Chapter 54: Little Party

991 16 0
                                    

Preet's POV

Dahil pagma may-ari naman nila Rex ang Hotel agad namang nagkaroon nang kwarto sila Dad. Hindi parin ako makapaniwala na ang daming mangyayari dito sa Paris. akala ko ba naman makakapag relax kami nang maayos pero tignan nyo naman nangyari dito.

Kasalukuyan kaming nandito ngayon sa Kwarto. Syempre the original, si Madyel at Lily ang kasama ko.


Hindi parin kami makatulog. Ilang oras na lang ay mag uumaga na pero buhay na buhay parin kami. Bampira ganoin?

"hindi ko inisip na mangyayari tong adventure sa buhay ko." May ngiti parin sa mukha ni Lily.

"ako rin noh. Ang daming nangyare sobra." –Madyel.

Napangiti na lang ako sa kanila habang nag-uusap. Napansin naman yata nila akong nakatingin sa kanila kaya humarap sila sa akin.

"Ang astig nang lahat Preet, para akong nasa panaginip pero akalain mo nga naman. nalagpasan natin lahat yon." sabay palakpak ni Lily.

"Ako rin eh. yung dating party girl na Preet napunta sa seryosong pangyayaring to? hindi talaga ako makapaniwala." sabay tawa ko nang mahina.

"Ang dami kong natutunan sa buhay nyo ni Nix." sabay tapik ni Madyel sa akin.

''ako rin, ang dami kong natutunan simula nang dumating si Nix sa buhay ko." sagot ko sa kanila.

"tara na nga! idlip na tayo, kung matutulog pa tayo tanghali na gising natin." pagbibiro pa ni Lily.

"beshies, punta tayo sa Cafe nila Kate bukas ah," humirit pa ako bago kami tuluyang matulog.

"sige lang."

                                                                  ****

"Goodmorning guys!!" sigaw ni Lily. bumangon na rin ako. mapikit-pikit pa yung mata ko pero dinilat ko na rin. Nakita ko sila na nagsusukat nang napaka raming dress, pinagmasdan ko lang sila.

"Anong plano Preet? hindi ka sasama ha?" pagbibiro ni Madyel.

"Para saan ba yan? bakit ang dami naman?" tanong ko sa kanila. 

sumagot naman tong si Lily na ngayo'y may suot pang dress na grey. "May Little  Party lang naman na magaganap para sa ating lahat, na assess na yung lahat, late kase tayong nagising eh." 

dumaretso na ako sa banyo at naligo. Pagtapos ay namili na rin ako nang dress naba bagay sa akin, Lumapit ako sa kanila. tinignan ko sila habang nag mo-model  pa sa salamin. bagay kay Lily yung grey na dress ganon rin  si Madyel na color blue.

"Preet, ito bagay sayo." sabay bigay ni Madyel na color Red na dress,

"Ayan! oo nga bagay sayo, pare-parehas tayo nang style." sabay tingin ni Lily sa Dress. "try mo na bilis! excited na kami!" sigaw na naman nya sa tuwa.

sinuot ko naman ka agad yon. tsaka lumabas para ipakita sa kanila. pumalakpak pa sila nang makita ako. napaka supporter talaga nang dalawang to.

humarap naman kami sa salamin at nag umpisang mag-ayos sa mukha namin at buhok. alam ko na kahit little party yon casual ka parin dapat. baka mamaya may mga camera na namang naka tutok sa mukha ko tapos epic na naman diba.

"Tapos na ba kayo?" tanong ni Madyel habang bina bounce yung curly hair nya.

"Malapit na akong matapos wait lang." sagot ni Lily habang nag lalagay nang foundation.

"lipstick na lang tapos na ako." sagot ko.

may kumatok sa kwarto. at si Dad yon. sinusundo na yata kami. bakit kase nagpuyat pa kami kagabi? ayan tuloy rush na rush na kami.

Someday, Maybe. ( Completed )Where stories live. Discover now