Chapter 27: Lovenat

1.3K 20 0
                                    

Preet's POV

Inaayos ko lahat nang gamit na dala ko pa punta dito sa resort. Hindi ko na makayanan yung ganito. Kahit na bukas pa yung uwi namin minabuti kong ngayon na lang umuwi kesa yung ganito.

Pakiramdam ko unti-unti akong pinapatay sa ginagawa ni Nix. Bakit naman sa dinami dami nang lalaki bat sya pa?

Mas mabuti na lang pala kung si Krazer yung gusto ko. Nung nasaktan ako sa ginawa nya akala ko yun na yung pinaka masakit na nangyare sa buhay ko pero may mas masakit pa pala. Yung makita mo yung asawa mo na may kalandiang iba.

Pinunasan ko na naman yung luha ko. Hindi ko alam kung ano tong nararamdaman ko. Para akong tinutusok nang karayom sa araw-araw na nangyayare sa resort na to.

Masyado na kasing nananadya si Cindy. Parang hindi nya ako kapatid kung ituring.... siguro nga oo, hindi naman talaga kami magkapatid diba?

Si Meazy naman. Ano bang nagawa kong mali sa kanya para makidagdag pa dito. Kay Cindy palang patayan na eh. Tapos sasabay pa sya?

Bumukas ang pinto nang kwarto. Agad ko namang pinunasan yung luha ko para hindi makita ni Nix.

Humarap ako nang unti-unti at nakita ko si Cindy. Agad kong itinaas ang isang kilay ko sa kanya kahit na namamaga yung mata ko.

"Oh, umiiyak ka pala. Sorry Preet nasira ko yunh moment mo." Pang-aasar nya at binigyan pa ako nang nakakainis na tawa.

"Anong nangyare? Umiiyak ka 'na naman' dahil sa lalaki? You're so weak!" Sigaw nya at tumabi sa bag na pinaglagyan ko nang mga damit.

"Ano bang ginagawa mo dito?" Tanong ko sabay irap sa kanya ay inadikaso muli yung mga damit.

"Gusto ko lang sabihin sayo na maghanda ka bukas."

Hindi ako kumibo sa sinabi nya.

"Dahil bukas ang huling araw para sa relasyon namin."

Hindi ako ulit kumibo.

"Wag kang mag-alala wala pa namang nangyayare samin at ni Meazy."

Tumingin ako sa kanya at hininto yung pag aayos nang mga damit ko.

"Bakit? Nagsawa kana? Nagsawa na kayo ni Meazy?" Tanong ko na may pagalit na tono.

Tumawa sya nang malakas at humarap ulit sakin. "Gusto ko makipag laro. Tutal wala naman akong nararamdaman na kahit ano kay Nix okay lang na masaktan sya. Pero....

Pero kayo ni Meazy mukhang ayokong may lumalamang kaya bibigyan ko kayo nang pagkakataon.

Break na kami bukas at kayo na bahalang mag comfort sa kanya. Tiyak naman na fo-fall yun ka agad eh kase broken." Dagdag pa nya.

"Bakit Preet? Gusto mo na rin ba si Nix?" Tanong nya. Sa tono nang boses nya ay parang kina aawaan nya ako.

"Hindi." Sagot ko.

"Hindi ko sya gusto dahil mahal ko sya, yun nga yon Cindy! Yung taong sinasaktan mo lang minamahal ko." Sagot ko.

"Pwes mauna ka kay Meazy or else babalik ako kay Nix," parang nambabanta pa sya sa lagay nayan ah.

Ano ba gusto nyang mangyare? Makipaglaro din ako sa kanila?

Bakit hindi?

Hindi makakapunta sa mansyon yang si Meazy sinasabi ko lang sa kanya! Sosolohin ko si Nix.

Parang ganon lang kadali noh. Napaka hirap ngang mahulog ni Nix sakin eh. Pero pag dating sa kanya napaka dali lang.

"Preet, wag mong gawin na masama tong ginagawa ko." Pagkasabi nya non ay umalis na sya.

Wag gawing masama? Pinagseselos nya kaya ako?! Sinasaktan pa nya si Nix. Hindi nya yata alam yon.

Bakit kase ginawa pa namin yung deal na yun! Nakakabwiset.

Naka ayos na lahat nang damit ko. Pumasok na ako sa kotse ko at pina-andar ko papunta sa mansyon. Buti na lang at kabisado ko pa ang pa uwi,

Nang ma park ko na yung kotse ko at pumasok na ako pero ang naisip ko.

Paano ako makakapasok sa loob wala naman pala akong susi!! Letche nakaka inis nakakabwiset.

Ayoko nang bumalik sa resort na yun please lang!! Naisip ko naman yung bahay namin nila Mommy.

Agad akong pumunta sa bahay at kumatok ako. Agad naman akong pinagbuksan ni Mommy.

"Anak, Saan ka galing?" Tanong nya sabay bigay sakin nang blanket.

"Gabing gabi na ah." Pag-aalala nya sakin.

Ngumiti ako sa kanya. "Pwede po bang dito muna ako matulog? Bukas nang maaga uuwi narin po ako."

"Oo sige, ano anak? Ok ka lang ba sa mansyon?" Tanong ulit niya.

"Ok naman po. Na miss ko lang po yung bahay kaya dito na lang po muna ako." Sagot ko.

"Ikaw? Okay ka lang ba? Parang balisa ka dyan ah tsaka yung mata mo namumugto. May nangyare ba?"

Umiling lang ako bilang sagot.

"Matutulog na po ako mommy. Sa kwarto ko po. Maayos parin po ba?" Ngumiti si mommy sakin.

"Oo naman anak. Para sayo laging maganda." Sabay kiss sa cheeks ko.

Pumunta na ako sa kwarto para matulog. Pero saglit palang yata ang tulog ko o baka naman idlip palang yata ang ginawa ko.

Lumabas na ako nang kwarto. Balak ko sanang magpa alam kay mommy pero mahimbing ang tulog nya.

Nag drive na ako papunta sa mansyon at wala parin doon si Nix. May sofa sa naman sa gilid nang pinto kaya doon na lang muna ako humiga.

Buti na lang dinala ko yung blanket na binigay ni mommy sakin.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako....

Nix's POV

Sa sobrang pagod ko sa meeting namin ni Tito Gorge ay agad akong humiga sa kama.hindi ko nakita si Preet baka naman nasa c.r lang.

Hanggang sa nakatulog na ako sa matinding pagod.

Naalimpungatan ako sa phone ko. Tumatawa si Evone. Maaga na rin at ang tindi na nang sikat nang araw.

"Hello" bungad ko. "Goodmorning baby." Dagdag ko pa. Pero hindi sya nagsasalita.

"Evone??" Nag-aalala na ako. Bakit hindi mab lang sya nagsasalita?

"Hindi ko alam kung paano sisimulan pero..." yan ang naging sagot nya. Mababa ang tono nang boses nya.

"Ano ba sinasabi mo Evone?" Tanong ko sa kanya. Malakas na rin ang kabog nang dibdib ko.

"Pinapakaba mo ako Evone. Ano ba gusto mong sabihin?"

"I need space." Daretsahan nyang sagot tsaka tuluyang pinatay ang linya.

Okay naman kami kahapon ah. Hindi ko na maintindihan si Evone. Pinipilit ko na nga lang umintindi nang lahat tapos magiging ganito?

Bumangon na ako at ngayon ko lang nalaman na wala pala si Preet sa tabi ko. Tinignan ko yung mga damit nya pero wala na.

Posible kayang umuwi na yun? Pero nasakin yung susi. Agad kong inayos ang mga damit ko.

Habang nagda drive ako pa uwi sa mansyon hindi mawala sa isip ko Evone, pati na rin si Preet. Nagugulo na ako bakit nagsabay pa sila.

Na park ko nang mabilos yung kotse ko at papasok na sana ako nang makita ko si Preet sa sofa. Nilalamig sya at gamit ang maliit na blanket na tanging ginagawa nyang kumot.

Agad ko syang nilapitan akma ko na sana syang gigisingin nang mahawakan ko ang noo nya.

Napaka taas nang lagnat nya!

Someday, Maybe. ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon