Chapter 21: Who's Evone?!

1.6K 23 0
                                    

Preet's POV

Nang makalapit si Peach samin ni  Nix tumabi sya sakin. kanina ko pa pinunasan yung mga mata ko at take note beshy binigyan ako nang panyo ni Nix. Akalain mong binigyan nya ako nang Panyo diba, so kikiligin na naman ba ako?

nagpa alam na muna si Nix at alam kong dahil na naman yon kay Evone pero hinayaan ko lang. hindi ko naman sya mapipigilan alam nyo naman siguro kung bakit. 

pag ang taong umiibig pinigilan mo hindi naman magpapaigil.

sad to say na sa iba sya umiibig at hindi sakin diba. hahaha nakaka tawa sa sobrang sakit. bakit kase nahulog pa ako sa kanya. hindi ko nga alam kung gusto pa sya. tingin ko kase mahal ko na sya. minahal ko yung taong akala ko hindi ko magagawang magustuhan. akala ko lang pala yon....

hindi naman mangyayare to kung hindi kami kinasal. para akong naligaw sa mga Saavedra at ngayon ganito ang nangyayare sakin. para talaga akong nawawala. hindi ko na nga matandaan kung nakakailang araw na ako dito. yung pagod ko pang isang taon na.

para akong nasa bangungot na hindi ako magising gising. siguro hindi pa kami pwede ngayon ni Nix, baka pag natutunan na nya na ring mahulog sakin ay pwede na siguro. sana... sana talaga. sana worth it paghihintay ko. 

kemerut!! ang drama ko nakaka bwiset eh.

"umiyak ka ba prend?" tanong ni Peach. hindi ko sya sinagot. medyo bastos lang eh hahaha pero halata naman diba? ano to sipon tapos sa mata lumabas ganern? ang taray eh.

"sabi ko naman pag-usapan ninyo ni Nix yan." dagdag pa nya. kumalumbaba ako at tumingin sa kanya.

"wala ka namang alam sa relasyon namin eh." sagot ko.

tumingin sya sakin at umiling iling. "dyan ka nagkakamali babygirl," sa tono nang boses nya ay parang alam na alam nya ang mga nangyayare samin ni Nix. stalker ba to? idol yata ako neto eh.

"alam ko ang lahat." sagot na naman nya.

ano ba to? may malaking CCTV ba sa buhay ko at lahat na lang talaga parang expose sa lahat nang tao pati galaw ko? ano to PBB lang ganern? hindi kaya may mga hidden camera talaga sa mansyon namin? o kaya dito sa resort?

"nasa PBB ka kase ateng! tara claim mo prize mo. may CCTV talaga dito." 

"HALA! si nakita mo kami ni Nix na magka yakap ka gabi?" bigla naman syang natawa sa tanong ko.

"so magka yakap kayo kagabi? enebeyen! pasalamat ka mapag ubaya ako sige na sayo na si Nix. ingatan mo ah!"pagbibiro niya ulit. natatawa rin ako sa kanya. 

"yung totoo na kase." pag se-seryoso ko sa kanya. napaka iyak tawa ko talaga kahit kailan or should i say mababaw lang taalaga kaligayahan ko sa buhay. mababaw na nga hindi pa maibigay ni Nix. OH nakalimutan ko ko si Evone..

"paano mo na kase nalaman," pangungulit ko pa sa kanya.

"gaya nga nang sabi ko, si Cindy at Evone ay iisa." pag-uumpisa nya. kahit na sa umpisa palang ay may tanong na ako hinayaan ko na muna syang magsalita.

"at hindi naman gusto ni  Cindy  si Nix eh.  dahil sa deal nilang magkakaibigan nilapitan nya si Nix, at ngayon si M naman talaga ang may gusto kay Nix. ginagamit ni M si Cindy para mapalapit kay Nix at the same time maagaw sayo." 

hindi ko alam kung ano bang mararamdaman ko. sinong M?

"bakit M? hindi ba nya binuo yung pangalan?" tanong ko.

"nakalimutan ko yung name nya pero ang alam ko kaibigan nya si  Cindy." paliwanag nya pa ulit.

hindi na sana ako maniniwala na gagawin ni Cindy yon pero naalala ko bigla yung sinabi na sa bar. yung ipapakilala nya yung lalaking niloloko nya kapag nag break na sila. sino naman kaya si M?

sasaktan lang ni Cindy si Nix. bakit kase si Cindy pa? pwede namang ako diba! magkapatid naman kami! bakit ginusto nya pa si Cind eh sasaktan lang naman sya nun.

napansin yata ako ni Peach na nakatulala. hindi ko maintindihan, hindi pa ma process nang utak ko ang lahat. ang dami ko paring tanong. naguguluhan parin ako kay Cindy. bakit hinahayaan nya lang na maagaw nang M na yan si Nix. ako dapat kampihan nya kase ako Kapataid nya diba!

"nalaman ko yan kanina, bago ako pumunta sa inyo mas nauna kong ayusan si Cindy." dagdag na naman nya.

"sino kaba talaga? kilala mo ba talaga si Cindy? baka naman ibang cindy yang tinutukoy mo." sagot ko na may pa galit na tono.

"Sino ako? ako si Peach. yung pinahiya ni Cindy at uhmm.. nakalimutan ko yung name nang kasama nya. yun yung babaeng M na tinutukoy ko." nag-isip isip pa sya sabay tingin sa taas.

naalala ko na! nung highschool pa kami nun pinahiya siya ni Cindy sa harap nang maraming tao. nang dahil nga doon nabully sya nang sobra at lumipat sya nang iba school. kasama nya si Meazy?

"si Meazy ba tinutukoy mo?" tanong ko.

napa pitik sya sa hangin.

"Yes! si Meazy nga! buti naalala mo pa." 

"diba sabi mo pinahiya ka ni Cindy nung highschool. baka naman gusto mo lang gumanti sa kanya sinisiraan mo lang sya sakin." pa galit na pagkaaksabi ko. napairap sya sakin. napaka arte talaga netong si baklush.

"hindi ako ganong tao. hindi ko kailangang gumanti dahil nga doon sa ginawa nya naging successful ako eh." sabay hawi sa imaginary hair nya. kaloka tong si pwet ah. awra kung awra.

"well, maniniwala ako basta patunayan mo sakin na totoo lahat nang sinasabi mo." pang hahamon ko pa sa kanya tapos bigla na namang naalala ko na kapag mag kikita sila ni Evone at Nix palaging cancelled o kaya hindi nagpapakita si Evone.

napaka dami nang tumutugma pero nanatili akong hindi naniniwala. gusto kong marinig mismo kay Cindy kung totoo nga ba ang lahat. at syempre dapat mapatunayan rin ni Pwet na totoo lahat nang sinabi nya.

"sa susunod na Date nila ni Evone pupuntahan natin yan!" sigaw na pala.

sige ba! deal na deal ako nang ako mismo ang makahuli sa dalawang yan.

tapos ano? nahuli ko na sila ano na? ano next kong gagawin sa kanila? wala! iiyak lang ako kase kahit kailan hindi ako magugustuhan ni Nix dahil puro si Evone. si Evone na lagi na lang syang binabalewala!

"ganyan talaga ang buhay may-asawa. hindi mo kase alam kung kailan ka nya maloloko diba." kumalumbaba na rin sya.

"hindi naman talaga nya ako gusto eh. ako lang ang nahulog sa kanya nang magsama kami pero sya, hindi ko nga alam kung nararamdaman nya yung pagmamahal ko. alam ko kase na lahat nang pinapakita nyang maganda ginagawa nya rin naman sa lahat nang babae." malungkot na pagkakasabi ko pa.

"hindi ah. hindi nya kaya ginagawa sakin yon." sagot ni Pwet. tsk! baabe ba sya? -_-

"pinapatawa lang kita. puro ka na lang kase ka dramahan dyan! hindi mo naman buhat ang mundo. kung ano mang problema ang dumating hayaan mo lang kase hindi mo na mababago yun. enjoy mo lang yung buhay mo." 

nagkaroon ako nang kaginahawaan nang marinig ko mula yun kay Peach. maya maya pa'y umupo sa tabi namin ni Alex. tinignan ko sya nang walang gana.

"ang gwapo.." bulong ni Peach. lahat naman kase gwapo sa kanya eh. pero gwapo rin naman talaga si Alex. pero mas lamang parin ang hubby ko. My Nix...

Someday, Maybe. ( Completed )Where stories live. Discover now