Chapter 9: Paperworks Or ....

2.1K 34 1
                                    

Third's Person Point Of View

Baka takasan na naman nya ang mga paperworks mahalaga pa naman na matapos na ka agad yun.

Nilapat ko ang likod ko sa upuan at isinandal. Nakahinga ko nang maluwag kahit papaano.

Iniisip ko palang kung malaman nang daddy ni Preet na napangasawa nya si Nix ay natutuwa na ako.

Nakarinig ako nang kaluskos sa kulay itim na pintuan dito sa office. Agad ko namang nilapitan yun at dahan dahang binuksan.

"Walang hiya ka! Palabasin mo ako dito!" Malakas na sigaw nya. Ang asawa ko pala. Tiyak na nagugutom na sya dahil hindi ko man lang sya pinakain kagabi.

"Mukhang nagkaka intindihan  na kayo nang mga ipis at daga dito Alessa." Sabay hawak ko sa maamo nyang mukha.

Samantalang hindi sya makapalag dahil nakatali ang kanyang mga kamay sa kadena.

"Hayop ka kahit kailan! Hayop! Hayop!" Paulit ulit na sigaw nya sakin.

Pinagsarhan ko ulit sya nang pinto. Pinabayaan ko syang nagsisi sigaw sa loob nang madilim na pinto na yun.

Maya-maya pa'y may pumasok sa loob nang office ko. Sya na naman!

"Kamusta ang anak ko?" Tanong nya sakin.

"Ok naman sya. Bakit? Anak mo ba talaga sya?" Pang iines ko pa sa babaeng kaharap ko.

"Oo at wag ka nang kumontra. Sa huli tayo rin naman makikinabang nito." Galit na tugon nya.

Ngumisi lang ako.

Preet's POV

Natapos rin makapag luto nang pagkain grabe ang galing magluto ni Ate Joan kahit walang procedure.

"Ang sarap naman po Ate Joan!" Tinikman ko ulit yung luto nya.

"Thank you. Masarap rin naman yung luto mo."

Sus! Binola pa ako neto pero sure talaga akong masarap luto ko hehehe.

"Ako na tatawag kay Dean ikaw na siguro tumawag kay Nix sa taas."

Tumango ako sa kanya at umakyat sa kwarto naming dalawa.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto at nakita kong nakaka kalahati na nya yung isang box.

Hindi man nya sabihin pero pagod na pagod sya.

Nilapitan ko sya tapos hindi ko na tinarayan baka mabaliw na to nang tuluyan.

"Handa na yung pagkain bumaba kana."

Binigyan nya lang ako nang tango.

"Hindi ba pwedeng ipagbukas yan?" Tanong ko sa kanya na may halong ines sa boses.

Ayan naguumpisa na naman yung tono nang boses ko.

"Nag text si Tito Gorge kailangan na daw bukas to."

"Sumabay kanang kumain tara na tutulungan na kita dyan mamaya." This time bigla syang napatingin sakin.

Mukhang gulat yung mukha nya.

"Ikaw ba talaga yan? Baka may sumapi lang sayo ah!"

Ayan! Ayan! Mang-aasar pa sya buti nga tutulungan ko pa sya eh kase naaawa ako sa kanya.

"Isa pang satsat mo ikaw lang mag-isang tatapos nang paperworks mo." Pagtataray ko ulit sa kanya.

"Sabi ko nga kakain na tayo. Tara! Payakap nga sa asawa ko." Pang aasar na naman.

Agad kong hinampas ang braso nya pero mukhanv ako yata yung nasaktan.

Masakit kamay ko pero nahampas ko na sya panindigan ko na lang to.

Someday, Maybe. ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon