Chapter 34: The Marriage

1.3K 19 1
                                    

Draco's POV

nagsoot ako nang earphone sa tenga at naglakas loob na pumasok sa Building nang Saavedra. hindi ako nagdalawang isip na gawin to dahil alam kong nandito nga si Preet, hinanap ko si Dylan. nakita ko naman sya sa office nyang naka-upo.

"Kamusta na aking kaibigan." sabay tawa nang mahina.

"hindi mo man lang ba ako  kakamustahin?" tanong nya pero may ngiti parin sa mga labi nya. lumapit ako sa isang upuan at dahan dahan na sumandal doon.

"Bakit ko naman gagawin yon?" Pabalik na tanong ko.

''Mukhang alam ko na kung bakit ka naririto." Sagot nya.

"Hindi mo man lang sinabi edi sana pinapunta ko sya dito." Dagdag pa nya.

"Nasaan ang anak ko?"tanong ko ulit sa kanya.

"Hindi namin sasabihin." Sagot nang babae sa likod ko. Si Andrea.

Lumapit sya kay Dylan at tumabi sa pinagkaka upuan nito. "Alam mo bang nakaka awa si Preet tignan ngayon?" Sa tono nang boses ni Andrea ay parang natutuwa pa sya.

"Anong ginawa nyo sa kanya?!" Sigaw ko sa kanilang dalawa. Dahil sa pag sigaw ko bigla naman silang natawa.

"Anong nakakatawa? Manakit nang taong walang ka malay malay?!'' Dagdag ko pa.

"Chill, sa tingin mo ba magagawa namin yon sa anak nang kaibigan namin?" Tanong ni Dylan.

"Makukuha mo ang anak mo sa isang kondisyon." Napatingin naman ako kay Andrea.

"Isalba mo ang Business nang Saavedra at makikita mong buhay ang anak mo or else." Tumingin si Dylan sa isang pinto kung saan may naririnig akong sigaw na nagmumula sa babae.

"Sino yon?" Kinakabahan ako habang nagtanong ako sa kanila. Wag lang nilang sabihin na si Preet yan.

"Hindi na mahalaga ang nasa loob nyan. Ang mabuti pa ay bilisan mo ang pagsalba sa kumpanya at makakabalik na ang anak mo." Litanya ni Dylan.

Akma na sana akong pupunta sa pinangga galingan nang sigaw nang magsalita ulit sya.

"Kung balak mo yang tignan wala kang mapapala." Tsaka sumandal ulit sa upuan nila.

Hindi parin ako nagpatinag. Lumapit parin ako dalidaling binuksan ang pinto.

"A-Alessa." May gulat sa boses ko. Hindi ako makapaniwalang si Alessa ang kaharap ko.

Elena's POV

"Kailangan nating mabawi si Preet. May nakapag trace daw na nasa mansyon daw siya nang Saavedra kasama ang anak ni Dylan." Pinapa alam ko sa dalawang anak ko kung anong nangyayare sa kapatid nilang babae.

"Wag tayong padalos dalos nang desisyon dahil hindi natin alam ang pwedeng mangyare mom." Sagot ni Fred sa akin.

"Ang mabuting gawin na lang natin ngayon ay maghintay hanggang sa makabalik si Dad." Si Zack naman ang nagsalita.

Napabuntong hininga na lang ako. Ayokong mag isip nang negative pero alam ko kung anong pwedeng gawin nang mga Saavedra. Lalo pa ngayon na alam nilang si Preet ay Montenegro.

"Mommy. Akala ko po ba ngayon tayo bibili nang new doll?" Tanong ni Zyreen.

"Ngayon lang hindi susunod si mommy sa promise nya ah. Busy kasi si mommy next time ibibili kita nang madaming madaming laruan." Pagpapangako ko kay Zyreen para hindi sya malungkot.

"Promise yan mommy ah. Pinky swear?" Ngumiti naman ako sa kanya.

"Pinky Swear," sagot ko.

"Doon ka muna sa room mo baby may pinag-uusapan lang kami." Tumango naman sya at tumakbo papunta sa kwarto nya.

Maya maya pa'y paparating na eroplano. Si Draco na kaya yan? Agad kaming lumabas nang mansyon at nakita ko nga si Draco. Kumaway sya samin pero hindi nya kasama si Preet.

Hinintay namin sya makababa at pumasok sa mansyon. Hindi ko alam kung anong balita ang maririnig namin pero umaasa ako na mababalik pa si Preet samin.

"Anong nangyare sa pag punta mo sa Building nang Saavedra?" Tanong ko kagad sa kanya nang maka upo na kami.

Narinig ko ang paglunok nya.

"Si Alessa..." yan ang unang narinig ko sa kanya. Anong meron kay Alessa??

"Nakita ko si Alessa na naka gapos nang kadena. Puro latay ang katawan nya at kagagawan ni Dylan yon." Napatakip ako sa bibig ko.

Tignan nyo! Kahit asawa nya nagagawa nyang saktan at gawing ganyan dahil lang sa may dahilan sila. Wala pari silang karapatang pahirapan ang isang tao kahit na anong rason pa man yan!

"Nasan si Preet? Kamusta ang anak ko."mangiyak ngiyak na ako. Sana ay maganda ang kalagayan nya.

"Hindi ko nakita si Preet pero may hiningi silang kundisyon."

"Anong kondisyon Dad?" Mabilis na tanong nang kambal.

"Isalba natin ang kumpanya nila at makakabalik nang maayos si Preet satin."

"What?! This is the time! Ngayon pa ba kung kailan pabagsak na sila? NO!" Malakas na sigaw ni Fred.

"Fred kapatid na babae mo ang nakasalalay dito! Alam mo kung gaano ako nangulila sa kanya ngayong nandito na bakit hindi pa natin kunin." Naiiyak na ako. Bakit kase yun pa yung kailangan nilang kundisyon.

"Siguro alam ni Dylan na mangyayare to kaya naman kinuha na nila si Preet." Dagdag pa ni Draco. Napayakap na lang ako sa kanya.

"Puntahan natin sya sa mansyon. Baka pwede naman nating gawan nang paraan." Pagmamaka awa ko.

"Hey there. Anong meron?" Tanong ni Lily sa amin. Humarap ako sa kanya. Hindi ba't nakaka punta si Lily nang Saavedra.

"Si Preet, nakita mo ba si Preet sa Saavedra?" Mabilis na tanong ko. Sabay sabay kaminv napatingin kay Lily.

"Opo. Nakasama ko nga sya nung nakaraang gabi sa Color Powder Party eh."

Biglang nagliwanag ang mukha namin lahat. May plano akong naisip.

"Pati nga si Madyel ay nakita narin si Preet." Sabay turo ni Lily kay Madyel.

Huminto si Madyel sa paglalakas at ngumiti. "Napaka ganda na ni Preet ngayon. Natalbugan na tayo." Pagbibiro pa nya.

Dahil sa kwento nila parang gusto ko na tuloy makita si Preet nang malapitan.

Gusto ko na syang yakapain gaya bagay na hindu nya natanggap sakin. Gusto ko na syang halikan sa pisnge.

Lahat na na mi-miss ko sa kanya. Wala nang mas nakakasabik pang makita ang anak mong matagal na wala sayo.

Lalo lamang lumalakas ang pag-iyak ko habang pinapakalma nila ako. Hindi ako makapaniwalang si Preet ay maari kong makita.

Napakaganda na talaga siguro nang anak ko ngayon. Gusto ko na syang makita ngayon na.

"Gagawa tayo nang paraan para makita nyo sya." Tumingin ako kay Lily. "Ngayon ko lang din kase alam na siya pala yung anak ninyo. Sya pa naman yung babaeng tinutukoy ko na naka away ko nung highschool." Sabay tawa nya nang mahina.

"Kung alam ko lang dinala ko na sya dito. Yun yung mga panahong hindi pa sya nababakuran nang mga Saavedra." Dagdag pa ni Lily.

Hindi pa nababakuran? Anong ibig nyang sabihin?

"So it means wala sya sa Saavedra dati?" Tanonv ni Zack sa kanya.

"Yes, ngayon kase kasal na sila ni Nixander Saavedra. Ang anak ni Dylan."

Napaka hawak ako sa dibdib ko at hindi ko namalayan na nawalan na pala ako nang malay.

Someday, Maybe. ( Completed )Where stories live. Discover now