Chapter 40: Decision

1.2K 24 0
                                    

Preet's POV

nag-aalala parin ako kay Nix, ilang araw na rin nang isugod sya dito pero hindi parin sya nagigising. marami daw kaseng dugo na nabawas sa kanya. masyado  daw malalim ang tama nang bala.

Na isip ko rin na dapat sakin tatama yon. ako ang kailangang patayin o tamaan nang bala na yon pero sinalo nya. sya ang umako non. inangkin nya yung bala para sakin. hindi ako makapaniwala ginawa nya yon.

hinawakan ko yung kamay nya.

"gumising kana Ne, na mi-miss ko na yung kahanginan mo." bulong ko sa kanya. 

kanina ay dumating si Dylan dito. dumalaw rin ang ilan sa mga Saavedra. inalam lang nila yung kalagayan ni Nix, nagdala nang pagkain at binayaran ang dapat bayaran. pagtapos nun ay umalis lang rin.

ako lang nandito ngayon sa loob nang kwarto. nasa labas kase si Ate Joan at Dean para bumili nang tanghalian. Agad naman akong napatingin sa pinto nang bigla itong bumukas kahit na hindi kumatok.

lumapit si Meazy at Cindy sa tabi ni Nix. maya maya ay humarap sakin si Meazy. wala syang ibang sinabi basta ay nakatayo lang sya.

"Aware ka naman ba na ikaw ang dahilan kung bakit si Nix ang nandito at hindi ikaw."pagtataray ni Meazy sakin samantalang si Cindy naman ay nakatingin lang kay Nix.

"Aware ako Meazy, hindi mo na kailangang ulit-ulitin pa." pagtataray ko sa kanya. kahit na kung minsan ay saglit lang ang tulog ko para lang mabantayan si Nix. ginagawa ko to sa kana hindi dahil na kokonsensya ako, hindi dahil gusto kong bumawe sa ginawa nya. hindi dahil asawa ko lang sya. kaya ko lahat ginagawa ko dahil mahal ko sya.

diba ganon naman. wala kang dahilan na masabi kundi mahal mo sya. syempre kapag mahal mo nga naman ang isang tao walang 'dahil' diba? kase nararamdaman lang yon.

"Kung may gusto mang pumatay sayo wag mo nang idamay si Nix. pabayaan mo na lang sya sakin." medyo pa sigaw na pagkakasabi ni Meazy. 

wala naman akong atraso na nagawa. bakit nga ba? bakit nga ba may gustong pumatay sakin at kung meron man bakit naman nya gagawin yon?

"Kung gusto mong lumayo ako kay Nix o kung gusto mong iwan ko sya o paghiwalayin kami mas mabuting umuwi ka na lang. hindi mo ako makukumbinse."

"kung babalikan ka nang taong yon. tingin mo ba magiging safe pa si Nix? paano kung si Nix na ang puntirya nang mga yon ngayon? gusto mo ba talagang mapahamak si Nix dahil lang sayo?"

"Preet tama si Meazy. pwede ka namang pumunta muna sa Montenegro doon alam nating mas safe ka. tsaka si Nix pabayaan mo na lang muna. kung mahal ka talaga ni Nix hindi ka nya kayang ipagpalit kay Meazy." sabat ni Cindy.

"yun ba? kinatatakot mo ba na baka maagaw ko tong si Nix? isipin mo ang magiging kalagayan nya. wala nga syang alam kung bakit ka babarilin eh."

bigla na namang bumukas ang pinto. dahan dahang pumasok sa kwarto sila Ate Joan. pare parehas kaming tahimik lang. walang nagsalita sa amin hanggang sa nagpa alam na sila Cindy at Meazy.

"pag-isipan mo nang mabuti ang lahat nang sinabi namin." huling litanya ni Meazy bago tuluyang lumabas nang kwarto.

"Ano yung pinag-uusapan nyo?" takang tanong ni Ate Joan. chismosa lang ganern? charot.

umiling lang ako bilang sagot sa kanya. nagpa alam na muna akong lalabas lang pero dadaretso na ako mansyon. siguro nga tama sila Meazy. paano kung balikan ako nang lalaking yon. iniisip ko rin na baka sa halip na ako ang makita nya ay baka si Nix ang pag initan nya at tuluyan na rin at the same time.

huminga muna ako nang malalim bago tuluyang ilagay ang mga damit ko sa maleta. tumawag na rin ako kay Lily, mamaya raw ay parating na sya para sunduin ako.

na isip ko rin na isama si Nix sa Montenegro's island pero paano? baka matuluyan pa sya doon. hindi naman sya tanggap nang pamilya ko at nararamdaman ko naman yon. ito na yata ang desisyon na talagang pinag-iisipan ko anng husto. 50/50 pa ako sa lagay na to.

ayaw ko rin iwan si nix pero sa ngayon ay gagawin ko yon. para rin sa kanya. pag okay na sya at ang lahat, kasalukuyan na kaseng hinahanap nang mga Saavedra kung sino ang pwedeng gumawa non sakin. 

babalikan ko naman si Nix eh. kailangan ko lang talagang gawin to sa ngayon. kinuha ko yung isang picture frame kung saan nandon ang magandang ngiti ni Nix at kasama ako doon. yun yung panahon na nanalo sya sa Car Racing nya. 

napapangiti na rin ako sa tuwing nakikita ko yung masaya nyang mukha. masaya sya na nandun ako sa tabi nya at naka akbay sya sakin. nakakatuwa yung mga panahon na yun. gustong gusto ko yung balikan.

mukhang hindi ko na yata matutupad yung pangako ko sa kanya na makakasama ako sa Championship niya. mukhang hindi ako makakasama nya kundi Meazy. pero maganda na rin to diba, ma te-testing ko kung gaano nga ba sya katatag at seryoso sakin.

hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako, pinunasan ko ka agad yun at humarap nang pintuan nang marinig kong bumukas ito.

"Preet, bakit ka naman umiiyak?" tanong ni Lily sakin. hindi ko namalayan na mas lalong lumalakas yung pagdaloy nang luha ko. ganito talaga ako, pag kino comfort ako lalo pa akong umiiyak.

"Babygirl, sinaktan na naman ba ni Nix yung damdamin mo?" tanong ni Pwet. 

"Bakit ka nandito?" tanong ko pa. paano eh! hindi pa naman kami masyadong close ah, 

"Kasama ko sya Preet, bestfriend ko si Peach." tumango na lang ako sa sagot ni Lily.

"na kwento nya rin sakin yung nasa Resort kayo. alam mo Preet, ewan ko ba kung bakit nagka gusto ka kay Nix eh wala namang ginawa yang maganda, lagi ka na lang pinapaiyak nyan!" pa galit na pagkakasabi ni Lily.

"Hindi ko rin alam kung bakit sa lahat si Nix pa. pero wala namang akong pinagsisi sihan na minahal ko sya, pinaparamdam nyang ako lang ang mahal nya pero sa ngayon kailangan ko muna syang iwan. babalikan ko naman sya eh." umiiyak parin ako habang sinasabi ko yan.

"kung sa bagay. kung mahal ka nya hindi ka nya ipagpapalit."

"kung sakaling magising man sya ako na bahalang i-inform sya." pag pe-presinta ni Peach.

"pero wag mong sasabihin na nasa Montenegro ako, alam kong pupuntahan ako nyan. just in case na may mangyare sakin hindi na sya madadamay pa." paliwanag ko. tumango naman sya sakin.

"makaka asa ka ate girl."

sumakay na kami sa eraplano. habang nasa biyahe ako ay para akong lutang pa sa lutang. Kailangan kong gawin to, hindi ko pwedeng pairalin ngayon ang pagmamahal  na nararamdaman ko. 

kailangan kong pairalin ngayon ay ang utak ko. 

"kumuha ka nang bubblegum dyan kung gusto mo." 

kumuha ako nang isa para naman may manguya ako. nang buksan ko na yung bubblegum may free qoutes pala to na nasa loob. agad ko namang binasa yon.

"Don't be afraid to give up the good and go for the great"

dahil sa qoutes na yon mas lalong nabuo ang plano ko. seryoso na ako at wala nang atrasan to.

Someday, Maybe. ( Completed )Where stories live. Discover now