Chapter 64: Official

863 12 0
                                    

Kate's POV

Nandito kami ngayon sa Terrace nila Lily,Daph,Preet at Madyel. kanina pa nila ako kinukulit kong ano ba status namin ni Rex. FYI!!m mangangarap na rin lang ako tataasan ko na lang noh. Hindi ako papatol sa ganyan? Bukod sa wala na ngang galang sa babae wala pang modo sa iba! Letche sa kanila ko kaya ibigay yung tukmol na yon!

"Wala nga! ok, nakakapagod naman sumagot pa ulit-ulit!" naiines na pagkakasabi ko sa kanila. bigla na naman silang natahimik. alam kong nag-iisip lang sila nang pwedeng ibato na tanong sa akin at hindi na talaga ako natutuwa.

"Baka naman hindi ka naka balik sa France kase ayaw mong iwan si Rex." sabay tawa nang malakas ni Madyel. sila naman parang kinikilig as in yuck! bakit sa lahat pa si Rex pa! tanggap ko pa sana kahit si Brad Pitt eh. kahit sya na lang please!

"Kinikilabutan ako sa inyo. Papatunayan kong hindi si Rex ang babagsakan ko." itinaas ko pa yung isang kamay ko na parang namamanata sa kanilang apat.

"Sige, Ikaw bahala pero wag lang talagang magka totoo Kate ah!" pagbibiro naman ni Lily sa amin. umiling iling pa ako sabay irap sa kawalan. Ipapakita kong hindi si Rex ang dapat mabagay sa akin dahil sobra sobra naman yata yung ganda ko para mapunta sa kanya aber!

"Kailangan daw tayo sa baba, nag text si Tito." sabay tayo ni Lily. na-una na silang maglakad kaya sumabay na ako kay Daph. kanina pa kasi tahimik to parang may problema hindi lang nagsasabi.

"May problema ka noh Daph." panghihinala ko sa kanya pero nagulat yata sya. parang napaka lalim nang iniisip nya at mukha rin syang lutang na hindi maipaliwanag.

"Bakit ka naman nang-gugulat Kate!" pa galit na pagkakasabi nya pero bigla naman syang nalungkot ka agad. pinagmasdan ko lang sya at tila para syang iiyak nang ano mang-oras.

"Daph, wag mong kimkimin yang problema mo. Kahit sakin mo na lang muna sabihin." hinimas himas ko yung likod nya para kumalma sya paano kasi ay umiiyak na rin sya at tila naguguluhan rin sya base sa itsura nya.

"Hindi ko alam kung bakit, Wala naman akong ginawang masama pero bakit nila ginawa to?" hindi parin sya tumitigil sa pag-iyak habang hawak hawak ang kamay ko. pinisil ko naman yung kamay nya para malaman nyang nandito ako.

"Makikinig ako Daph. tungkol ba sa Resto mo? Kay Jon? Sa baby nang Mommy mo?" sunod sunod na tanong ko. May kapatid kase si Daph at nasa isapupunan palang ito. Wala akong maisip na problema nya.

"Nanganak na si Mommy. Pagkatapos non ay naghiwalay na sila ni Dad, Kaya naman pala tinuro na nila sa akin kung paano magpatakbo nang Business nila dahil ipamamana nila sakin yun at iiwan na ako. Kasama ko yung kapatid ko. Hindi ko alam ang gagawin ko Kate. naguguluhan bakit nila kailangang gawin sakin to?" Lalong lumakas ang iyak niya sa harapan ko.

Wala akong nasabing salita at niyakap lang sya. Kung ako rin ang nasa kalagayan nya ay maguguluhan rin ako at lalong mahihirapan. May Business kana ngang pinapatakbo may Kapatid kapang Baby na aalagaan.

Ang hirap kaya mag-alaga nang Baby sa panahon ngayon. Parang naiiyak na rin tuloy ako para sa kanya. niyakap ko sya nang napaka higpit. pinaramdam ko sa kanyang hindi sya nag-iisa. Gusto kong iparamdam sa kanya na may kasama sya at nandito ako. nandito kaming lahat para sa kanya.

"Daph? anong nangyare kay Daph?!" sigaw ni Jon habang papalapit sa amin. Hindi namin sya pinansin at lumapit sya kay Daph. "Anong nangyare Daph? makikinig ako sayo." bulong ni Jon habang nakayuko.

"Wag ka nang sumali Jon. Wag na." sagot ni Daph habang hindi parin tumitigil sa pag-iyak. 

Lumapit nag isang maid sa amin at pinapababa na raw kami at kailangan kami. agad kaming nagpunas nang luha namin. kahit na halata namang umiyak talaga kami ay nagkunware kaming ok lang para sa ibang bisita.

Dapat ay masaya lang.Nagmaka-awa naman si Daph na wah na lang muna naming sabihin ang problema nya. para naman daw makapag enjoy ang lahat at wala munang problema naiintinidihin. alam naman daw ni Daph na wala syang choice kundi ang harapin ang problema. and she's right, Right?

Nakapalibot sa amin ang lahat ngayon. naghihintay sila kung ano ang sasabihin namin. Ngayon palang kase ia-announce na Engage na si Lily at Krazer at gusto nilang kami mismo ang magsasabi non sa harapan nila.

"Ito na ang tamang panahon para sa aming dalawa ni Lily." tumingin si Krazer sa maraming tao. "We are officially engage!" sigaw nya. Halos lahat ay sumigaw at nagpalakpakan naman ang iba. natutuwa ako para sa kanila.

Alam kong marami na rin silang napagdaanan sa relasyon nila pero hindi na lang nila pinapa alam sa iba. high school is real!! paano kaya kung may reunion nasa school? ano na kaya ang mga itsura nila. nagbago na kaya sila?

pagkatapos nang mga congratulations nila ay sama-sama kaming umupo sa iisang table. at syempre hindi mawawala tong si Rex na walang ginawa kundi ang bumuntot nang bumuntot sa akin at hindi ko gusto yon. nakakairita nakaka bwiset.

dahil nag e-entertain din naman ako nang ibang bisita at nakikipag-usap rin ako sa kanila. nalingat lang ako nang saglit ay hindi ko na makita si Daph. marami pa namang tao rito ngayon. nasaan na kaya yon?

"Hinahanap mo ba si Daph?" tanong ni Rex. Hindi ko sya pinansin bagkus ay inirapan ko lang. magsasawa rin sya sa akin at hihintayin ko yung araw na yon.

"Nakita ko sila ni Jon kanina doon banda." sabay turo kung saan nandun nga si Daph at Jon na nag-uusap. mukhang si Daph ang dapat may ikwento. lalapit na sana ako nang tawagin ako ni Kelvs.

nakipag siksikan talaga sya para makalapit sa amin ni Rex. "Nakita nyo si Madyel?" tanong nya ka agad sa amin. umiling lang ako sa kanya. 

"Baka nandun pre," sabay turo sa hindi kalayuan sa amin. 

"salamat." 

Ibinalik ko na yung tingin ko kila Daph pero wala na sila doon sa Table. Nasaan naman na kaya yung mga yon? Lumapit parin ako sa Table baka sakali matanaw ko sila pero wala talaga. mag-isa na lang akong umupo sa Table. Tumabi si Rex sa akin at hindi ko sya pinansin. kunware ay wala akong katabi.

"Bigyan mo ako nang pagkakataon Kate,Papatunayan ko sayo yung nararamdaman ko." pagmama kaawa nya sa akin pero hindi ko parin sya pinansin.

"Seryoso ako sayo Kate, Hindi ka naniniwala kase hindi mo gustong paniwalaan. nagbago na ako para sayo." yung boses nya ay mahina pero naririnig ko parin nang malinaw. humarap ako sa kanya at itinaas ang isang kilay ko.

"Lilipas rin yan. Busy ako at babalik na ako sa France. Wag mo na akong guluhin." pagtataray ko sa kanya pero mukhang hindi  yata sya natinag sa ginawa ko.

"Hindi ako titigil, Ipapakita ko sayo na totoo ako at seryoso." seryoso ang mukha nya na ngayon ko lang nakita sa kanya. Hindi ko na naman sya pinansin. binabayaan ko lang sya na nakatingin sa akin. Wala akong nararamdaman na kahit ano sa kanya kaya pwede bang pabayaan nya na lang ako!

"Hindi ikaw ang gusto ko. kung mahal mo talaga ako hahayaan mo akong pumili nang taong mamahalin ko hindi yung pinipilit mo ako sayo!" sabay tayo. naiwan sya sa upuan. nakaramdam naman ako nang awa sa kanya pero hindi ko sya pinansin. paninindigan ko yung sinabi ko at wala nang makakapag pabago doon.

Someday, Maybe. ( Completed )Où les histoires vivent. Découvrez maintenant