Chapter 36: Selfish, Nix

1.4K 21 0
                                    

Nix's POV

hindi ko alam kung ano ang nagtulak na pumunta ako sa Island Montenegro para puntahan si Preet. sa totoo lang sa tuwing na alala ko yung pag amin nya nung nasa Color Party Powder kami natatawa ako. hindi ko lubos ma isip na magugustuhan ako ni Preet samantalang wala syang ginawa kundi ang tarayan ako.

namalayan ko na lang na nandito na ako sa loob. hinahanap ko si Preet at nakita ko naman sya sa bandang gilid. kasama nya sila Madyel at Lily. nilapitan ko sya kagad at hinawakan sa kamay. gusto ko nang umuwi kasama sya. 

lalo na pag nalaman ni Dad na nandito sya baka mas lalo pang humigpit si Dad samin. baka pati labas nang kwarto namin ay bantayan na rin nang mga bantay. at gusto ko rin syang ipagdamot at the same time. ang alam ko lang tinuturuan kong mahalin si Preet simula nang magtapat sya sakin. at dahil don unti-unti kong nakakalimutan si Evone.

"Tara uuwi na tayo." yan lang sinabi ko sa kanya habang hila hila ko yung kamay nya. walang reaksyon ang mukha ko, palabas na sana kami nang pinto nang biglang may lalaking humawak sa braso ko.

"Hindi na babalik si  Preet sa inyo. mag pa file na rin kami nang  Annulment nang kasal ninyo." 

"Teka Kuya Fred, bakit?!" gulat na tanong ni Preet. kahit ako'y nagulat rin sa sinabi ni Fred. Hindi ko hahayaan yon. this time hindi ko na hahayaan na basta basta na lang ako maiwan nang taong mahal ko. 

"Hindi mangyayare yon. aalis na kami nang asawa ko." yan ang naging sagot sa kanya. Annulment? para saan pa yun kung wala naman kaming problema ni Preet. ngayon pa ba kung kailan nagiging okay na.

nasa labas na kami nang mansyon nila, hinarap ko muna si Preet baka naman kase napipilitan lang syang sumama sakin. Alam ko naman kung bakit ayaw ni Dad na makapunta si Preet dito sa Montenegro dahil natatakot sya na baka hindi na bumalik si Preet samin.

pag iniwan nya kami mawawalan kami nang alas at tuluyan na kaming babagsak pero hindi yun ang iniisip ko. Gusto ko akin lang si Preet sa ngayon. Selfish na kung Selfish pero gusto kong angkinin si Preet, gusto ko akin lang sya.

"Gusto mo bang sumama sakin?" tanong ko sa kanya. hindi sya sumagot pero alam kong nag-iisip sya.

(PLAY NYO YUNG SONG BES! BAGAY KASE SA SCENARIO NA TO EH. THANKS!!)

"babalik pa naman tayo dito diba?" kita ko sa mata nya yung lungkot, tingin ko gusto nyang sumama sakin at babalik na lang kami ulit. ganon siguro ang gusto nyang mangyare.

"Oo naman." sagot ko kahit alam kong wala naman akong kasiguraduhan kung makakabalik pa talaga kami dito. baka pag nalaman ni Dad to hindi na kami makalabas pati yung racing ko matamaan rin.

"Tara na! sumakay na tayo sa Eroplano." masayang pagkakasabi nya. hindi ko alam kung makokonsensya ba ako sa ginagawa ko. naniwala syang makakabalik pa kami rito? kailangan ko pang magsinungaling para lang makasama ko sya. kailangan ko syang ilayo sa pamilya nya makasama ko lang sya.

pumasok kami sa eroplano. ako ang nagpalipad non. sumilip si Preet sa ibaba at kumaway sya sa mga Montenegro. nang mapasilip rin ako kumakaway rin ang mga ito. natatakot lang ako. natatakot lang na maiwan ulit. masaktan na naman. hindi ko na hahayaang mangyare pa yon sa pangatlong pagkakataon.

nakarating kami sa mansyon namin at papasok na sana kami nang maamoy namin ang matapang na pabango ni Dad. alam kaya nya kung saan kami nag punta? nalusutan namin ang mga bantay.

"Saan kayo nanggaling?" tanong nya habang nagtatabako pa sa sofa. inaya nya kaming umupo pero hindi namin ginawa. nakatayo lang kami sa harapan nya. nag hihintay yata sya na magsalita kami kung nasaan ba kami kanina.

"pumunta ka sa kwarto nyo ni Nix, may gustong sabihin sayo si Gorge." sabay tingin nya kay Preet. kita naman sa mukha ni Preet yung takot. kahit nung una pa ay alam ko na takot talaga sya kay Tito Gorge. 

"Hindi ko sya pwedeng iwan. sasama ako sa kanya." presinta ko. sumama ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa loob. nararamdaman ko at napapansin ko na gusto nya si Preet. Hindi nya maa-agaw sakin ang asawa ko.

pagkapasok namin sa loob nandun sya sa kama namin. tanging pantalon lamang ang suot at walang pang itaas. napa lakas nyang manigarilyo.

"ang sabi ko si Preet lang. bakit kailangan mo pang sumama?" tanong nya sabay buga nang usok. "ikaw nalang Nix ang kakausapin ko." sumenyas ako na maghintay si Preet sa labas.

"Kamusta ang Paperworks?" 

"okay naman."

"Nix gusto ko sabihing unti-unti nang nalalaman nang lahat na sakin nagmumula ang lahat nang droga."

"ano naman ngayon."

"pagnapatunayan na nakagamit o gumagamit tayo makukulong tayo."

"hindi ako natatakot. hindi ako gumagamit nun at pinilit nyo lang ako ni Dad na gawin ang trabahong yon."

"my point is... pare-pareho tayong nagtulak non."

"LILINAWIN KO. hindi ako nagtutulak kahit na pinipilit nyo ako. bakit ba gustong gusto nyo akong idamay? wala naman akong kasalanan at hindi rin ako gumagamit!" pa sigaw na sagot ko. hindi ko alam kung bakit lagi nila akong sinasangkot sa mga problema nila.

"napaka dami mo kaseng alas. kadikit mo si Preet. tingin ko nga magiging safe ka pagdating nang araw. yung araw na tinutukoy ko yun yung araw na mabubuking ang lahat. kaya ba hindi ka takot?" tumawa sya. naka high na naman sya base sa boses nya at sa mata nya.

"wag nyong idadamay si Preet dito. kung gusto nyo akong idamay labas si Preet dito."

tumayo sya at lumapit sakin. "Hindi ka parin makaka takas sakin Nix," bulong nya tsaka lumabas nang kwarto. tinignan nya mula ulo hanggang paa si Preet tsaka tumawa na naman. agad na pumasok si Preet sa kwarto at ni lock yun.

"Anong pinag-usapan nyo?" tanong nya kagad sakin.

"wala. buksan mo yung bintana para lumabas ang usok. mag c.r lang ako." sagot ko tsaka pumasok sa banyo.Isa Ito sa dahilan kung bakit ayaw kong magseryoso nang babae. bukod sa nasasaktan ko sila nadadamay pa sila sa problema ko.

nang makaligo at nakapag bihis na rin ako lumabas ako sa kwarto. naabutan ko si Preet na naka upo sa kama. tila hinihintay akong lumabas. humiga na ako sa kama. tumabi sya sa pagkaka higa ko at niyakap ako.

"matatanggap ka rin nang pamilya ko." bulong nya sakin.

"Sana nga Preet, kase ako tanggap na kita." napabalikwas sya sa pagkakahiga nya. masyadong mabilis? dapat hindi ko muna sinabi yon sa kanya dahil hindi ko pa sure kung ano ba tong nararamdaman ko.

"Ano ibig sabihin non?"tanong nya.

"Binibigyan pa lang kita nang Chance Preet. baka kase kapag ikaw ang minahal ko 100% sure ako na hindi mo ako sasaktan."

"wag kang makasigurado. kakambal na yata nang pagmamahal ang masaktan." sabay yakap ulit. napaka clingy pala ni Preet sa kama noh. niyakap ko sya pabalik. Hindi ko hahayaang masaktan sya ulit dahil sakin.

Someday, Maybe. ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon