Chapter 61: Wedding Day

934 19 0
                                    

Preet's POV

Nandito na ako, inaayusan na ako para mamaya sa kasal namin ni Nix. Ito na yung araw na pinakahihintay ko. Nandito na ako sa harap nang salamin habang pinagmamasdan ang pinaka magandang gown na nasuot ko.

Nandito na ako ngayon, naghihintay na lang nang kaunting oras para masabi ko sa lahat nang tao na ikakasal na ako. Masasabi ko nang isa na akong ganap na Saavedra, Hindi biro lahat nang pinagdaanan namin mula umpisa pero walang bumitaw. kinaya namin.

"Preet, napaka ganda mo sa suot mo." pinagmasdan ako ni Lily na tila ba kumikinang ang mga mata.

"Darating din kami dyan." pagbibiro ni Daph.

"Naiiyak ako para sayo Preet," alam kong ano mang oras man eh babagsak na rin yung luha ni Kate.

"Alam naming hindi biro lahat nang nangyare, Mas lalo kayong pinatatag nang lahat diba." sabay hawak sa kamay ko ni Madyel.

"Umayos kayo ah. naiiyak na rin ako." tapos nagkunware pa akong umiiyak talaga.

"Malalagay ka na naman ulit sa tahimik," pagbibiro na naman nila.

"Mama!"tawag sa akin ni Isha. sya kase yung flower girl namin. hihihi ang cute nya talaga kahit kailan.

Humarap naman ako sa kanya. Nakita roon si Mama at Mommy Alessa, ngumiti ako sa kanila. Yumakap naman sa akin si Isha. ang Clingy ni Isha.

"Hinintay namin to." sabay himas sa braso ko ni Mama.

"Natutuwa ako para sa inyo nang anak ko, alam kong magiging masaya ang anak ko sayo." sabay halik sa pisnge ko ni Mommy Alessa. 

Dahil nga dito kami sa Montenegro's Island ikinasal. Live kami ngayon sa T.V, feeling ko napaka special ko naman sa kanila. diba nga sabi ko hindi ko maramdaman na mahal ako nang mga tao sa paligid ko. Pakiramdam ko gusto lang nila akong kasama dahil sa maganda ako (wow!)  may kaya sa buhay (noon) at famous sa school pero yung sasabihing mahal nila ako bilang ako, no comment.

Pinagmasdan ko na naman ang mukha ko na nilalagyan nang make-up para mamaya. actually kinakabahan ako na natutuwa. hindi ko ma explaine yung nararamdaman ko. Para akong nasa Heaven. parang isang panaginip ang araw na to. Hindi parin ako makapaniwala.

"PERFECT!" sigaw ni peach nang matapos akong ayusan.

"Thank you Peach, napaka galing mo talaga," sabay turo ko sa kanya.

"Syempre! maganda na nga magaling pa," sabay hawi na naman sa imagination hair nya. "Ate Girl! wag kang mahiyang mag kwento sa makikita mo pagtapos nang kasal!" para syang nagtatampo na ewan. ano ba sinasabi nito?

"Sa Honeymoon Ate Girl!" ahh... yun pala yung ibig nyang sabihin.

"Sa France kami mag ha-honey moon Peach, pa sosyal kase ako. joke lang! may mga gusto lang akong balikan." sabay tingin ko na naman sa mukha ko. Hindi ako makapaniwalang ang ganda ganda ko ngayon. parang hindi ako.

"Tara na daw sa simbahan,"

dahandahan akong naglakad para pumasok sa kotse. Kita ko sa mga ngiti nang mga tao ang tuwa. siguro natutuwa rin sila na nangyayare na sa amin to ni Nix. naka Breaking News pa talaga lahat nang yon. from Philippines to Paris,France. Sinong hindi makaka alam non?

Kasalukuyan kong katabi si Mama ngayon. si Dean naman ang nagda-drive. napansin kong may humihikbi sa gilid ko. napatingin naman ako kay Mama na umiiyak pero nakangiti sa akin. hinimas ko yung likod nya para kumalma.

"Ma, Bakit?" nag-aalalang tanong ko.

"Natutuwa lang kase talaga ako. Hindi na kita Little Princess."

Someday, Maybe. ( Completed )Where stories live. Discover now