Chapter 79: April..

938 14 0
                                    

Kate's POV

"Nagka gulo raw sa Hospital nung dumating si Cindy at Andrea."

Napatingin naman ako sa nagsalita. Si ate Darlyn pala. Alam ko... bagong labas palang nila sa bilangguan ay ako na ang unang tinawagan nila para mang hingi nang tawad. May part na galit ako sa kanila dahil sa dami nang ginawa nila pero mas nangibabaw ang friendship namin.

"Nagiiyakan daw sila sa Hospital? Bakit?" Tanong ko kay ate Darlyn. Umiling sya dahil hindi rin nya alam.

"Ngayon daw ang Death Anniversary. pwede daw bang magkasama sama tayo ngayon?" Tanong ni Kuya Christ kay Ate Darlyn.

"Death Anniversary nino? Ni Gorge?" Natatawang pagkakasabi nya. Kahit ako ay natawa.

"I mean.." hindi na natuloy ni Kuya Christ ang sasabihin nya dahil alam na namin kung ano yon.

Wala na ba talaga?

Hindi ba na ba talaga nabuhay ang anak nila Preet at Nix? Napahinga ako nang malalim, kahit si Rex ay tahimik habang nagpupunas nang mga basong nahugasan na.

"Tatapusin ko muna to at kayo.." tumingin sila sa amin ni Rex. "Ayusin nyo na ang mga gamit na dadalhin nyo para mamaya sa pag-alis." Ngumiti sila bago pumasok sa office.

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa naman noon sila Sofia at Lorenz. Kapwa sila masaya nang maka pasok sa loob nang Café.

"Tara! Gala tayo sa mall." Pagyaya ni Sofia kay Rex sabay palupot sa malalaking muscle nito.

Kita naman sa mukha ni Lorenz ang selos. Sana wag muna syang umamin kay Sofia. Alam naman nating lahat na masasaktan lang sya.

Napatingin sya sa akin. Iniwas ko ka agad ang tingin ko sa kanya at tinuon ang sarili sa iba pang baso na pinupunasan ko.

Umupo sya sa tapat ko. Hindi ako makapag concentrate sa ginagawa ko. Bakit kase nakatingin sya sa akin nang ganyan!

"Diba gusto mo si Rex?"

Napakunot ang noo ko sa tanong nya. Nagaadik ba sya? Ako? Hindi mo ba naririnig ang puso ko! Ikaw kaya ang sinisigaw nito!!

"Gusto mo si Rex at gusto ko si Sofia. Magtulungan tayo."

Tulungan? Ikaw nga gusto ko eh! Bakit hindi mo na lang tulungan ang sarili mo na mahalin ako? Hindi mo ba kaya?

"Huh?" Tanong ko ulit.

Pwede kong sabihin na... OO magtulungan tayo para naman mapalapit ako sa kanya.

Pwede rin..

Ngumiti ako sa kanya. Inilahad nya yung kamay nya at for the first time in forever!! Ngayon lang kami nagkamayan sa buong buhay ko. Ang saya ko na!

Tumayo na sya at pumunta sa bakanteng table. Si Sofia ay todo kapit parin kay Rex. Agad ko nang tinapos ang ginagawa ko para makapag ayos na nang gamit.

Agad akong pumunta sa condo ko. Hindi na ako nakapag pa alam sa kanila. Mapaparami kasi yata ang dala kong damit. Mapapatagal yata kami doon. Tiyak na hindi parin tumitigil sa pag iyak si Preet.

Paglabas ko nang condo dala ang maleta ko.. nakita ko si Rex na naka sandal sa tapat nang pinto.

Hindi ko sya pinansin. Dinaanan ko lang sya...

Nang makita nyang ako ang nasa harap nya ay bigla syang humarang sa daanan ko.

"Ano ba problema mo Rex?" Tanong ko.

"Anong meron sa inyo ni Lorenz?" Seriously? Bakit nya tinatanong?

"Bakit? Ano naman kung meron?" Mataray na tanong ko sa kanya.

Someday, Maybe. ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon