Chapter 23: Revelation II

1.5K 25 0
                                    

Nix's POV

bakas sa mukha ni Preet ang takot kaya naman binaba ko na yung baril na hawak ko. wala namang bala yun kaya hindi ako natatakot. isa lang talaga ang totoo sa nararamdaman ko. nakaramdam ako nang selos sa tuwing nakikita ko si Preet at Alex na nag-uusap.

ilang beses ko na rin tong naramdaman kay Evone pero hindi ko maipaliwanag kung bakit nararamdaman ko rin to kay Preet. gusto ko ako lang ang kausap nya, pinapa layo ko rin sya kay Alex dahil alam kong gusto nya si Preet. gagawin nya ang lahat para makuha si Preet at gagawin nyang dahilan si Preet para makipag hiwalay kay Violet.

nagugulo na ako. Si Evone lang ang gusto ko. sya lang ang natatanging gusto ko pero bakit nagkakaroon rin ang nararamdaman para kay Preet. kung papipiliin man o kung sino sa dalawa syempre ang pipiliin ko si Evone..

"ayos na ba kayo ni Evone.." mahinang tanong nya. dala na rin siguro nang lamig.

"oo, bakit mo naman natanong?" 

"kung gusto mong makipagkita sa kanya sasamahan kita."

nagtaka naman ako sa kinikilos nya. parang kakaiba kase sya ngayon. kanina pa sya tahimik at hindi nya rin ako tinatarayan man lang. may problema kaya to?

"Sige ba, pagtapos naten dito sa Resort pumunta tayo sa bar nila Meazy." 

naalala ko naman si Meazy, hindi ko alam pero sa tuwing nag de-date kami ni Meazy lagi syang nandun. mas marami pa nga kaming napag uusapan kesa kay Evone. nakaraan lang ay umamin sya sakin. pero nilinaw ko naman na kaibigan lang kami dahil si Evone ang gusto ko.

hindi siya sumagot at tumingin sa bintana. napaka layo nang tingin nya sabay hinga nang malalim. hindi ko na matagalan dahil alam kong may problema sya. hindi naman sya ganyan at hindi ako sanay na ganyan siya.

"may problema ka ba?" tanong ko. 

"Oo, ikaw..." sagot nya pero nakatingin parin sya sa malayo. 

"ako? hindi na nga ako nagdadala nang babae sa mansyon ah. goodboy na ako ngayon." pagmamayabang ko pa sa kanya. wala naman syang reaksyon.

"hindi ka naman nagbago para sakin o para sayo, nagbago ka dahil kay Evone, tama ba yon?" tanong nya ulit. 

sa totoo lang hindi rin naman para sa kay Evone yun. para rin sa kanya. alam ko kasing ag-aalala sya sakin hindi lang nya sinasabi, gusto ko sana syang yakapin ngayon pero ayokong gawin. alam ko naman na tatarayan na naman nya ako dahil ayaw nyang nilalapitan sya diba.

"bakit Preet? hindi mo ba gusto yung pagbabago ko?" tanong ko sa kanya. hindi sya sumagot sa halip ay nagtalukbong lang sya. baka nadagdagan ko pa mga iniisip nya.nung una ay hindi rin ako makapaniwalang isa syang Montenegro dahil anak sya ni Tita Andrea.

ang alam ko lang ngayon ay kaya ako ipinakasal para kay Preet ay dahil kung sakaling bumagsak ang Business namin ay pwede kaming lumapit sa mga Montenegro dahil nasa amin si Preet.

Ang Daddy ni Preet ang namamahala nang Business nila at pati na rin si Fred at Zack, ang mga kapatid ni Preet. pabagsak na kami, nararamdaman kong mawawala na ang lahat nang mga pinaghirapan nila Lolo dahil sa lakas nang pwersa nang mga Montenegro. 

napaka galing makipaglaro nang mga Montenegro. matatalino sila. pinagiisipan muna nila ang bawat hakbang kaya naman nagiging matagumpay sila. 

maya maya pa'y tumila na rin ang napaka lakas na ulan. sumilip ako sa pinto at kahit ambon ay wala na rin. mukhang nakatulog na si Preet. hinayaan ko na lang muna at natulog na rin ako saglit.

Preet's POV

nakatalukbong ako pero nag-iisip lang ako. kung si Cindy at Evone ay iisa ano naman kaya ang ginawa ni Cindy at kinababaliwan sya ni Nix nang ganyan. ayaw man lang tumalab nang charm ko kay Nix. puro na lang si Evone. kahit hindi naman ka connect connect si Evone puro parin si Evone.

teka nga! bakit puro na lang si Nix ang nasa isip ko?! obsessed naba ako sa kanya? hindi ! hindi ! hindi pwede na mangyare yon. ako obsessed? kanino?!

hindi ako mapakali! kanina pa ako naiines! bakit nagsabay sabay yung mga problema ko sa  buhay! nag usap-usap yata mga problema ko ewan ko ha parang gusto akong patayin nang mga problema ko. pakiramdam ko tino-torture ako gamit yung mga iniisip ko.

kay Cindy palang pamatay na eh. tapos sa mga Montenegro pa! plus pa si Nix, si Nix? bat nasama si Nix dito sa isip ko? Grrr!! lagi na lang syang sumasabay sa mga iniisip ko hindi ko na talaga alam malapit na akong mabaliw.

tinanggal ko ang talukbong sa ulo ko at nakita ko sa kabilang sofa si Nix na natutulog. kanina pa kaya sya tulog? tumayo ako para tignan kung ok na ba, wala na bang ulan. paglabas ko nang pinto ay nakita ko si Dylan na papasok palang.

"Hi Ms. Montenegro." bati nya sakin at may abot tengang ngiti sakin,

eto rin ang pinagtataka ko. kung ka kumpetensya nila ang mga Montenegro bakit parang tanggap nila ako. pwera na lang sa iba kagaya nang kagabi. yung iba tanggap ako pero yung iba hindi ko mawari kung ano eh.

"H-hello po." sagot ko. feeling close eh.

"natutulog pala ang asawa mo." ay hindi?! nag ge-gym habang nakapikit at nakahiga push naten yan.

tumango na lang ako alangan naman sabihin ko yon edi nakakahiya naman diba. eh keshe mey heye pe keshe eke ene pe!!

"umaasa ako na alam mo na Preet." sabay ngiti nang makita ang mga pictures na hindi ko naamn alam kung sino-sino yon. pero base sa mga mukha nila ay masayang masaya sila. puro mga lalaki.

"hindi ba't napaka sayang balikan ang mga ala-ala," sabay kuha sa isang litrato na nakita ko kanina. lima sila at kapwa may mga masasayang ngiti sa litrato. nakakahawa ang mga ngiti nila at sa gilid at natanaw ko si Dad, katabi nya si Dylan.

"katabi nyo po pala si Dad dyan," sabay turo sa kanya doon sa litrato.

"yan ang mga panahong wala pang business na bumabakod saming lahat," nawala bigla yung ngiti nya, natahimik kaming dalawa. 

"okay naman kami nang asawa ko pero nang muling magpakita si Draco nabago ang lahat. may past pala ang asawa ko at si Draco, dahil dun nakaramdam ako nang pan lalamig sa asawa ko pero nangako naman si Draco na si Elena lang ang mamahalin nya. umalis si Draco pero kahit kailan hindi na naibalik yung dating saya naming mag-asawa." that time humarap sya sakin.

"ayokong sisihin ang Daddy mo pero tingin mo ba hanggang ngayon ok parin kaming mag-asawa kung hindi dumating ang daddy mo?" napa-isip ako sa tanong nya. Oo marahil kasalanan ni Dad pero kung mahal naman sya nang asawa nya hindi nya hahayaang man lamig sya kay Dylan diba?

hindi ako sumagot. 

"paano po nakilala ni Dad si Mommy Andrea?" tanong ko. 

"Si Andrea ay lihim na may gusto sa Daddy mo. kaya nagsinungaling sya na nagkaroon sila nang anak pero wala naman talaga. dahil sa gusto ni Andrea na magkaroon nang kahit anong ala-ala kay Draco ay kinuha ka nya. hanggang ngayon ay hindi nila alam na ikaw ang nawawala nilang anak."

So kasalanan ni Mommy Andrea kung bakit ngayon hindi ko kilala at nakasama ang magulang ko? pero pinagpapa salamat ko na lang din na Montenegro parin ang apelyido ko at hindi nila ginawang Cruz!

"Nasan na po ngayon ang asawa ninyo?" tanong ko sa kanya. simula nang dumating ako  sa Saavedra ay hindi ko pa nakikita o nakikilala man lang ang Mommy ni Nix.

"Nasa maayos na lugar naman sya. tingin ko kase doon sya nababagay. bagay na bagay sya sa magandang kwarto na yun." nagtaka ako.

sino ba tinutukoy nya?

"sino po ba? asawa nyo po ang tinutukoy ko." paglilinaw ko sa kanya.

"Oo.si Alessa..."

Someday, Maybe. ( Completed )Where stories live. Discover now