Chapter 44 : Another Plan

1.1K 16 0
                                    

Nix's POV

Parang tanga si Preet kanina sa Café, akala nya siguro hindi ko alam na nagsisinungaling lang sya.

Binanggit nya nang buo yung name ko tapos kilala nya si Meazy at Cindy tapos aarte sya na parang may Amnesia?

What a silly girl.

Laki nga nang pasasalamat ko kay Kate, buti na lang at napansin nya ka agad si Preet. Atleast ngayon nahingi ko kay Lily at Madyel kung saan sila tumutuloy at kung anong no. Nang room nila.

"Tingin mo ba mahal kaparin ni Preet?" Tanong ni Meazy sakin.

"Hindi magbabago yun nararamdaman ko." Sagot ko.

"Iniwan ka lang basta basta. Sa tingin mo mahal ka nya?" Tanong naman ni Cindy.

"Parang yung ginawa mo sakin," napatahimik sila sa sagot ko.

Binasag naman ni Kate ang katahimikan. Tumabi sya samin.

"Huyy!! Bute nandito kayo! Nako nakakatuwa naman. Nasaan na si Preet?" Tanong ka agad ni Kate samin.

Walang sumagot sa kanya. Nagpa palit palit lang sya nang tingin sa aming tatlo.

"Wala bang sasagot sakin dyan?" Pabiro nyang tanong.

"Alam ko na! Hahatidan ko na lang kayo na nang napaka sarap na coffee dito. Hintayin nyo ako ah." Pagpapa alam ni Kate samin.

"Bakit hindi mo pa puntahan si Preet, alam naman namin na alam mo kung nasaan sya ngayon." Kumalumbaba pa si Meazy.

"Hindi na kailangan." Sabat pa ni Kate. Napatingin naman kami sa pinto at nandun sya. May masasaya syang ngiti na bumungad saming lahat.

"Akala ko ba may amnesia ka?" Tanong ni Cindy.

"Gumaling na ako."

Halos hindi pa makapaniwalang napatingin sila kay Preet. Syempre ako. Hindi na ako nagulat dahil alam ko naman na nagsisinungaling lang sya.

"Naglolokohan ba tayo dito?" Tanong ni Meazy.

"Talaga may amnesia ka Preet? Tapos magaling kana? Paano?" Pagbibiro ni Kate sa kanya.

"Mukhang marami kayong dapat ikwento sakin." Napabuntong hininga naman sila kay Kate.

Lumapit na sa amin si Ate Darlyn at Kuya Christ.

"Preet, i thought na may amnesia ka?" Tanong ka agad ni ate Darlyn.

Napatingin naman si Preet na parang 'kakasabi ko palang kanina kalat na agad?' Look.

"Mabuti at nandito ka Preet, hindi mo lang alam kung gaano yan ka baliw sayo nang hindi ka nya makita." Sabat ni Kuya Christ.

"Hindi na po mababaliw si Ne nandito na po ako." Natawa naman sila sa sagot ni Preet.

"Sinong Ne?"sabat ni Meazy.

"Nix kase yon." Sagot ni Preet.

"So it means NEX? Hahahah What the heck," sabay tawa nila ni Cindy Evone.

"Bagay pag sa name mo. MEZY. Do you like messy? Or MAY Z." Sabay tawa ni Preet nang mahina.

Bago pa man magka initan tong dalawa sinilo ko muna si Preet. Sa labas kami pumwesto para malayo layo sa kanila.

"Tatanungin mo rin kung bakit ako nag sinungaling?" May pagtataray na naman sa boses nya.

"Ang itatanong ko kung bakit ka umalis."

"Ano ang mas mahalaga. Nandito na ako o yung dahilan ko?"

"Both."

"Hindi mo gugustuhing malaman. Sasabihin mo mababaw o kaya naman kaya mo akong protektahan."

"Ano bang dahilan. Gusto ko lang malaman tapos na naman na eh."

"Ayokong sabihin. Ayokong maging ma drama gaya nang pag hihintay mo sakin."

"Ano ba Preet?! Matagal akong naghintay sayo pero hindi ko man lang alam kung anong dahilan nang pag alis mo."

"Ayokong sabihin"

"Tangna Preet. Nagpapa bebe pa ba tayo! Tangna na talaga!"

"Minumura mo ako? Pabebe sino?"

"Pabebe... ako yun. Minumura ko sarili ko." Hay nako!

"Nangako ako na babalik lang ako sayo pag nalaman ko kung sino ang gustong pumatay sakin."

"Ayaw kase kitang madamay na naman."

Nilapit ko yung mukha ko sa kanya. At hinawakan ang kamay nya.

"So bumalik kana dahil alam mo na rin kung sino ang pumatay sayo? Sabihin mo sakin Preet. Sabihin mo nang maturuan ko nang leksyon."

Tumawa sya nang mahina. "Teacher kana pala? Hayaan mo sila kuya na ang bahala sa kanila."

"Terror pala ah! Ganyan siguro kasama yung tingin mo sakin noh!"

"Hoy Ice bear, Pre at my wife. Ganon ka talaga sa tingin ko."

"Bakit kaba Ice bear nang Ice bear? Hindi ko naman sinabi sayo na favorite cartoons ko yun." Sabat kamot sa ulo.

"Because i know everything about you." Sabay kindat ko sa kanya.

"Weh. Hindi ako kinikilig sa mga ganyan kaya tigilan mo."

Hindi talaga tumatalab yung pogi power ko dito eh.

Hinila ko yung kamay nya patayo.

"Oh ano na naman na isip mong gawin?" Tanong nya sakin.

"Gusto ko na magkaroon nang maraming memories dito sa Paris kasama ka." Sagot ko.

Hindi na sya nagsalita at sumama sya sakin. Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko pero isa lang ang naiintindihan ko.

Kasama ko yung taong mahal ko

Cindy's POV

"Ano bang nanngyare dyan kay Preet at nag iba yung desisyon nyan sa buhay?" Pagalit na pakakatanong ni Meazy sakin.

"Sinabi ko naman kay Mommy na nasa Montenegro sya pero hanggang ngayon hindi parin mapatay patay yan." Sagot ko sabay tingin sa mga tao. Baka may nakaka kilala samin.

"Napaka hina nang mommy mo. Ano na ang plano? Ni ayaw nga ni Nix na makipag usap man lang eh."

"Tumigil ka Meazy. Matagal tagal na ring wala si Preet pero hanggang ngayon hindi mo parin makuha ang loob ni Nix, ngayon sabihin mo kung sinong mas mahina sa inyo ni Mommy?" May pagtataray kong tanong sa kanya.

"Oo na Cindy! Ayokong makita ulit na nag de date yang si Nix at Preet. Gagawa ako nang paraan."

"Dapat lang Meazy ah! Gumawa ka nang paraan dahil ayokong magka tuluyan yang dalawa ma yan."

Kasalukuyan kami ngayong nandito sa gilid nang coffee shop. Sabi kase ni Kate i kwento raw namin ang mga nangyare dahil hindi na daw siya updated sa mga nangyayare.

Tumunog yung phone ko. Agad ko namang sinagot dahil si Mom yun.

[Hello my dearest daughter]

"Hi mom. Ano na bang plano mo? Nandito ngayon si Preet sa Paris at hindi ko alam kung hanggang kailan dito yan!"

[Gagawa pa ako nang panibagong plano. Maghintay ka lang.]

"Hanggang kailan ba ako maghihintay mom? Naiines ako kapag na aalala ko na buo yung pamilya nila pero tayo tignan mo naman!"

[Naiintindihan kong gusto mong gumanti pero intindihin mo naman na kailangan yan nang mga Saavedra.]

Nakita ko naman na paparating na si kate kaya hindi pa ako nagpapa alam ay agad ko nang inend ang call.

"Hi Girls." Bungad ni Kate samin.

"Sorry kung wala na akong balita sa inyo. Busy na rin daw kayo eh." Dagdag pa nya.

Wala man lang syang ka alam alam na nagkaka gulo na kaming tatlo dahil kay Nix.

A/N

Hi Guys!! Kung may nagbabasa man thank you pati na rin sa vote!! Baka hindi ako makapag UD sa 17 to 22 nasa Quezon kami magbabakasyon. Thank you sa pagbabasa! Lovey'll

Someday, Maybe. ( Completed )Where stories live. Discover now