Chapter 57: Goodbye...

1.1K 19 0
                                    

Kate's POV

Kahit na may mga pulis dito sa labas kinakabahan parin ako sa set up na to! No choice kami. ang kailangan lang naming gawin ngayon ay maghintay nang kung ano mangyayari. Hindi ko ba alam kung bakit napaka init nang mga tao  kay Preet, wala naman syang ginagawang masama.

Lalo na si  Meazy at Cindy. hindi ako makapaniwala na nagawa nila yung bagay na yon. paano nila natitiis na nakikita yung kaibigan nilang nahihirapan kahit na walang kasalanan. para silang hindi naging kaibigan ni Preet kahit minsan.

"Kate, kinakabahan ka rin ba?" sinamaan ko nga nang tingin si Rex. napaka epal! pake alam nya ba kung kinakabahan ako?

"Oh, ano ngayon? kinakabahan ka na rin kase kinakabahan ako?" pagtataray ko sa kanya.  nawala yung ngiti sa mukha nya.

"Hindi naman sa ganon, gusto ko lang naman na mapagaan yung loob mo. mapanatag. ganon." inirapan ko na lang sya. 

"Alam mo. pare-parehas tayo nang bar na pinagtatambayan, Sa dami nang babaeng na table mo tapos aasta ka na--" naputol yung sinasabi ko nang makarinig kami nang putok mula sa baril.

sa sobrang gulat ko ay napa upo ako. agad naman akong niyakap ni Rex tsaka agad ko ring tinulak papalayo. Paano ba naman kase nasa katinuan lang ako tsaka hindi ako natatakot.

"Chansing!" malakas na sigaw ko. "Mamang pulis hulihin nyo na nga to." pagbibiro ko para naman matigil na.

"Alam ko namang natatakot ka eh. buti nga pino protektahan pa kita." 

aba aba aba! hindi ko kailangan non mula sa kanya.

Nagkagulo naman yung mga pulis. ngayon. nakaramdam ako nang takot hindi para sa sarili ko kundi yung mga tao sa loob. sana naman ay waalang nangyaring masama sa kanila. Sino naman kaya yung natamaan nang baril?

ipinasaok nila sa  isang ambulance yung nakahiga at nakatakip yung buong katawan nya. napalunok ako.kinakabahan ako at the same time. ganon rin sila Madyel. kanina pa kami rito at wala kaming magawa.

gusto na nga naming pumasok sa loob pero hindi pa daw pwede. maya maya pa'y lumabas ang ilan sa mga pulis kasama si Meazy at naka posas na rin sya. So? kasabwat sya ni Gorge? WOW MEAZY!! hindi ka pa pala nakulong?!

lumapit ako sa kanya. "Ano Meazy? buhay ka pa pala." pang-aasar ko sa kanya habang nakataas ang isang kilay ko.

"Tigilan mo ako Kate. ayokong makita ang pagmumukha mo." sya pa may ganang mag taray?!

"Hindi mo ba nakikita ang itsura mo? nakakahiya ka! naturingan kang kaibigan tapos gagawin mo to!" nabigyan ko sya nang malakas nang sampal. akma na sana nya akong gagantihan nang mahila sya nang mga pulis at pinasok sa sasakyan. 

nakatingin sya nang masama sa akin. Naghintay pa kami kung sino ang susunod na lalabas. kung sino ang hindi makalabas yun na nga siguro yung taong naka takip nang kumot ang buong katawan.

lumabas na rin sa wakas si Preet at Nix. agad kaming lumapit sa kanila. awang awa ako sa itsura ni Preet. para syang kinawawa nang ilang beses sa lagay nya. kung ikaw ang nasa kalagayan namin maiiyak ka talaga sa sinapit nya.

"Preet." yan lang yung nasambit namin tsaka tuluyan siyang niyakap. umupo muna sila at tila hindi parin humihinto sa pag-iyak si Preet. Hindi ako makapaniwalang si Preet ang kaharap namin ngayon. 

Sunod naman na lumabas si Tita Elena kasama si Tito Draco. So ang ibig sabihin si Gorge yung nasa kumot kanina? nilapitan rin namin sila at inalam ang mga pangyayari at ngayo'y alam na nga namin.

Si Gorge nga ay patay na...

pagtapos nang nangyari ay dumaretso na kami sa Hospital para dalhin  doon si Preet, para na rin magamit yung mga galos at iba pa nyang sugat. pinaubaya na lang muna namin si Preet sa mga Nurse at Doctor. 

Someday, Maybe. ( Completed )Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz