Chapter 72: Pulse

747 13 0
                                    

Preet's POV

"Ano Meazy?" Mataray na pagkaka tanong ko sa kanya. Ayoko naman syang tarayan pero dapat na rin siguro to. Para naman matakot rin sya.

Umupo kami sa sofa kung saan kaming dalawa lang. Samantalang sila ay nasa gilid lang.

"Alam kong hindi maganda yung nagawa ko sa inyo. Gusto ko nang linisin ang pangalan ko. Gusto ko nang mag bagong buhay para na rin sa magiging pamilya ko." Paliwanag nya. Sincere naman sya base na rin sa itsura nya.

Napatingin ako sa tyan nya. Hinimas nya pa ito tsaka ngumiti sa akin.

"Gusto mo bang makilala ang ama nito?" Tanong nya ulit pero may napaka laking ngiti sya sa mukha nya. Sa itsura nya ay parang ayoko na tuloy malaman kung sino.

"Wala namang kinalaman si Nix dyan diba?" Seryosong pagkakatanong ko sa kanya. Parang pa galit rin ang pakikipag usap ko sa kanya. Nahihirapan pa akong mag move on sa lahat nang ginawa nya. Well... sino bang hindi?

"Hmm..." tumingin sya sa itaas na para bang nag-iisip. "Pwede.." sabay tango nang dahan dahan.

"Pwede?" Mabilis na tanong ko.na itaas ko na rin ang boses ko dahil sa sagot nya.

"Ano ba kase gusto mong malaman?" Itinaas nya yung isang kilay nya na para bang nagagalit o naiines sa akin. Wow! Pa ganern pa!

"Deretsahin mo na rin ako." Sagot ko.

"Hindi si Nix ang ang ama nito. O.K, gusto ko lang humingi nang kapatawaran sa ginawa ko. Gusto ko na ngang magbago." Sabay hawak nya sa dalawang kamay ko.

"Mapapatawad siguro kita pero hindi ko alam kung kailan ko maibabalik yung tiwala ko sayo Meazy." Sagot ko pero hindi naman ako sa kanya nakatingin.

"Ok, Naiintindihan ko naman eh. Masyado lang akong nadala sa pagmamahal ko noon." Sabay tanggal ang pagkakahawak nya sa kamay ko.

"Expectation ko na rin to." Sabay tawa nang mahina. "Pero... handa ko namang patunayan yung sarili ko sa inyo eh. Yun lang." Sabay tayo nang dahan dahan.

"Mauna na ako." Akma na sana syang tatalikod para iwan ako pero hinawakan ko yung braso nya para muling humarap sa akin.

"Kumain kana ba?" Tanong ko. Hindi ko alam kung bakit ko tinanong yun. Wala na akong na isip na topic. Food is life kase eh!

"Wag na. Aalis na rin naman ako." Sagot nya.

"Tinatanong ka lang naman. Hindu naman kita inaaya!" Sabay irap ko pa kunware.

Sinamaan nya ako nang tingin pero natatawa naman sya. Ewan ko. One of the closest friend ko sya noon tapos umaarte kami na parang walang nangyare ngayon?

"Syempre joke lang! Sabay sabay na tayo." Hinila ko sya nang marahan para makalapit kila Nix.

"Wag na Preet. Nakakahiya naman sa inyo."sabay yuko nang makalapit na kami sa kanila.

"Oo nga Preet, May bahay naman yan sila ah!" Napatingin naman ako nang masama kay Krazer.

"Sige na nga! Tara na handa na daw pagkain doon." Sabay turo ni Krazer sa Dining room.

Nauna na silang maglakad. Ako naman ay inaalalayan ni Nix at syempre naka alalay ako kay Meazy.

"Sabi naman sayong wag na." Bulong na naman nya sa akin. Halatang nahihiya pa nga sya dahil naka yuko parin.

"Pagkain lang yan Meazy." Bulong ko naman sa kanya.

"Tingin mo ba nahihiya ako dahil lang sa pagkain? Ang OA." Sabay irap nang pabiro sa akin.

Someday, Maybe. ( Completed )Where stories live. Discover now