Chapter 55: What Happened?

888 18 0
                                    

Preet's POV

"Kate, Gusto ko lang sabihin sayo na.. matagal na kitang gusto. seryoso ako sayo kaya wag mong isipin na pinapa ikot lang kita. ayoko nang mapunta ka sa iba kase alam kong mas higit na mamahalin kita kaysa sa makaka una sakin. yun lang Kate.." sa itsura ni Rex halatang seryoso nga sya kay Kate. 

nagkantyawan pa silang lahat. 

si Krazer naman ang sunod, hinawakan nya yung kamay ni Lily at lumuhod. akala naman namin mag po-propose na hindi pa pala. umasa rin siguro si Lily. yung mukha nya parang disappointed,

"Lily... Matagal na tayo, Gusto kong sabihin na hindi ko alam kung  ano ang pwedeng mangyare sa akin kung wala ka. gusto ko kase nandyan ka dahil alam kong kaya kitang protektahan. hindi mo alam kung gaano kita ka mahal kahit nung high school pa. hindi nagbago yung pagmamahal ko at hindi ko hahayaang magbago yon. I Love You." sabay yakap kay  Lily.

ayan na nman yung high school life ko. wala na rin akong nararamdaman na kahit ano, siguro kapag naka move on kana talaga hindi kana makakaramdam nang sakit bagkus magiging masaya kapa para sa kanila.

si Kelvs naman ang sunod.

"Hi Madyel, Matagal na rin nang ligawan kita. Sabi mo kailangan mo nang panahon at sa kaling babalik ako yun yung araw na sasagutin mo na ako. Naghintay ako Madyel kung hindi ngayon ang tamang panahon maghihintay parin ako. Mahalaga ka sakin at handa akong ipakita sayo yun." 

tumingin muna si Madyel sa direksyon namin ni Nix, gusto nya sigurong sabihin ay naka move on na rin siya sa relasyon nila ni Nix. ngumiti naman kami sa kanya. inakbayan naman ako nang mahigpit ni Nix.

"Tatanungin sana kita ulit, sinasagot mo na ba ako?" 

"Oo Kelvs, sinasagot na kita."

nagpalakpakan na naman nang sobrang lakas ang mga tao, Tuwang tuwa ang ilan at nagsisigawan naman ang iba. nagtata talon si Kelvs na parang bata sa tuwa. hindi nya ininda basta tuwang tuwa naman sya.

nang magkaroon na naman nang katahimikan napunta ang spotlight sa stage kung saan nandoon si Mama at Dad, tumingin sila sa mga tao 

"Bago tayo kumain gusto kong sabihin na Magandang araw sa lahat. Gusto ko ring ipakilala sa inyo yung taong ni Minsan hindi ko naisipang ipagpalit, Sya yung taong nagbigay nang inspirasyon sa buhay ko, at ang taong yon ay walang iba kundi si Elena Montenegro." sabay yakap kay Mama.

pinunasan ko yung luha na hindi ko napansin. nakakatuwa naman pala to noh. although may mga kulang man masaya parin, paano pa kaya kapag kumpleto na diba? sumandal ako sa dibdib ni Nix.

"Nakakatuwa naman," sambit ko. hinalikan nya ako sa ulo tsaka niyakap. ang clingy ni koya ah!!

pagkatapos nang ilang message pa ay nagka inan na rin sa wakas!! kanina pa ako ina akit nang mga pagkain dito eh. nang ma serve na yung pagkain agad kong nilantakan yon. 

"napaka sarap naman nang mga putahe dito." pagkakasabi ko pa habang naka pikit. BESH! para akong nasa heaven noh!

"Dahan dahan lang." bulong ni Nix.

"Alam mo Ne, minsan lang dumating sa buhay yan then grab!" sabay irap ko pa kunware.

umiling iling na lang sya tapos ako nakaka rami na nang kain. maya maya pa'y hindi na nga ako makahinga sa dami nang nakain ko. hindi na ako maka galaw. tsaka naramdaman kong tinatawag na rin ako nang ating inang kalikasan.

halos pigil na pigil ako sa pag hinga baka lumabas.

pahapon na rin naman eh. sana konti lang yung nasa restroom ngayon.

"Excuse me," pagka pa alam ko agad akong lumabas nang venue. nasa likod kase yung restroom sabi nang isang waiter kaya tumakbo na ako nang mabilisan. napaka swerte ko walang ka tao-tao.

pumasok na ako doon. konti lang naman ang nailabas ko sa buhay kaya natapos na rin ako. nag-ayos muna ako nang ka unti, re touch ba, tapos lumabas na rin ako nang restroom nang may lalaking naka tayo sa labas.

agad nyang tinakpan ang ilong ko at nawalan naman ako nang malay.

Nix's POV

Halos tapos na ang lahat sa pagkain pero wala parin si Preet, malapit nang magsayawan, ayoko pa namang makipag sayaw sa iba gusto ko sya lang.

"Nasaan si Preet? bakit parang hindi ko  sya makita?" tanong ni Krazer sa akin.

Okay na rin pala kami ni Krazer, nalinaw na nya lahat kaya naman naintindihan ko na.

"Sa Restroom yata pumunta pero hanggang ngayon wala parin." sagot ko sabay tingin sa relo ko.

"Puntahan na kaya natin?" sumang ayon naman ako sa kanya kaya naman pumunta na kami sa Restroom. medyo malayo pala kaya siguro natagalan yun. nang mahanap na namin ang restroom, naghintay kami nang ka unti pero wala man lang lumalabas.

naisipan na naming pumasok sa loob pero wala sya. may naka dikit na papel sa salamin, may phone number doon at naka sulat na Call me.

hindi ako nagdalawang isip na tawagan kung sino man sya.

[nag expect ako na baka bukas nyo pa ako tawagan.] boses ni GORGE!!

"Nasaan si Preet?!" galit na pagkaka tanong ko sa kanya.

[Ikaw lang ang naligtas? paano ako Nix]

"hindi na namin kasalanan na hindi ka naligtas! alam naman natin na ikaw ang puno't dulo nang lahat!"

tumawa sya nang malakas, [nandito si Preet, katabi ko sya at natutulog.]

"T*ngina mo Gorge! wag kang magkaka maling galawin si Preet!!" halos gusto ko nang mag wala sa galit, wala akong magawa!!

[paano nyo makukuha si Preet? si Elena ang gusto kong makita. ibibigay ko si Preet at ibibigay nyo sa akin si Elena. swap lang walang lamangan] sabay tawa na naman.

agad nya akong pinatayan nang phone. pa ulit-ulit ko syang tinawagan pero pinatay na talaga nya nang tuluyan. 

"Ano raw ang sabi?" tanong ni Krazer.

"Gusto daw ni Gorge nang swap, kay Mommy Elena." sagot ko. agad akong tumakbo pa punta sa venue at hinanap ka agad si Daddy Draco.

"Dad, may sasabihin po ako." bulong ko sa kanya. lumayo kami nang ka unti sa mga bisita.

"Ano yon anak?" tanong ni Dad nang pabiro pero nang makita nyang seryoso ang mukha ko ay nagseryoso na rin ang mukha nya.

"May problema ba? Nasaan si Preet?" biglang nag iba ang mukha nya.

"Yun nga po Dad, nawawala po si Preet." sagot ko sa kanya.

"WHAT!?!" sigaw nya. 

"Gusto po ni Gorge nang Swap. Kay Preet at Mommy Elena."

biglang namilog ang mga mata nya. "Si Gorge?" pagtatanong na naman ni Dad.

"tawagan mo sya. gusto ko syang maka usap," 

agad ko namang tinawagan ulit si Gorge pero hindi sumasagot talaga. naisipan kong tawagan si Preet dahil alam kong dala naman nya yung phone nya pero iba ang sumagot. si Gorge.

agad kong binigay yung phone kay Dad at kinuha nya yon.

"Hindi mo ba talaga titigilan ang buhay ko?" tanong ni Dad nang seryoso.

......

"siguraduhin mo lang na ibibigay mo ang anak ko!"

ibinigay nya sa akin ulit yung phone, 

[gusto kong kasama ka bukas ah, kayong dalawa lang ni Draco at wala nang iba.]

"Saan kami pupunta para makipag kita sayo?" pa galit na tanong ko sa kanya.

[alam na ni Draco yun. Hihintayin ko kayo at kung hindi. alam mo na na ang pwedeng mangyare.]

Someday, Maybe. ( Completed )Where stories live. Discover now