Chapter 37: This Is Life

1.4K 21 1
                                    

Preet's POV

Bihis na bihis ako ngayon. gusto ko kaseng ipakita kay Nix yung dress na to. hindi ko na nga nasusoot to pero maganda paring tignan sakin. bagay na bagay paren talaga. sabay kindat sa harap kong salamin.

"Ne, bagay ba?" tanong ko sa kanya at tinignan naman nya ako mula ulo hanggang paa.

"Okay naman. Sure kana yan su suot mo?" tanong niya sakin. hindi naman panget ah.

"Syempre! itatanong ko ba kung hindi? " -_-  ano ba naman yan. parang hindi naman sya masaya na nag e-effort akong mag suot nang maganda para sa karerahan na yan. tinignan ko sya nang masama.

"Hindi naman kita pinagbabawalan sa mga isusuot mong damit ang sakin lang ibagay mo yang suot mo. maraming nababastos na babae don. kaya nga lagi akong nakatambay dun." sabay tawa nang malakas.

"Hay nako Ne," -_-

"Matagal na yun, ngayon na lang ulit ako babalik para matapos na yun. para Championship na!" sigaw nya ba na may pagka excitement. napaka cute nya palang tignan ano.

"Pre, pagtapos kong lumaban pwede bang pumunta tayo kila Meazy?" 

Si Meazy? ka plastikan talaga nang babaeng yan hindi na nawala.

"Bakit kailangan pa kila Meazy? pwede namang sa iba na lang." sagot ko habang yung mukha ko wala man lang ka gana-gana. buti nga hindi na nya nababanggit tong si Evone si Meazy naman. mga gayuma talaga!

"Saan mo gusto?" 

"Sa Resto na lang ni Daph, para makita at maka-usap ko na rin sya."

"ikaw bahala, tara na?" yung braso nya bahagya nyang nilapit sakin. hinihintay nyang ipalupot ko yung kamay ko sa kanya. pa sweet si NENE!! ahahha

"ihahatid kayo ni Dean kasama si Ate Joan. kukunin ko yung kotse na napili mo. remember?" 

"para saan pa't nakapalupot tong kamay ko kung hindi naman pala ikaw yung makakasama ko." wow! ang taray nang peg oh!

"ihahatid kase kita sa kotse." 

nakapag palit na rin ako nang suot  ko. simpleng t short at pantalon pa suot ko.

tinignan ko naman sya habang naka taas ang isang kilay ko. tinanggal ko yung pagkakapa lupot nang kamay ko sa kanya. "sus! tumigil kana nga hindi ako kinikilig." sabay irap. nauna na akong maglakad.

"Hi Ate Joan." bati ko sa kanya. 

"Hello. parang naka busangot ka yata dyan. anong meron?"

"Hindi ko na kase talaga kaya ate Joan, pakiramdam ko ewan! basta ate Joan dapat mo tong malaman."

"Ang alin? hindi kita maintindihan Preet." 

"na maganda ako. Ate Joan dapat alam mo yon." sabay iyak kunware.

"-_-" ganyan lang yung reaksyon nya. nakakatuwa talaga mga reaksyon nila eh. nagawa ko na rin yan sa mga kaibigan ko dati. grabe kabadong kabado pa sila non hahaha. okay.

pina andar na ni Dean yung kotse. medyo malayo layo rin yung biyahe bago kami makarating sa pupuntahan namin. bumaba na kami. mukhang totoo nga yung sinabi ni Nix, grabe yung mga tingin nang mga lalaki sa bawat babae na dumadaan sa harap nila.

buti na lang nakinig ako kay Ne, 

umupo kami sa bandang katabi nang mga babae. lumalayo at kami na rin mismo yung umiiwas kase malamang lalaki yon eh. tsaka hindi naman namin sila kilala. sa bandang unahan rin kami para kitang kita namin yung bigscreen tsaka walang distraction.

nakahilera na yung mga kotse na panlaban nila. agad ko namang nakita si Nix sa bandang gitna. hindi ko naman alam sya rin pala yung tinitignan nang mga babae kaya nang kumaway sakin si Nix grabe yung tingin nila sakin.

kumaway ako pabalik. nag flying kiss pa ako tsaka sinapo nya yun at dinikit sa pisnge nya. ngumiti ako sa kanya nang kay lapad. ka bago-bago na talaga si Nix ano. eto na kami, parang dati lang wala talaga kaming nararamdaman hanggang sa nauna ako at pumangalawa sya hanggang sa eto na nga!

eto na kami. kapag pala talaga willing kang buksan yung damdamin mo sa isang tao matatanggap mo sya eh. tignan mo naman kami ni Nix, sabi sayo eh! hintay hintay lang pag may pag-asa ka grab it NOW!

parang nag e-endorse lang eh.

pagputok nang baril ay mabilis na nagsitakbuhan ang mga kotse. isa lang naman ang tinitignan ko eh. nakatingin lang ako sa kotse ni Nix. mangunguna na sana sya kaso binangga sya nang isang kotse. binangga naman sya ni Nix. sa pangalawang pagbangga nang isang kotse sa kanya ay muntik nang bumaliktad yung kotse ni Nix.

hindi na gumanti si Nix at nag focus sya sa pagiging rank 1, kailangan nyang mauna sa finish line. first three na makakapasok sa finish line ay masasama sa Championship, doon mag lalaban laban ang mga Magagaling at that was National.

kinakabahan ako. paano kase hindi parin sya tinitigilan nang kotseng yun! nakakaines. ano kaya pwedeng gawin neto ni Nix. alam ko naman may plano yan eh. yan pa ba? diba nga magaling yan dyan sa ginagawa nya. That was life nga daw eh.

CAR IS LIFE daw -_-

kung yan gusto nya diba syemore susuportahan ko sya kase ano nga ba ang ginagawa nang isang asawa. CHARENG! 

nakatutok lang ako sa laban habang ang karamihan nama'y todo ang sigaw. puro si Nix ang sinisigaw nila, sana makapasok sya sa Championship. pangarap nya sa buhay yan. alam ko kung gaano kahalaga yan para sa kanya.

Eto na, gumanti si Nix sa kotse na bumabangga sa kanya kanina. tumama yung kotse sa isa pang kotse na nasa gilid nito. dahil sa nangyare humina ang takbo nila at naapektuhan yung mga nasa likod. kaka unti na lang silang naglalaban laban dahil ang karamihan ay nasa likod na.

"Sana manalo si Nix." bulong ko pa.

"Mananalo sya alam ko yan." sagot nang babaeng nasa likod ko. hindi ko sya pinansin pinabayaan ko lang sya. hindi kase kami close tapos yung mukha nya pa mukhang mataray so...

Nagkaroon na naman nang banggaan. dapat ba laging ganon? nangunguna na si Nix pero pilit parin syang hinahabol nang mga kapwa kotse nya na malapit na rin sa kanya. tutok na tutok ako sa laban syete!!

maya maya pa'y tumunog na ulit yung baril, bes may nakapasok nang 3 kotse para sa Championship!! 

syempre! proud ako! paano ba naman kase sya yung unang unang kotse nanakapasok, sa dami nang taong kumakaway at sumisigaw sa kanya hinanap nya talaga ako sa pwesto ko. kinawayan nya ulit ako at pinakita sakin yung medal nya. itinaas nya yung trophy na sya namang ikina sigaw nang malakas nang marami.

nag ok sign ako sa kanya, magsasalita pala sila si Microphone. yung tatlong nakapasok naman ay nakapila na malapit sa mic. nang makalapit na si Nix sa Microphone tumingin ulit sya sakin.

"This medal and Trophy is dedicated to my Wife, She support everything that i do, She choose better car than me. walang makakapantay sa pagiging cool / hot girl mo. nagiisa ka lang sakin Preet. I LOVE YOU!!" sigaw nya. nagsigawan at kinilig naman yung iba dahil sa sinabi nya. 

napapangiti na lang ako sa tuwing nakakarinig ako nang. 

"buti pa sya suportado."

at marami pa akong 'BUTI' na narinig. ako nga eh, buti hindi sumuko kase worth it rin pala. ang sarap magmahal ni Nix alyas BOSS NENE.

Someday, Maybe. ( Completed )Donde viven las historias. Descúbrelo ahora