Chapter 33: Color Party Powder

1.2K 22 0
                                    

Krazer's POV

nandito kami ngayon sa color party powder, niyaya ako ni Lily rito sabi nya kase wala daw syang kasama kaya sinamahan ko na lang. maaga aga kami dumating at ka unti palang ang mga tao. ang daming Holi powder na nagtitinda dito. ibat-ibang kulay.

"hindi kaya nakaka lason yan?" tanong ko kay Lily.

"nontoxic kase yan just in case na matikman. Babe tara tignan mo sila!" turo nya sa mga lalaking may nagsasayaw sa pole. hindi sila parang adonis ah. hindi ko alam kung anong tawag sa ginagawa nila.

"lapitan natin!" namamangha si Lily habang hindi parin ma alis ang tingin sa mga nagsasayaw. maya maya pay may iilang babae na rin ang sumasayaw.

"galing nila mag pole dancing noh." tumango na lang kase hindi naman ako namamangha. minsan hindi ko rin maintindihan tong si Lily. sa kagustuhan pa nyang lumapit kami hindi ko namalayang may natamaan na pala ako.

"Sorry." mabilis kong hingi nang tawad. humarap yung babae at ngumiti sakin.

"Nandito pala kayo ni Lily." masaya syang naka ngiti samin ni Lily. binigyan rin naman namin sya nang ngiti. 

"Nasan si Nix? mag-isa ka lang ba?" tanong ni Lily na may pag-aalala.

umiling si Preet. "bumibili sya nang Holi Powder mamaya kase magdadatingan na mga tao." 

"magsama sama nalang kaya tayo." presinta ni Lily. ngumiti lang si Preet at natanaw ko naman na parating na si Nix. hindi ko talaga makakalimutan yung grabeng pagpapahirap nang mga Saavedra kay Dad. hindi muna nila inalam sa halip inakusahan pa sya.

ayoko na sanang sumama kaso pinilit na rin ako ni Lily. nagbigay si Nix nang Holi Powder dahil madami-dami naman ang kanyang nabili, sobra sobra para sa kanila ni Preet. Akala nya siguro nakalimutan na nya yung ginawa nya kay Preet sa resort!

Napaka dami na nyang atraso sakin pero pinapalampas ko lang sya sa ngayon. sa totoo lang gusto ko na talaga syang sapakin sa tuwing naalala ko kung paano umiyak si Preet dahil sa sakit na raramdaman tapos sya nagpapaka saya lang sa mga babae?

hindi ko alam kung sinadya ba ni Lily na tumabi kay Preet kaya naman kami ni Nix ang magkatabi. hindi ko alam ang pinag-uusapan nila pero masaya ako na nakikitang okay na silang dalawa,

"Hindi mo ba alam na nasasaktan mo na si Preet?" nagsalubong ang kilay nya sakin.

"maayos ang relasyon naming mag-asawa."sagot nya pero sa tono nang boses ay parang galit sya. hindi ko alam kung ayaw nya akong kausap o dahil ayaw nyang pag-usapan yung topic na yun.

"mukha lang kayong maayos pero minsan ba natanong mo kung okay lang sya? buo pa ba sya sa lahat nang ginagawa mo?" huminga lang sya nang masabi ko ang mga salitang to.

"akala mo ba makakaganti ka sa Mommy dahil sa pag iwan nya sayo. makakaganti ka ba sa kanya gamit ang pananakit nang damdamin nang babae?" dagdag ko pa.

"paano naman yung mga totoong nagmamahal sayo, paano si Preet? bakit hindi mo buksan ang damdamin mo para sa kanya? bakit kailangan mo pang maghanap nang iba gayong nandyan naman sya. gayong willing naman sya."

"Shut up, stop acting like you know everything about me, sino kaba? anak nang tumaksil sa kumpanya?" 

natawa naman ako sa kanya. hanggang ngayon ba hindi parin alam nang mga Saavedra na hindi si Dad ang gumawa non.

"nakaka awa kayong mga Saavedra, kailangan nyo pang mansisi,mambintang,pumatay nang tao para mapanatili yung kayamanan ninyo. buksan nyo yung mata ninyo. si Gorge na ang tumataksil sa inyo. mismong kapatid pa nang Daddy mo."

nakatikim ako nang malakas na suntok sa panga ko. agad akong tumalsik sa sahig. akma pa sana nya akong sasapakin nang biglang humarang si Preet at inalalayan naman ako ni Lily.

"wag mong ibintang samin ang lahat!" malakas na sigaw nya at pumunta sa ibang direksyon. hindi alam ni Preet kung saan sya pupunta sakin ba o kay Nix pero dahil sumenyas si Lily na ok na ako sa kanya agad na tumakbo si Preet kay Nix.

"anong nangyare?.."kalamadong tanong ni Lily sakin. inalalayan nya akong tumayo at inupo nya ako. umiling iling na lang habang nakahawak sa panga ko. totoo kase lahat nang sinabi ko kaya naman nya ginawa sakin to.

Preet's POV

"Nix!" tawag ko sa kanya pero ayaw nyang humarap. ngayon pa ba sila magkakaganyan? okay na kami ni Lily, pinsan ko pala sya at ngayon ko lang nalaman. akala ko magka apelyido lang kami pero magkamag-anak pala talaga kami.

nag sorry na  rin sya about sa mga nangyare sa highschool syempre pinatawad ko na sya. matagal na rin kase yun eh. we should move on and let go.

maya maya pa'y huminto rin kami ni Nix, habol ko ang paghinga ko nang humarap sya sakin.

"umamin ka nga!" galit na sigaw nya. nanlaki naman yung mata ko dahil ngayon nya lang ako nasigawan nang ganon. naramdaman nya yatang nagulat ako sa kanya kaya naman hinawakan nya yung kamay ko.

"may gusto kaba sakin?" dahan dahan nyang tanong sakin. umiling ako, sinabi kaya ni Krazer yung na nasasaktan ako dun sa Resort? 

"hindi kita Gusto Nix." hindi ko alam pero biglang tumulo yung luha ko. sya mismo yung nagpunas nang luha ko. "hindi ko alam Nix..." " hindi ko alam." niyakap nya ako nang  mahigpit.

"hindi ko alam dahil sabi nang utak ko hindi pwede sayo kase masasaktan lang ako. pero sabi nang puso ko ikaw na Nix, Mahal na kita." paliwanag ko kaya tuluyang umiyak nang umiyak. buti na lang kamo ay may malalakas na tugtugan na at nagsasayawan narin ang mga tao, at tanging mga ilaw na iba iba ang tumatama saming lahat kasabay nun ang pag hagis nila nang mga Holi Powder.

"maghihintay ako. hihintayin ko yung araw na talagang limot mo na si Evone. subukan mo naman kase. baka kaya mo naman akong mahalin." dagdag ko pa. nakatapat ang mga labi ko sa tenga nya. halos pa bulong na lang ang kaya kong gawin. 

ganito pala yung pakiramdam nang umaamin ka nang nararamdaman mo sa taong gusto mo. parang gusto mong maglaho na lang nang biglaan para matapos na. nahihiya man ang pag amin pero ginawa ko. ayoko namang magmukhang sinungaling si Krazer sa paningin ni Nix.

pagtapos nun ay naki enjoy kami sa kanilang lahat. sayang ang pagkakataon na to. huling pag attend ko dito kumpleto pa kaming magkakaibigan pero ngayon hahaha mga alaala nga naman. nakikisigaw at talon kami sa kanila. nagsasaboy rin kami nang Holi Powder. punong puno na ako nang Powder. naghalo halo na sila sa buong katawan ko.

napatingin naman ako kay Nix, hindi ko alam kung kanina pa ba sya sakin nakatingin. nginitian ko sya at inakbayan ako. at inenjoy namin yung mga panahon at bawat oras na pakiramdam ko parehas lang kami nang nararamdaman.

pakiramdam ko happy couple kami. pakiramdam ko gusto nya na rin ako. pakiramdam ko binuksan na nya yung puso nya para sakin. sana hindi lang puro pakiramdam yan. gusto kong maranasan yun sa kanya. 

habang tumatalon kaming lahat dahan daahan na lumapit ang kamay nya sa kamay ko. magkahawak kami nang kamay dahil minsan lang nya gawin to hinigpitan ko yyung kapit sa kamay nya.

hindi ko maipaliwanag yung saya nang nararamdaman ko. lumapit si Lily sakin at tumabi. ganon rin si Krazer. nginitian ako ni Krazer nang makita nyang magkahawak kami nang kamay. pagtapos nang kanta ay nagsigawan naman sila. 

bibigyan daw kami nang ilang segundo para sumigaw.

nagdadalawang isip ako kung sisigaw ba ako o hindi. hindi ko marinig kung ano ang sinisigaw ni Nix pero sa huli sumigaw rin ako,

"MAHAL NA KITA NIXANDER SAAVEDRA!!" sobrang lakas na sigaw ko sabay non ang pagtahimik nang maraming tawa. nag ayiee ang mga taong nakapaligid samin. hindi ko napigilan at nayakap ko na naman sya. sinuklian nya yung pag yakap ko at ganon rin ako. sana hindi na matapos ang gabing ito.

Someday, Maybe. ( Completed )Where stories live. Discover now