Chapter 58: We Are Better

1K 16 0
                                    

Preet's POV

"Ang tagal mo Ne!!" sigaw ko sa kanya.Kasalukuyan kasi kaming nasa Tapat nang  eiffel tower, mamaya ay lilipad na kami pauwing Pilipinas. gusto ko kasing makita yung eiffel tower nang maayos, yung tipong kaming dalawa yung makaka kita nang ganda nito.

"May kausap ka?" tanong ko. naka suot kasi yung earphones nya tapos parang bumubulong pa. ano kaya? nagdadasal? o kaya baka barang?

"Nagpapagtugtog lang."sagot nya sabay bigay nang isang earphone sa akin. tinanggap ko naman yon. Ang ganda nang tugtog. kahit na alam kong remix yon pakiramdam ko bumalik lahat sa akin yung lahat nang nangyare.

"If we go down then we go down together 

We'll get away with everything "pag kanta ko.

bigla naman syang tumingin sa akin at pinagpatuloy ang kanta. "Let's show them we are better." sabay tingin sa akin.

nang magtama yung tingin namin ay iniwas ko yun. hindi ako sanay na nakikigpag titigan pero ngiti ko abot sa tenga. Ang saya ko kase nandito sya sa tabi ko. Nalagpasan namin lahat yung mga ppag subok. narating namin to.

sinubukan ko ulit na kumanta. 

"We've passed the end so we chase FOREVER" nagka sabay pa kami sa part na yan. natawa naman kaming dalawa.

"Gaya gaya ka ah!" pang-aasar ko sa kanya. natawa naman sya tsaka ako sumandal sa balikat nya.

naka upo kami ngayon malapit sa eiffel tower, pinagmamasadan namin yon habang bukas yung mga ilaw nito. Ang sarap sarap pagmasdan lalo na kasama mo yung taong mahal mo. Lalo na't alam nyo sa isa't-isa na totoo yung pagmamahal nyo.

Hindi naman namin malalampasan lahat diba kung hindi namin mahal ang isa'-isa, ganon lang talaga siguro. kapag mahal mo ang isang tao o bagay walang mahirap.

Lalo na kapag mahal mo yung ginagawa mo, pag may pagmamahal sa bawat kilos mo nagiging maganda yung kinakalabasan.

Ang dami kong natutunan sa buhay ko nang dumating si Nix, Siguro nga mahirap mahulog sa kagaya ni Nix pero mas mahirap mahulog sa katulad ko.

Akala ko wala nang katapusan ang lahat pero meron pala, merong katapusan ang lahat at kapag hindi ka sumuko sa lahat mare-realize mo na worth it lahat nang paglaban ko.

Mas masarap lumaban sa lahat nang problema kapag kasama mo ang mga taong mahal mo sa buhay pero mas masarap lumaban kapag kasama mo si Lord, 

Akala ko katapusan ko na nun kay Meazy pero tignan nyo. narating ko pa to. naka balik pa ako sa harap nang eiffel tower at may bonus pa! kasama ko pa si Nix. 

Kanina ko pa pinagmamasdan ang mukha nya. Hindi parin nagbabago yung gwapo nyang mukha. yung matangos nyang ilong, mapupungay na mga mata at mapula pulang labi. at higit sa lahat ang Maamo nyang mukha. 

napaka sarap nyang pagmasdan. para syang isang iginuhit lamang na Portrait, apaka perpekto nang itsura nya. hindi ako makapaniwala na ngayon ko lang anrealize ang mga bagay na to. mas lalo hindi ako makapaniwala na akin na sya. 

"I.B may gusto akong ibigay sayo." pinagmasdan ko lang sya habang may kinukuha sa loob nang kotse. maya maya pa'y lumapit sya sa akin at ibinigay ang isang painting.

 maya maya pa'y lumapit sya sa akin at ibinigay ang isang painting

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

 "Ako ang gumawa nyan." 

agad ko namang napansin yung buhok ko. grabe sya bes! pang boycut na nga talaga pero anyway, masaya na rin ako at tanggap ko na rin ang itsura ko ngayon. from super haba to super ikli real quick!

from hindi minamahal noon to minahal na nang sobra ngayon  real quick.

napaka bilis lang talaga nang panahon. ngumiti ako habang hinahawakan ang painting na ginawa nya. "Ang ganda, Ang galing mo Ne." bulong ko. inakbayan nya ako at sabay naming pinagmasdan yung painting.

"Buti nagustuhan mo. Minadali ko na yan kase maiiwan na natin ang paris." sabay tingin nya sa eiffel tower,

"Ano ba yang sinasabi mo?" natatawang tanong ko. "Babalik pa tayo  dito, remember?" tinignan ko sya at humarap sa akin.

"Oo nga pala, nakalimutan ko." sabay kamot sa ulo ko. tapos nakangiti pa sya. napaka gwapo talaga! 

"Hindi ko pa nasasabi sayo to I.B" seryoso na yung mukha nya kaya nagseryoso na rin ako. "Hindi ko pa nasasabi sayo na gusto kong maging iyo habang buhay." sabay hawak nya sa  singsing ko.

"Yung mga ngiti mong nakak adik para sa akin, Yung pagtataray mo" sabay tawa nya nang mahina. "Sa pagiging supportive mo sa lahat, Sa pag hindi mo pagiwan sa ere nang mga panahong kailangan kita, Sa lahat nang bagay I.B, Sa lahat nang nagawa mo." bulong nya.

Pakiramdam ko tuloy humaba ulit yung buhok ko. Hindi ako makapaniwala na sinasabi nya sa akin to. Hindi sya bagay sa akin kung makikita nyo kami ngayon. para na nga akong lalaki kase naka t-shirt pa ako nang oversize tapos naka pantalon pa.

Nagmumukha tuloy kaming bromance nakaka ines pero  GORA LANG!! minsan lang maglambing tong loko na to.

"Pinangarap ko to Ne, Akala ko hindi na magkakatotoo. Yung gusto ko kase na mapangasawa ko yung matino kahit na hindi naman ako matino noon. Gusto ko yung lalaking mamahalin ako nang buong buo yung handang tanggapin ako, akala ko wala na akong pag-asa sayo pero eto na... nangyayari na Ne," naluluha na nga ako sa sobrang saya.

"Thank you Ne, tinupad mo yon." sabay punas sa mga luha na gustong kumawala sa mga mata ko.

"Handa kong patunayan at tuparin pa sayo yon I.B Just stay with me." bulong nya with matching yakap pa. habang ako naman ay naka yakap sa painting nya. para kaming perfect couple pero alam kong hindi. 

Walang perpektong relasyon pero masayang relasyon? walang imposible. nasa amin yon. natutuwa ako kase natutupad na yung gusto ko sa buhay. malalagay na kami sa tahimik.Sa pangalawang pagkakataon.

"Tara na, baka mahuli pa tayo sa flight." pagyaya ko sa kanya. pinunasan naman nya yung luha ko. pumunta na kami sa Airport at nakita naman namin sila na naghihintay. Si Kate pala ay sumama na sa amin pabalik nang Pinas. mag ba-bakasyon muna daw sya para naman nandun sya sa kasal ko at sasabay na lang sya sa amin ni Nix kapag dito na kami mag ha honeymoon.

Tumabi kami sa kanila at sabay-sabay na naming hinintay na tawagin ang Plane na sasakyan namin. Habang naghihintay ako napatingina ko sa batang pulubi pero may saklay sya. pilay na yung bata at nakatingin sya sa isang Plane.

Dahil sa awa ko ay lumapit ako sa kanya. Inalok ko syang bigyan nang kahit ano pero umiiling lang sya. para syang pipi. kanina pa ako nakikipag-usap pero para bang nakatulala lang sya habang pinagmamasdan yung Plane.

"Anong meron sa Plane na yan?" tanong ko na para bang inaamo amo sya. Hindi sya sumagot pero umiyak lang sya. hikbi lang ang naririnig ko at yumakap sya sa akin. Niyakap ko na rin sya pabalik paano ba naman kase nakaka awa sya. Para bang gusto nyang makaranas nang pagmamahal kagaya ko.

Nakkikita ko yung sarili ko sa kanya noon. Hindi ako ka mahal mahal dati pero ngayon..

"Naghihintay po ako.." magalang na pagkakasabi nya. "Baka po kase bumalik yung magulang ko dito. baka po balikan nila ako." hindi  parin sya tumitigil sa  pag iyak.

"Kilala mo ba sila? Baka mahanap pa natin?" tanong ko. Umiling sya na para bang sigurado syang hindi an nya mahahanap ito.

"Nag crash po yung Plane na sinasakyan nila pero naniniwala po akong nakaligtas sila.Nararamdaman ko po." Sabay iyak na naman. Na aawa na ako kaya naman inalok ko na sya kung gusto nyang sumama sa akin.

"Gusto mo bang sumama na lang sa akin?" tanong ko. hindi sya sumagot. para bang nag aalangan sya na sumama dahil baka bumalik ang magulang dito pero in the end, sumama rin sya sa akin. 

Sinama namin siya ni Nix sa pag-uwi sa Pilipinas kong Mahal.

naka suot na naman nang earphones si Nix, at ang huli nyang sinabayan na linya ay ang "Let's show them we are better."

Tama Nix, Ipakita natin na hindi man tayo perfect pero WE ARE BETTER

Someday, Maybe. ( Completed )Where stories live. Discover now