Chapter 66: Curious Preet

877 12 0
                                    

Preet's POV

Maaga akong nagising para maghanda nang pagkain, Gusto ko kasi ako nagluluto para sa mag-ama ko. Araw-araw naman ganon hanggang sa nasasanay na rin ako. Naunang bumaba si Isha. nag kiss sya sa pisnge ko at ganon rin sya.

"Anak, First Day of School mo na. galingan mo sa School. Kasabay mo daw si Zyreen." masayang pagkakasabi ko. ngumiti naman sya mula sa pagiging mataray na naman na mukha.

"Mama, Lagi po akong inaaway ni Zyreen pero mas madalas po kaming maglaro." pagkakasabi nya. walang gana ang pagkakasabi nya pero hindi na ako nag abalang tignan kung ano ang reaksyon nya.

"Talaga? naninibago siguro yon. Paano kase  walang kalarong bata,Ngayon lang kasi nandyan kana." sabay bigay ko nang favorite nyang ulam. agad naman syang kumain nang bumaba na rin si  Nix.

binigyan nya ako nang kiss sa labi bago tuluyang umupo sa tabi ni Isha. Inilapit ni  Nix yung kamao nya kay Isha at dinikit naman ni Isha ang kamao nya. parang pag tose ang ginawa.

"Bihis na bihis ka yata, Ano meron?" tanong ko. pagkatapos kong ibigay sa kanya yung pagkain at tumabi na rin sa kanilang dalawa.

"Pinapatawag kase ako sa pinag applayan ko para sa interview."

"Ngayon ba yon? Sorry hindi ko alam ah. Busy rin kase ako. May kailangan ka pa ba?" tanong ko sabay tayo para asikasuhin sya pero hinawakan nya ako sa braso. 

"Wala na akong kailangan, Kase nandito kana." sabay ngisi pa. Hindi ko tuloy malaman kung matatawa ba ako o ano eh. tumabi na lang ulit ako sa kanila at pinagmamasdan. Ang ganda lang nilang pagmasdan.

"Bakit po Mama?" tanong ni Isha sa akin. umiling ako at inilagay sa hugasin ang pagkain nya. nagpa alam na muna ako kay Nix dahil papaliguan ko pa si Isha at bibihisan para sa school nya. 

"ayan anak! ang ganda ganda mo na talaga." bati ko sa kanya habang sinusuklay ang buhok nya. naka suot na sya nang uniform nya at kasyang kasya lang talaga yung uniform na binili ko para sa kanya. ang cute cute na maganda si Isha.

may kumatok sa pinto at dahan-dahang bumukas ang pinto. nakita ko roon si Zyreen. ngumiti sya sa akin at lumapit.

"Sana kaklase kita Isha." sabay kuha ni Zyreen nang isa pang suklay para magsuklay ulit sa buhok. Magiging magkaibigan pala tong kapatid ko at anak ko. Excited na akong maka uwi sila mamaya.

"okay na Isha, hatid ko na kayo sa labas." sabay-sabay na kaming lumabas nang bahay. nandun naman si Dean na naghihintay sa dalawang batang to. nang makasakay na sila ay kumaway sila sa amin ni Nix na katatabi lang sa akin.

"Kinakabahan ako..." bulong niya.

tinignan ko lang yung itsura nya at natawa naman ako sa reaksyon nya. parang kinakabahan na ewan pero nung nandun kami sa Paris at nagkaka gulo na kahit minsan hindi ako nakarinig na natatakot sya. Tapos eto? itong interview na to nakakapag pakaba sa kanya? nakakatawa talaga sya. parang bata.

Inayos ko yung kwelyo nya. "Sa Interview kinakabahan ang isang Nixander Saavedra? Bakit naman?" tanong ko sa kanya.

"Ito ang kauna-unahang Pag apply ko sa pangarap ko. Bukod sayo kase may pangarap pa ako." ngumisi naman sya sa akin. natawa naman ako tsaka iniwas yung tingin ko sa kanya. Kinikilig kase ako ihh. hahaha,

 "Sige na, Umalis ka na baka ma late kapa sa 'PANGARAP' mo." pagbibiro ko sa kanya. Binigyan nya ako nang halik bago tuluyang umalis, Wala kami ngayon sa Saavedra. Mas gusto kasi nila na dito na lang muna kami mag stay.

"Hi Preet," bati sa akin ni Ate Joan habang karga karga si Josh. agad akong lumapit sa kanila at tinulungan sya sa mga dala-dala nya.

"Hello, hello Baby Josh" sabay kiss sa kanya. napaka cute na bata manang mana kay Daph. si Daph kase nag mana sa akin kaya alam nyo na sino pinagmulan. anyway mahangin na naman kaya pumasok na kami sa loob.

"Pinuntahan ko si Daph kahapon sa Resto nya, Nandun parin si Jon at ganon parin ang status. walang nagbabago Preet." balita nya sa akin. Akala ko ba naman may something na sa dalawa. kitang kita ko kase yung pagpupursigi ni Jon at isama na rin natin si Rex.

"Kamusta naman po si Kuya Nate sa trabaho nya? Hindi naman po ba mahirap para sa kanya?" tanong ko pa. ngumiti si Ate Joan at ngumiti sa akin.

"Hindi naman marunong magreklamo ang Baby ko." tapos sabay hawi nang buhok nya. wow! nakita nya na ba si Peach o nakilala? kung OO edi nahawa na sya kay Peach sa pag hawi nang hair nya.

"Si Nix? Akala ko nandito si Nix ngayon. May pinabibili kase sya kahapon kaya ito oh. ikaw na magbigay." sabay bigay nang box pero naka gift wrapper yon. tinanggap ko sya at umupo muna kasama nya sa sofa.

"Na mi-miss na kita doon sa bahay, Kailan ka ba ulit papasyal doon." sa tono nang boses ni Ate Joan ay parang nagtatampo.

"Dito kasi naka enroll si Isha, Baka pag may free time kami." sabay taas baba nang nang dalawang kilay ko tapos ngumiti pa ako para hindi na sya mag tampo.

"Nag e-enjoy naman po ba kayo kay Baby Josh?" mabilis syang tumango sa sagot ko.

"Kahit minsan napupuyat ako sa kanya na e-enjoy naman akong kasama to. Tsaka nakaka pawi nang pagod yung ngiti nya." pinagmasdan nya si Baby Josh na tila isa silang mag-ina. Pinagmasdan ko naman sila at tila para namang kumikinang yung mata ni Ate Joan.

Napatingin naman ako dun sa box na binigay sa akin ni Ate Joan. na te-tempt akong buksan on. inaakit ako nang box! kaso magkakasala ako kay Nix. Kaso gusto ko talagang buksan at makita huhuhubells! silip lang naman eh. 

"Ate Joan para kanino nya ba to ibibigay?"tanong ko. Hindi parin humarap si Ate Joan pero sumagot sya.

"I dunno," tipid na sagot nito.

pinag-iisipan ko talaga nang mabuti kung bubuksan ko ba to o hindi, maya-maya pa'y biglang pumasok si Madyel sa loob nang mansion at parang pagod na pagod sya. Agad akong lumapit sa kanya at kumuha nang tubig.

"Ok ka lang? para kang nakakita nang multo ah." sabay bigay nang tubig. pinanlakihan nya lang ako nang mata. "Huy! ano bang nangyayari sayo?" alalang tanong ko pa ulit.

"Madyel? akala ko ako susundo sayo?" sabay kamot sa ulo ni Kelvs. umiling iling naman si Madyel bago tuluyang hinila si Kelvs sa kwarto nila. Ano naman kayang problema non? Hindi nag ku-kwento. Mamaya sakin yon. mukhang may magigisa sa sariling mantika ah. hahaha

"Silip lang naman Ate Joan, Hindi naman yata nya mahahalata." agad kong binuksan yon nang pa unti-unti. PANDORA!! para kanino naman to? may bracelet sa loob. PARA KANINO TO KUNG HINDI SA AKIN?!! 

sinira ko na nang sobrang laki yung Gift Wrapper. pambabae yung bracelet kaya naman walang urungan to. Go lang nang Go! sa likod naman nang Box may naka sulat na maliliit.

Dear I.B

alam ko namang hindi mo matitiis tong regalo na to kaya kahit wala ako bubuksan mo parin. Sige ikaw na ikaw na, Thank you for being good wife. 'VERY GOOD' wife." 

                                                                                                                                              -Love NENE.

napatingin naman ako kay Ate Joan na ngayo'y pigil na pigil ang tawa. pinagka isahan nila ako besh! sumimangot ako sa kanya tapos hinampas pa ako nang pabiro. Yung hampas na kapag kinikilig yung bestfriend mo sa crush nya. Parang teenager si Ate Joan. hehehe.

"Susunduin ko po si Isha at Zyreen mamaya, sama kayo?" tanong ko para naman maiba ang usapan. syempre feel an feel ko yung pandora na to. ngayon lang ako na regaluhan yung tipong gumastos pa para sayo pero mas masaya ako kase sa taong mahal ko nang galing yon. HIHIHI, harot.

Someday, Maybe. ( Completed )Where stories live. Discover now