouch! Medyo nasaktan ako pero hindi naman dapat ako masaktan diba?

"Baka ayaw na nya. Baka pagod na sya sa set up naten. Kahit ako nga pagod na pagod na rin eh." Sagot ko na may mababang tono nang boses.

Natahimik kaming dalawa.

"Hindi ka sasama sa gala ko? Tara na!" Pag basag ko sa katahimikan na nagaganap.

"Ayoko." Sagot nya tsaka umakyat sa kwarto. Ano ba naman yan?! Kung kailan gusto ko nang gumala.

Kaso may hang over pa pala yun. Dito na nga lang muna ako sa mansyon.

Yayain ko kaya si Ate Joan dun sa pool? Para naman mema ako dito. Maaga pa naman eh at madilim dilim pa pero nagustuhan ko kaya gora lang!

Kinatok ko yung kwarto ni Ate Joan hindi na ako nag pa sexy sa suot ko aber!

Naka short at t-shirt na black lang ako para komportable sa katawan. Hindi na rin ako nakaramdam nang takot na baka bumalik mga bavarian pano kase alam kong ang dad ni Nix ang dahilan kung bakit takot na silang bumalik.

Kinatok ko ulit yung pinto pero walang nagsasalita. Binuksan ko na paano hindi naman naka lock. Nako magiingat ka ate Joan dapat naka lock parin ang pinto.

Pagpasok ko sa loob ay walang ka tao tao. Nasa c.r kaya siya? Hinanap ko kagad ang c.r at nakita ko naman yun.

Bago pa ako makalapit sa c.r para katukin siya ay may nakita ako na madaming box.

Pinagmasdan ko kase hindi naman paperworks yun sa pagkakatingin ko.

Hindi naman sa pakilamera pero pakilamera narin ang lagay ko sa inyo diba so eto na nga beshy lulubusin ko na.

Dahan dahan kong binuksan ang isang box ilang segundo rin akong nakatingin sa laman nang box.

Nakatulala lang ako habang nakatingin parin sa laman nang box.

Yan ba yung business nila? Business ba nang mga Saavedra to?

Palabas na sana ako nang pinto nang biglang hawakan ni Ate Joan ang kamay ko. Dahil sa takot ay napatulala na rin ako sa kanya.

Paano kung mahuli yang mga shabu o drugs na yan dito aa mansyon madadamay ako? Madadamay kami? Makukulong kami ganon?!

Ayoko nang makulong diyan.

"Wag kang magsasalita." Bulong ni ate Joan sakin. Sinunod ko rin yun sa sobrang takot dahil iba yung itsura nya.

"Tara dito." Bulong nya at pinapasok ako sa cabinet at pinagtago ako dun.

Maya maya pa'y dumating si Kuya Nate. Pumasok sya sa kwarto na may mga kasamang mga lalaki.

"Ito na ba ang lahat?" Tanong ni Kuya Nate kay Ate Joan.

Yung mga paperworks ba na ginagawa namin ni Nix para doon ba yun sa mga taong pagbibigyan nanng mga drugs na yan?

Ibig sabihin Drug Lord ang mga Saavedra? Makukulong din ako pagnagkataon dahil kami ang nag ma-manage nang papeles na yun?

Hinakot na nila palabas nang kwarto ang mga box na puno nanng drugs.

Bago lumabas si Kuya Nate ay humalik sya kay Ate Joan at bumulong.

"Malapit na rin tong matapos." Bulong nya sabay yakap kay Ate Joan.

Yung itsura ni Ate Joan yun yung itsura nya nang una syang dumating dito sa mansyon.

Lumabas si Kuya Nate at naiwan na si Ateng Joan na nag-iisa. Lumapit ako kay Ate Joan pero bakas parin sa mukha ko yung takot.

Hindi ko alam pero natatakot ako. Ewan ko ba kung saan ako natatakot dun ba sa mga nakita o takot akong makulong.

Alam kaya nito ni Nix?

"Ate Joan..." sa tono nang boses ko ay nahalata myang takot na takot ako. Hindi ko alam pero kung kailan ok na ulit yung pakiramdam ko eh.

Kung kailan naka move on na ako sa mga bavarian eh!

Niyakap ako ni Ate Joan nang mahigpit.

"Masasanay ka na lang Preet sa lahat." Napatingin naman ako sa kanya.

"Bakit po Ate Joan? Hindi nyo rin po ba to alam?" Tanong ko sa kanya.

Umiling sya at umupo kami sa kama.

"Hindi ko alam kung dapat mo ba tong malaman dahil natatakot rin ako." Pag-uumpisa nya.

"Aye Joan dapat ko ring malaman." Tumango sya sakin.

"Hindi talaga to ang business nang mga Saavedra."

Nagtaka ako. So ano yung drugs na yun?

"Ang totoong business nila ay yung ginagawa nyo ni Nix na paperworks."

Para akong nabunutan nanf tinik sa lalamunan. Yes! Buti na lang kahit papano.

"Dahil na rin siguro sa ayaw nang mga Saavedra na nasasapawan sila nang mga Montenegro ay ginawa nila itong business na  nakita mo.

Mas malakas kase ang pagpasok nang pera nang mga drugs na yun. Yun din ang dahilan kung bakit patuloy na mukhang maunlad ang mga Saavedra." Dagdag pa nya

"Saan po ba nila nakukuha tong lahat nanng drugs na to?" Tanong ko. Matitigil lang to pag sa pinaka Drug Master nila ang nawala.

"Lahat nang to ay galing kay Gorge Saavedra. Sya rin ang dahilan nang pag pasok nang mga lalaki sa mansyon. At dahil yun sayo...."

Someday, Maybe. ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon