Chapter 60: Girls/Boys Talk

884 21 0
                                    

Preet's POV

"Sure kana ba dyan Preet? kukunin nyo na lang si Isha kase hindi nyo mahanap yung magulang nito?" gulat na tanong ni Daph.

"willing naman sya eh. tsaka nakikita ko yung sarili ko sa kanya." sagot ko.

"Anyway, maganda naman ang ugali, akala ko brat si isha hindi pala." sabay tawa ni Lily.

"Oo nga , Nag aalangan pa nga akong makipag-usap sa kanya eh." dagdag pa ni Madyel.

"Pero nakaka enjoy syang ka usap, ang dami nyang kwento Preet, nakakatuwang bata." sabat ni Kate.

Kasalukuyan kaming nandito sa Mansion namin. Montenegro's Island.  dito kase naisipang ganapin at katatapos lang namin pag-usapan ang kasal, gown, venue at kung ano pa ang kailangan.

"Nakakawala nang pagod yung ngiti ni Isha noh."sumang-ayon naman sila sa akin.

"Sorry nga pala Preet, wala ako dun sa France para tumulong." tinignan ko naman si Daph at ngumiti ako sa kanya. Nakatulong naman sya diba? nakatipid kami sa Little Party hahahaha.

"Wala yon Daph, atleast nandito ka at kasama namin." natahimik naman kami sa sagot ko.

Baka kase na alala nila si Cindy at Meazy.

biglang pumalakpak si Madyel at napatingin kay Kate.

"Kayo ni Rex? anong meron sa inyo?" tanong ni Madyel, agad agad kaming nagtilian na parang mga ewan. nagbatuhan pa nang una.

"Teka lang! bakit napunta sa akin?" sigaw ni Kate. "Bakit hindi kay Lily?" napatingin naman kaming lahat kay Lily.

"Oyy! bakit naman ganon? si Daph nga may Jon eh." napatingin naman kaming lahat kay Daph.

"Hala! bakit napadpad sa akin?" gulat na tanong ni Daph.

"Ok,OK,Ok, para walang turuan mag-umpisa tayo kay Madyel." pagkasabi ko  non ay napatingin naman kami kay Madyel.

"Ako unang nagtanong ah! sagutin nyo muna tanong ko!" nagmama kaawa sya sa amin pero in the end napilit rin namin sya.

"Okay, eto na nga!" huminga muna nang malalim akala mo talaga eh, natatawa pa nga kami sa kanya eh. "Matagal nang nanliligaw si Kelvs sa akin, then kami na. happy?" 

bigla na namang nagsigawan, ang dami pa nga nilang tanong pero hindi na sumagot si Madyel. hanggang yun lang daw muna sa ngayon.

napatingin naman kami kay Kate, kunware ay hindi nya alam at nakatingin sya sa itaas. 

"Yung mga ganyan? may tinatago yan." panghihinala ko sa kanya. agad naman nilang ininis si Kate. naines siguro kaya tumingin sa amin.

"Nangungulit lang si Rex sa akin pero not my type." hands down. sumabat naman si Daph.

"Oo beshies! lalong lalo na si Jon! akala siguro nila maiisahan nila kame? No way!! Playboys is always a Playboys." hands down.

"Edi ayon. Waiting parin ako kung kailan magpo-propose si Krazer." sabay irap ni Lily sa kawalan. natawa naman kami sa mga pinagdadanan namin sa buhay. 

"Huy! pag may anak na kayo Don't forget us!" nakangusong pagkakasabi ni Madyel.

"Syempre naman, basta ba wag nyo lang tataguan sa pasko." pagbibiro ko sa kanila.

"Boy or Girl?" tanong nila sa akin. 

"Dahil may Girl na akong anak na si Isha siguro Boy na lang." sagot ko.

biglang may kumatok sa pinto. agad naman kaming lumapit sa pinto at binuksan ni Kate yon. isa sa mga Maid ang natagpuan namin sa labas. 

"Ma'am, nandyan na po yung gown." pagka sabi niya ay agad kaming pumunta kung saan man yun naroroon. yung totoo? nauna pa sila kesa sa akin eh. hahaha nakakatuwa naman tong mga kaibigan ko.

Someday, Maybe. ( Completed )Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu