Chapter 32: Little Do You Know

1.3K 20 0
                                    

Preet's POV

"Matatapos ba nating lahat yan ngayon?" Tanong ko sa kanya pero hindi sya sumagot.

"Kailan ba dapat yan ibibigay kay Gorge?" Tanong ko pa ulit.

"Bukas daw sana kung kaya."

Buti naman sumagot na sya. Kanina pa sya hindi kumikibo dyan simula nang maka-uwi kami kanina.

"Edi umpisahan na natin." Pagtataray ko sa kanya. Paano kanina ko pa sya tinatanong kung anong problema puro ang sagot wala.

Ganyang itsura walang problema? Sigurado ba kayo na ganyan yung mukha nang taong walang problema.

"Huy! Ano ba Ne! Hindi kaba talaga magsasalita kung ano problema mo?" Pagalit na yung tono nang boses ko.

"Tapos ano? Mag a-advice ka na naman na maghanap na lang ako nang iba?" Mukhang alam ko na kung sino pinapatungkulan nito.

"Ano pa nga ba? Iniwan kana nang tao ang kailangan mo lang gawin ngayon ay kalimutan sya kagaya nang ginagawa nya sayo ngayon." G na G na naman ako.

Pag dating talaga kay Cindy hindi ko mapigilang mag explaine nang pagka haba haba pero hindi ko naman masabi sa kanya na deal lang ang lahat sa kanila nang kapatid ko.

Inirapan ko sya sabay kuha nang phone nya. Pinilit nyang kunin yon sakin pero hindi nya magawa.

"Hindi ka talaga makaka move on kung stalk ka nang stalk sa kanya. Akin na muna tong phone na to." Binigyan ko sya nanng tingin na masama.

Umupo sya sa tapat nang paperworks at sinimulan nyang gawin yun. Napairap naman ako sa kanya.

"Para rin naman sayo to eh. Bahala ka pero hindi mo to makukuha. Inform ko na lang sayo kung may important messages." Dagdag ko pa at inilagay yung phone sa bulsa ko.

"paano naman kung hindi ako maka move on?" 

"malala na utak mo kung ganon. pwede ba yon hindi maka move on? minsan ba nung bata ka humiling ka na sana bata ka parin pero ano nangyare? nag move sila sa pagka bata mo tapos ayan kana Ne! magmove on kana rin." medyo inis na yung tono nang boses ko.

Jusq Nix hindi mo parin ba nahahalata ah! hindi mo man lang ako bigyan nang chance napaka pabebe mong hayop ka!

nagumpisa na kami sa mga paperworks, kanina parin kami seryoso sa mga ginagawa namin. hindi man lang kami nag-uusap, maganda na yung ginagawa nya magpaka busy naman sya para kahit papano makalimutan na nya si Evone or should i say Cindy.

Minsan ba pag 'inaakit' ko sya nakakalimutan nya kaya si Cindy? puro na lang si Evone puro si Cindy. ano ba naman yang Nix? bakit naka circle saming tatlo yung pagpipilian mo. kahit na ganito ayoko namang may masaktan dahil naging kaibigan ko na rin naman sila.

"aray," mahinang bulong nya. napabuga ako nang hangin nang marinig ko yung bulong nya. masakit? mas masakit naman yung nararamdaman ko. nandito ka pero iba nasa isip mo. ang malala kung sino pa ang iniisip nya yun yung taong nanakit sa kanya.

"masakit?" tanong ko. umiling sya at tinuon ulit yung tingin sa ginagawa nya. ang hirap naman mahalin nang taong tanga sa iba. napakahirap magmahal nang taong kagaya ni 

NIXANDER SAAVEDRA....

Daph's POV

"Ano?! inaa agaw mo si Nix kay Preet? nahihibang kana ba? may asawa na yung tao eh." gulat na tanong ko kay Meazy.

"Ano naman? hindi naman gusto ni Nix si Preet so may pag-asa pa ako! tsaka gusto na nga ni Cindy na makipaglaro ako nang patas kay Preet kaya ayan! nakipag break si Gaga!" pagalit na pagkakasabi nya pero halata namang nagbibiro lang sya.

"Ano?! si Cindy rin? bakit naman ninyo pinagtutulungan si Preet, Hindi na ba kayo naawa sa kalagayan nya?" ngayon tuloy nag-aalala ako para kay Preet. sino naman kaya yung napagsasabihan nya nang problema nya? sana nandun rin ako kung hindi lang ako busy ngayon.

"higit na mas bagay kami ni Nix, tsaka mas nauna nya akong nakilala kaya pwedeng pwede kami. naa-awa rin naman ako kay Preet kaso mas bagay talaga kami ni Nix." sabay ngiti pa sakin. umiling iling na lang ako sa kanya.

"hindi porket wala pa silang anak playsafe kana. KABET ang labas mo kung ma steal mo yang si Nix." pananakot ko sa kanya para tigilan na nya yung mag-asawa.

"Sige tapusin mo muna yang trabaho mo pumunta na lang kayo ni Kate sa Bar mamaya. KUNG free kayong dalawa." tumango na lang ako.

Busy kase ako sa pagpapatakbo nang Resto namin. sikat na Resto ito kaya naman tutok na tutok ako dito. alam ko na malaking kawalan sa kanila at manghihinayang talaga sila nang sobra pag hindi ko na manage to nang maayos kaya kailangan ko nang focus.

pinipilit ko namang humanap nang free time pero punuan talaga yung schedule ko. hindi talaga ako pwedeng umalis lalo pa't dumarami pa yung mga costumer na dumadayo pa sa ibang lugar para pumunta dito.

"Hi Daph." bati ni Jon sakin. yung kaibigan ni Nix. what a jerk! kanina lang may kasama syang babae tapos ngayon ako naman. araw araw yang ganyan. nangungulit sakin kung pwede raw kaming lumabas.

ano ang sagot ko?

MALAKING HINDI!!

sa mga kabigan ko nga hindi ako makahanap nang oras tapos sasama pa ako sa kanya? tsaka hindi ko  sya binibigyan nang oras. masyadong mahalaga at importante ang oras ko masasayang lang yun pag kinausap ko pa sya.

"may matutulong ba ako?"

"Daphne meron ba ha? ha?"

"Daph sumagot ka naman."

"shut up!" pasigaw na pagkakasabi ko pero sinikap kong wag iparinig yon sa iba. inirapan ko sya nang malupet  at tumalikod sa kanya. binigay ko yung list nang mga orders sa cook at kinuha naman nya kagad yon.

"baka pwede mo akong utusan dyan." pangungulit na naman nya. nakakarindi ang boses nya pa ulit-ulit, hindi ko alam kung nang-aasar ba sya kase yung boses nya pinapaliit nya at parang ginagaya nya yung mga minions!

hinilot ko yung ulo ko bago humarap sa kanya. 

"inu-utos kong umalis ka sa harapan ko ok! nakaka imbyerna ka nakaka bwiset!" wala yatang siyang narinig sa halip ay nangulit ulit sya.

"pwede  ako na lang mag serve nang nang food." sabay kindat. akala nya cool sya sa lagay nang ginagawa nya. MINIONS!!

"para saan pa yung waiter?" pagtataray ko. hindi sya nakasagot kaya naman inirapan ko sya. araw-araw na lang syang nandyan at nangungulit sakin. hindi ko alam kung ano ba trip nya eh.

"mamaya sa pag-uwi sasabay ako sayo." yan ang huling sinabi nya bago tumakbo sa mga babaeng mukhang pakarat na nasa labas. 

maghintay sya sa wala mamaya. bahala sya sa buhay nya nakaka beastmode sya. hindi na ako natutuwa sa kakulitan nya. akala nya ba nakakaramdam ako nang tuwa kapag nakikita ko sya PWES GUSTO KONG SABIHIN NA NAIINES LANG AKO!

"Daphne!" medyo sigaw nang cook at ngayon ko lang napansin na kanina nya pa pala ako tinatawag. "bakit po?" sagot ko.

"eto na yung mga orders." pagkasabi nya ay kinuha ko yun. palabas na sana ako nang bigla nya akong tawagin ulit. "ibigay mo sa mga waiter yan." 

tsaka lang ako natauhan na waiter nga pala nag se-serve nito. nakakabwiset nasasabog na ako sa ines!

Someday, Maybe. ( Completed )Where stories live. Discover now