Chapter 53: Sweet Escape

963 20 0
                                    

Preet's POV

Ok na si Nix pero hindi parin nagigising. medyo matagal na rin kami rito pero sya tulog parin. Kinakausap ko naman sya kahit na hindi parin gumising. nagbabaka  sakali ako na naririnig nya lahat nang sinasabi ko sa kanya.

 "Kamusta na daw ang lagay niya?" nilingon ko si Ate Darlyn tsaka ngumiti.

"Hindi pa daw sure kung kailan sya magkaka malay pero malapit na syang gumaling." sagot ko habang nakahawak sa kamay ni Nix.

"Hindi mo talaga iniwan si Nix dito noh." saba hawak sa balikat ko. 

"Gusto ko ako ang una nyang makita kung sakaling magising sya." sagot ko habang hindi parin ma alis sa labi ko ang ngiti.

"Hindi parin daw nahuhuli si Tito Gorge pero wag ka nang mag-alala na trace na rin naman sya." 

"Ako na lang muna ang magbabantay sa kanya, magpahinga ka na." tsaka pumwesto sa kabilang gilid ni Nix.

"Thank you po." yumuko ako sa kama para matulog. ipinikit ko yung mata ko nang maramdaman kong gumalaw yung kamay nya.

"Nix?" napatingin naman sa akin si Ate Darlyn.

"Gumalaw yung kamay nya ate Darlyn,"masayang pagkakasabi ko. hinawakan naman ni Ate Darlyn ang kamay ni Nix at iginalaw nya ulit to. nakakatuwa naman. hindi ko maipaliwanag yung tuwa ko.

"Nix, imulat mo yung mata mo." utos ni Ate Darlyn habang nakangiti, tuwang tuwa kami sa kanya lalo nang ibukas nya yung magaganda nya mata. halos maluhaluha ako sa saya. Tears of Joy beshy!!

agad na lumabas si Ate Darlyn para tawagin ang doctor.

"Gising na nga ako umiiyak ka parin." unang salita na narinig ko sa kanya. pinisil ko yung kamay nya. paano ba naman kase eh! yun pa unang napansin nya!

"Napaka ano mo Ne!" pagbibiro ko sa kanya. ginulo nya yung buhok ko tsaka nya dahan dahang hinalikan ako sa noo.

"Na miss kita, Sa panaginip ko ikaw yung nandon. ayoko na nga sanang gumising eh."

napalo ko sya nang mahina. "Kung hindi ka gumising hahayaan mo akong mag-isa na lang ganon?" pagmamaktol ko sa kanya na pabiro.

"Kaso na isip ko, Bakit pa ako mag ti-tiyaga sa panaginip kung may totoo naman." sabay kindat!

pinipigilan kong huwag ngumiti pero hindi ko napigilan. nakaka miss rin pala mga kalokohan nitong si Nix, pati yung mga kahanginan nya sa buhay. 

bumukas ang pinto at agad na pumasok  si Doc. kasunod nun sila Kate pati sila Dad ay nandun rin. tumayo ako para bigyan nang space si Doc pero hindi parin ako binibitawan ni Nix sa pagkakahawak.

"Ano na po Doc? okay na po ba sya?"tanong ni Mama. tumango naman si Doc at naka hinga kami nang maluwag. 

"Fully recover na po ang Pasyente." halos magsigawan sila sa tuwa at syempre lalong lalo na ako. Nang tuluyang maka labas si Doc halos mag party party pa kami sa loob nang kwarto na to. 

"Dude! ang tagal mong gumising miss kana namin." sabay tapik sa braso ni Nix. parang inaasar pa sya ni Rex kaya naman natawa na lang si Nix.

"Mabuti at gumising kana nang matahimik na sa pag-iyak tong kapatid ko." sabay siko sakin ni Kuya Zack. nagtataka pa nga yung itsura ni Nix, hindi siguro sya makapaniwala na nandito ang pamilya at kaibigan ko.

"Nagtataka ka pa Nix, tsaka yung napag-usapan natin tungkol sa racing? tuloy parin yun!" sabay tingin ni Kuya Fred nang masama pero halatang joke lang naman.

"Syempre naman bayaw!"sagot ni Nix habang tumatawa. tungkol sa racing? sya kaya yung ka usap ni Nix nung palapit na kami sa kanya. yung time na nanalo si Nix. kaya naman pala Familiar sa akin yung likuran non.

"Napaka swerte naman pala nang anak ko sayo." napatingin naman  si Nix kay Dad, gulat na gulat sya. Mukhang hindi nya inaasahan na pag-gising nya tanggap nya sya nang pamilya ko. nakaka biruan pa nya.

"Tanggap nyo na po ako para sa anak nyo?" tanong ni Nix kay Mama at Dad. tumango naman  sila at halos parang nanalo sa lotto tong si Nix. hindi sya makatalon nang sobra dahil kumikirot parin ang sugat nya.

"Ikaw ba I.B tanggap mo naman ba ako?" bigla namang natahimik ang lahat sa tanong ni Nix, tila hinihintay nila yung sagot ko. umiling ako kunware para naman may thrill haahahh natawa naman ako sa mga itsura nila.

"Ano kaba Ne! Syempre naman! bakit hindi?!" tapos ay nagsigawan na naman silang lahat. halos magkanda paos paos na sila sa kaka tili  at sigaw hindi nila ininda yon. nag selfie pa talaga sila parang ngayon lang kami nagkita kita.

Si Nix naman parang hindi nang galing sa matagal na pagkakatulog, Go lang sya nang go para mapasaya sila. natutuwa akong nangyayare ngayon to. wala nga namang imposible sa taong naniniwala at marunong mag hintay.

Nagkaroon nang katahimikan. Hindi ko alam kung ano namang dahilan nila. Nakita ko lang na may binabasa si Ate Darlyn sa phone nya. ipinakita nya yon kay Kuya Christ. dahandahan naman syang humarap kay Nix.

"Anong nakalagay dyan?" tanong ko. nang tuluyang ibigay ni Kuya Christ yung phone kay Nix ay na intriga naman ako. tumabi ako kay Nix para naman malaman ko kung ano yung nandon.

"Naka kulong si Dad? Totoo ba to?" tanong ni Nix kay Ate Darlyn.

"Totoo yan, kase kami ang pagpa kulong sa kanya." si Dad ang sumagot. lahat naman kami ay napatingin sa kanya.

"tumawag sa amin si Alessa at nanghihingi sya nang tulong kaya naman bago kami pumunta dito ginawan na namin nang paraan na maikulong si Dylan, tumistigo si Alessa kaya naman na ikulong sya nang mas mabilis." Dagdag pa ni Mama.

"Si Mommy? ano namang kinilaman ni Mommy?"tanong pa ni Nix.

"Nalaman namin na matagal na palang naka kulong si Alessa at kagagawan ni Dylan yon. dahil sa napaka rami na ngang alam ni Alessa tungkol sa baho nya." pag sagot ni Mommy.

"Hindi naman kami tutol." napatingin naman kaming lahat kay Ate Darlyn. "Alam naman naming walang kasing sama ang ama namin pero si Mommy? akala ko iniwan nya kami! yan ang sinabi nya sa amin!" halos mapa sigaw sa galit si Ate Darlyn.

"Lumaki ako nang walang ina dahil sa kanya?!" galit na galit na ang itsura ngayon ni ate Darlyn. "Naulila ako pero sya lang naman pala ang dahilan nang lahat." napa salampak si Ate Darlyn sa sahig. nilapitan namin sya at binigyan sya nang tubig ni Nix.

"Hayaan mo na Ate, alam kong mabubulok na sya sa kulungan ngayon." alam kong malungkot si Nix sa pagkaka kulong nang dad nya pero mas nangibabaw na rin siguro yung galit dahil sa mommy nya.

"Nasaan si Mommy?" tanong ni Ate Darlyn pagkatapos uminom nang tubig. sabay sabay namang tumingin sa pintuan sila Mama at Dad. 

dahan dahan namang bumukas ang pinto at may pumasok na babae. noong una'y nakangiti sya pero nang makita nya sila Ate Darlyn at Nix ay agad na bumuhos ang luha nya. tumakbo sya sa direksyon nila at agad na niyakap ito. 

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko basta isa lang ang sigurado ako. Masaya ako para sa kanila. Hindi ko naman maiwasan na mayakap sila hanggang sa lahat na pala kami ay magkaka yakap na. ang tawag dun. GROUP HUG!!

Someday, Maybe. ( Completed )Where stories live. Discover now