Chapter 41: Miss ka ba?

1.1K 20 0
                                    

Dylan's POV

"BAKIT MO NAMAN GINAWA YON?!" galit na sigaw ko kay Andrea.

"dahil napaka bagal mo! gusto ko nang patayin yang si Preet masyado mo pang pinapatagal!" galit na sigaw nito pabalik sakin.

matagal tagal na rin nang malaman kong sya pala ang ugat nang lahat. nabaril nya ang anak ko at ngayo'y nawawala naman si Preet, LETCHE!! si preet na lang ang pag-asa namin. hindi sana ako na mo-mroblema nang ganto.

"Saan natin ngayon hahanapin si Preet?!" pa galit parin na sigaw ko. ngayon ko lang nalaman na nawawala pala si Preet nang itanong ni Nix kung alam ko raw ba kung saan sya pwedeng magpunta. huminga ako nang sobrang lalim.

"Saan pa nga ba pupunta yon? malamang sa mga Montenegro." 

posible kayang tinakas sya nila Draco nung mga panahong nasa Hospital si Nix. Pati si Gorge ay hinahanap na rin si Preet, alam nyang makakakuha sya nang alas pag si Preet ang tatabihan nya. halos alam ko na ang plano ni Gorge.

isasangkot nya si Nix sa pagiging Drug Lord nya at alam nyang hihingi nang tulong si Preet sa mga Montenegro para maisalba si Nix, alam ni Gorge na hindi matatanggihan nang mga Montenegro si Preet dahil sa ngayon lang nila nakita ito.

"Pupunta ako sa Montenegro's Island." dagdag pa ni Andrea. "Babawiin ko si Preet,"

"tapos ano? gagawa ka na naman nang hakbang na hindi ko alam?! sinasabi ko sayo Andrea,"

tinaasan nya ako nang isang kilay. 

"bakit Dylan? ikaw nga hanggang ngayon hindi mo parin magawang iwan si Alessa dahil alam kong natatakot kang makulong,"

"Wag kang gagawa nang hakbang na hindi ko alam, kung hindi..."

"ano?!"

"mauuna ka kay Preet,"

Preet's POV

matagal tagal na rin nang iwan umalis ako sa Saavedra, nabalitaan ko kay Peach na nagising na rin si Nix. hinahanap nya daw ako at si Peach na rin daw ang nakikipag-usap kay Nix. pinapakalma nya ito. (baka agawin ni pwet si Nix. uhmm...) well hindi naman yata. 

sa tuwing magtatanong raw si Nix na baka nasa Montenegro's Island daw ako ang dami nyang palusot at alibay kay Nix, naa awa na raw sya dahil lagi na raw malungkot si Nix. malapit na raw ang Championship pero parang hindi na daw yata tutuloy.

hindi naman ako pwedeng bumalik doon. Busy ako sa pagpapatakbo nang negosyo namin. kahit papaano ay nalilibang ang sarili ko dahil dito. ang kailangan ko lang namang gawin ay bilangin ang bawat box na i papadala sa mga buyers.

bukod doon ay nagkaka sahod pa ako, daretso yun sa bank account ko.

Tulad ngayon. kasalukuyan akong naka upo sa terrace. nakatingin ako sa mga trabahador na inaani yung mga strawberries, nangingiti ako sa tuwing nakikita ko silang nagtutulungan. masasabi kong kaya nagtata gumpay ang Montenegro dahil sa mga sipag at lakas nila. 

napaka galing nila, gumigising sila nang maaga para magtrabaho. 

"Hey little sis." bati ni Kuya Zack sakin. paano ko alam na sya si kuya Zack? paano laging naka ngiti at masaya at si Kuya Fred naman..... alam nyo na yon hehehe

"lalim nang iniisip mo ah,"

"na mi-miss ko na si Nix." sagot ko kahit alam kong against sila sa amin.

"Miss ka ba?"

tinaasan ko sya nang kilay. 

"Oo naman, hinahanap na nga nya ako eh." pagmamayabang ko pa.

"mabuti na rin yung desisyon mo.Sa amin safe ka! malapit na rin palang mahanap nila Dad kung sino ang nagtangka sayo."

pag nalaman ko na at nahuli na kung sino ang taong yon baka pwede na akong bumalik kay Nix, sana malaman na namin ka agad para maka abot pa ako sa Championship ni Nix.

"Sige na little sis. may date pa pala kami ni Yna, bye na!" pag tapos ay mabilis syang tumakbo  pa baba. 

tumunog yung phone ko at agad ko namang sinagot yon. si Lily pala.

"Hi" bungad ko.

"Shopping tayo? o kaya gala kita sa Island naten?" 

"Hmm...Sige, wala pa namang box na nandirito." pag payag ko. bumaba na ako para hintayon sya sa baba. tinabihan ko si Madyel.

"nagtatanong si Nix kung alam ko daw ba kung nasan ka,"pagsisimula nya.

"syempre sinabi kong hindi ko alam."

ngumiti ako sa kanya. "Thank you." sagot ko.

"hindi titigil si Nix hanggat hindi ka nya makikita, Ganyan talaga sya. kapag mahal nya yung isang tao, minsan kahit na ikakasakit pa nya hindi ka talaga nya hahayaang iwan. Isang pagkaka mali na yata nang buhay ko ang pakawalan sya."

"Bakit nga ba hindi naging kayo?"

"akala ko na kwento na ni Nix sayo, yung time na nag Cool Off sila Lily at Krazer nandun ako para kay Krazer. bilang isang kababata ni Krazer gusto syang samahan at paga-anin ang loob. Hindi ko alam na na misunderstood ni Nix yon. kaya nung nasa Megadrillente Resort tayo doon ko inexplaine sa kanya yon."

"yun ba yung time na magkasama kami sa table?"

"Yes,"

"tara na Preet!"tawag ni Lily sakin. "gusto mong sumama Madyel?" 

"Sure, saan ba tayo pupunta?" 

"Gusto ko sanang ilibot si Preet sa Island naten then shopping. para na rin siguro bonding naten diba."

sumakay na kami sa kotse, nilibot ko yung tingin ko sa bawat nadadaanan namin. Ang gaganda  pa nang mga tanawin.

"Ang ganda naman pala dito ano." manghang pagkakasabi ko.

"Ang daddy naten ang dahilan kung bakit tayo nandito." masayang sagot ni Madyel.

"anyway! magiging busy na raw tayo sa susunod na araw, pagtapos nun ay baka magkaroon tayo nang trip to Paris. excited na nga ako eh!" halos pa sigaw na pagkakasabi ni Lily.

ibang iaba pala ugali ni Lily noh. para nung dati lang ang taray nya at tila parang hindi ngumingiti pero tignan mo sya oh. nakakahawa yung tawa nya.

ang dami oa nga nyang kwento pati na rin Madyel, ang dami pa naming pinuntahan.

"Hindi pa natin nalilibot yung iba, siguro next time na lang." sabay pitik sa hangin ni Maydel.

pumasok kami sa Mall dito at kumain kami sa Resto. kumakain kami nang may tinanong si Lily.

"Kailan mo ba planong balikan si Nix?" tanong nya sakin.

"Siguro pag nahuli o nalaman ko na kung sino yung pwedeng tumangka nang buhay ko." sagot ko sa kanya.

"ganon ba. paki abot naman nang water," 

kukunin ko na sana yun kaso nakalimutan kong madulas pala yung kamay  ko dahil sa mantika, hindi ko rin naman alam na may padaan na babae. natapunan yung dress nya pati na rin yung sandals nya.

"sorry po!" mabilis kong pinunasan yon bes! paano ba naman kase ang daming tao, pinipicturan pa kami, halos nakayuko at naka takip naman ang mga mukha ni Lily at Madyel.

"Anika let's go," tawag sa kanya nang lalaki. alam kong naiines sya sakin pero ngumiti parin sya. pagkatapos nyang umalis ay halos nawala na rin yung mga tao na parang kanina lang ay napaka dami.

"Si Anika Salvador, sikat na model at artista dito yan," bulong ni Lily,

"napansin mo bang halos nakatago yung mukha namin kanina? dahil tiyak na pagkakaguluhan rin tayo. buti na lang at hindi nila tayo napansin." dagdag pa nya.

"Hindi ka pa nila kilala, pero sa tingin ko makikilala ka palang nila." sagot ni Madyel.

ayan na naman tayo. bakit kase napaka init ko sa mga ganyan. tulad nang nasa Racing kami. hindi ko man lang alam na may naka tutok na camera sa mukha ko non. Jusq!! nakakahiya pa naman yon.

Someday, Maybe. ( Completed )Where stories live. Discover now