Chapter 50: Cindy's Day

929 16 0
                                    

Cindy's POV

"Mommy ano na? namuti na lang lahat nang bulbol ko hindi parin namatay yang si Preet, balak mo na bang buhayin yan?" pagtataray ko sa kanya.

"Alam anak, kakarating ko palang dito yan agad bungad mo sakin. Syempre hindi magbabago yung desisyon ko na patayin yang si Preet, nag kanya kanya na nga kami nila Dylan eh. nasa Japan sya ngayon."

"Wala akong pake alam. hindi nga rin sila mahanap kung nasaan sila ngayon. sa laki nang France Mommy! Nasaan sila?!!" sigaw ko nang malakas.

"Una sa lahat Cindy wala kang natulong sa akin. Manahimik ka at tignan mo lang ang lahat nang gagawin ko." 

inirapan ko sya at humiga sa kama ko. kapag si Mommy ang gumagawa nang plano laging palpak! walang nangyayareng maganda. nagmamarunong kase! sya na raw ang bahala kay Preet pero tignan mo naman! nakapag move na on na si Nix sa akin pero si Preet ni isang galos wala!

"Wag kang mag  alala Cindy ako na ang bahala."

"Hindi na ako maniniwala sayo. gagalaw na ako nang mapabilis ang lahat. Hindi ka maasahan." sabay irap.

"Hanggang ngayon wala paring balita sa dalawa.Ano na?" pagtatanong naman ni Meazy.

Isa pa tong Meazy nato! hinayaan ring mahulog  si Nix kay Preet, letche! gusto ko pa namang manood nang laro nilang tatlo pero una palang talo na sya? WTF!!

"Ako iisip nang sarili kong plano tapos bahala na kayo."halos pa sigaw na pagkakasabi ko.

"Sasama ako." halos na sabay na pagkakasabi nila. Bumangon ako at tumingin sa kanila.

"Palpak naman kayo eh, baka pag sinama ko pa kayo sa Plano ko sirain nyo lang. ang tatanga nyo pa naman."pagtataray ko sa kanila.

"Hoy! umayos ka sa mga sinasabi mo ah! iisa lang naman ang gusto nating mangyari hindi pa tayo magtulungan!" aba't si Mommy pa talaga ang galit?!

napatingin naman kami sa T.V na kanina pa umaandar, kasalukuyan na naman nilang hinahabol sila preet at Nix dahil nakatakas na naman galing sa hotel nila Ate Darlyn. Talagang gagawin nila ang lahat ah.

"Alam ko kung saan yan! tara sundan natin!" Sigaw na Meazy. dali-dali kaming nag-ayos at kinuha ko yung baril na nasa ilalim nang kama ko. Ako na mismo ang gagawa nang matapos na. Maghintay ka Preet. Nandyan na ako.

Madyel's POV

Kasalukuyan kami ngayong nasa likuran nang mga pulis habang hinahabol sila Preet at Nix. wala kaming magawa, kahit na gusto naming unahan yung mga pulis sa pagpapa takbo hindi namin magawa. masyadong mabilis ang mga Pulis. disididong disidido na talaga sila na mahuli si Nix.

Nakarinig na naman kami, putok na naman nang baril yon. napaka sakit sa tenga. at pumutok na naman ang baril. 

"Anong gagawin naten ngayon?" tanong ni Kate.

"Wala naman tayong plano eh. kailangan lang nating malaman kung ano ang nangyayare," sagot ni Lily.

"So hahayaan lang natin sila na magka ganyan? wala nga ba talaga tayong magagawa?" tanong ni Rex. "baka naman may ibang paraan pa." 

biglang pumreno nang napaka lakas kaya tumba ang dapat matumba.

"Ano ba yan Krazer! mag dahan dahan ka naman!" sigaw ni Lily sa kanya.

"May humaharang kase sa daanan natin!" sigaw ni Krazer. "Ngayon pa talaga sila humarang kung kailan malapit na tayo kila Preet!"

tinignan ko nang maigi yung dalawang babae na sumisilip sa bintana nang kotse. sila Cindy at Meazy yun ah! ngumiti pa sila sa amin na parang nag-aasar pa.

"Unahan mo na nga yang mga babae na yan! kumukulo yung dugo ko dyan eh!" sigaw ni Lily na naman ni Lily.

ginawa naman ni Krazer yon. tila para kaming nasa roller coaster sa sobrang bilis nyang magpa takbo. buti naman at nauna na kami sa mga babae na yun. pati mga pulis ay naunahan na rin namin.

sa ngayon ay katabi na namin si sila Preet. binaba nila yung bintana habang tuloy parin sa pagtakbo ang kotse.

"Saan kayo pupunta?!" malakas na tanong ni Krazer.

"Hindi namin alam! basta hahanap na lang kami." sagot naman ni Preet.

"Nix!! Bilisan mo pa ang pagpapatakbo!!" sigaw ni Krazer. 

sinunod naman ni Nix yon at naunahan na nila kami. sinusundan parin namin sila at tila ganun rin ang mga Pulis. hindi ba talaga sila titigil sa kaka hunting sa dalawang to? pwede namang wag na lang ilabas yung issue, pwede namang sa Pinas na lang to.

bigla namang tumunog yung Phone ni Lily. agad nyang sinagot yon. kahit na alam kong alalang alala sya sinagot nya parin. nang sagutin na nya yung tawag bigla namang sumaya yung mukha nya at may halong gulat. 

mangiyak ngiyak naman syang nag thank you sa kausap nya.

"Ano yon? anong nangyare?!" tanong ni Rex.

parang timang si Rex. ang OA jusq! masaya na nga si Lily pero parang takot na takot parin si Rex. yung tataa?? ano ba talaga?

"Napatunayan na nang mga Montenegro na hindi talaga kasama tong si Nix sa mga binibintang sa kanya. Hindi pa yata naibabalita kaya hanggang ngayon nandyan parin sila." paliwanag ni Lily.

"Edi tayo ang bahalang kumausap sa mga pulis!"sigaw ni Kate.

"Makikinig ba satin yang mga Pulis Babe? ay este Kate! namali lang!" pag papalusot ni Rex. sinamaan naman sya nang tingin ni Kate. bagay na bagay talaga yung dalawang to.

"Harangan muna natin sila tsaka tayo mag explaine para huminto sila diba." 

ginawa naman ni Krazer yung gustong mangyare ni Kate. hinarang nya sa mga maraming pulis ang sasakyan namin. pero hindi nagpatinag sila Cindy at Meazy kaya nauna na sila bago pa maharang ni Krazer ang sasakyan.

lagi talagang epal yung dalawang yon! at may kasama pa talaga silang isang babae. sino naman kaya yon? 

agad namang huminto ang mga pulis at lumabas nang mga sasakyan nila. LUCKILY!! may mga pinoy naman pala kaya sila na lang ang kinausap namin. nilinaw na rin namin na dapat si Gorge lang ang hina hunting nila ngayon at ang iba pang totoong kasapi rito.

"Totoo ba lahat yan? pinagtatakpan nyo lang yata yang kaibigan nyo."

"Nako pero Sir totoo po, mamaya lang ay baka ipalabas na rin sa balita yon." pag sabat ni Lily. 

maya maya naman ay may lumapit na lalaki sa kanya at may ibinilong. tumango sya at humarap sa amin.

"Inform nyo sila at sa iba pa na si Gorge lang hahanapin natin dito sa France." bulong nya pero narinig namin yon.

agad naman kaming pumasok sa kotse at hinabol sila Preet at Nix. tinawagan na rin ni Kate si Preet para inform sila at huminto na rin sa pagtakbo nang sasakyan.

nang maabutan namin sila nandun rin pala sila Cindy at Meazy. agad na niyakap ni Meazy si Nix na para bang wala syang nakikitang tao kundi si Nix lang. hindi man lang nya ininda na nandyan yung asawa ni Nix. tsk tsk tsk!!

"Nix, Preet!!" tawag namin sa kanila. agad naman silang napatingin sa amin. lumabas na rin yung babaeng kasama nila. tila ba parang gulat na gulat pa si preet nang makita ang babae. 

itinaas ni Cindy ang isa nyang kamay na may Baril. agad agad naman nya yung pinutok sa way ni Preet, halos lahat naman kami ay napatakip sa tenga namin sa sobrang lakas. nakaka trauma pati na rin ang mga dugong mabilis na dumaloy sa kalsada.

A/N

HI GUYS!! ISIPIN NYO NAKIKIPAG BARILAN  SI NIX TAPOS GANYAN ITSURA!! MEHEHEHEHE ANG GWAPO NOH! hindi ko kilala yan eh. ahahaha anyway. vote and comment guys! love you all!! 

Someday, Maybe. ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon