Chapter 29: Alas

1.2K 18 1
                                    

Dylan's POV

Kanina pa sigaw nang sigaw si Alessa sa kwarto pero pinabayaan ko lang. Hindi sya pwedeng maka alis lalo pa't sobrang dami na nyang alam sa amin.

Lumapit naman si Andrea sakin na halatang may galit sa kanyanf hitsura.

"Hanggang kailan pa ba natin bubuhayin si Preet? Hanggang kailan pa ba natin kakailanganin yang babae na yan?" Galit na tanong nya.

"Take it easy. Napaka dami nating magagawa dahil dyan kay Preet." Sagot ko.

"Kating kati na akong makaganti kay Draco kaya bilisan mo lang ha!" Sigaw ulit nya.

Sumabay pa ang sigaw ni Alessa. Nakakarindi na kaya naman pumasok ako sa kwarto tsaka sya nilatigo sa likod.

"Sige Dylan! Dyan ka magaling hindi ba?!" Sigaw nya.

"Bakit hindi mo ipa alam sa mga anak mo tong ginagawa mo?!"

"Gusto mong sabihin sa kanila na iniwan ko kayo dahil sumama ako sa ibang lalaki pero dito mo lang ako dinala!"

"Sinungaling ka!"

Mas lalong lumakas ang pag latigo ko sa kanya dahilan para naman mawalan sya nang malay.

Lumabas ako nang kwarto na yon at umupo ulit at sumandal sa upuan.

Hindi naman mararanasan ni Alessa yan kung hindi sya nagbalak na tumakas at magsumbong.

"Ano na plano mo? Mukhang hindi naman magkasundo si Nix at Preet!" Sigaw ulit ni Andrea.

"Kung alam mo lang kung gaano ako ipinahiya nin sa lahat! Nagmukha akong desperada!"

"Please shut up! Nakakarindi kana alam mo ba yon?!" This time ako naman ang sumigaw sa galit.

Tumahimik sya at kalmadong humarap sakin.

"Ikaw ba Dylan may plano na?" Tanong nya ni Andrea pero hindi ko sinagot.

Alam kong maganda ang plano ko kaya maghintay lang ang Montenegro dahil madadala nila kami sa pagtaas nila.

Draco's POV

"Daddy gusto ko pong bumili nang new doll." Panghihingi na naman ni Zyreen,

Si Zyreen na 5 years old palang ay masyado nang madaming hinihingi. Inampon namin sya dahil hanggang ngayon ay nangungulila parin ai Elena sa pagkawala ni Preet.

"Okay baby, bukas pupunta tayo nang mall para makapamili ka gusto mo ba yon?" Tanong ni Elena sa kanya.

Agad namang tumango si Zyreen at tumingin sakin.

"Daddy gusto kasama kayo ah." Tinanguan ko lang sya.

"Matulog kana dyan at bukas ay aalis tayo." Sagot ko.

Nang makatulog na si Zyreen ay tumayo ako para pumunta sa terrace.

Iniisip ko na pagnabili na nang client ang mga project na nagawa namin ay paniguradong tataas na naman ang rating nang mga Montenegro.

"Draco..."tawag ni Elena sakin.

"Tulog na anak natin." Sagot ko. Ngumiti sya sakin at sumandal sa braso ko.

"Kung nandito kaya si Preet ang only girl naten, ilang taon na kaya sya?"

"Dapat sana'y 22 years old na sya. May anak na sana tayong dalaga." Sagot ko.

Naramdaman ko naman na umiiyak na naman si Elena. Pinakalma ko sya.

"Hindi naman siguro tama yung balita na nasama sya sa mga nakuha nang sindikato nang umalis dito." Tuloy parin sya sa pag iyak.

"Hindi yon totoo. Baka naman ay sinabi lang nila yon para matahimik na tayo."

Sa tuwing na aalala ko yung mga ngiti ni Preet nung bata pa sya pakiramdam ko nawawala yung pagod ko.

King hindi lang sana nagsinungaling si Andrea edi sana hindi nawala si Preet.

Nung gabi na nagsinungaling sya na may nangyari sa amin at nagbunga yon agad akong pumunta sa bahay nila pero narinig kong hindi naman pala totoo.

Nang bumalik ako dito sa mansyon ay nalaman kong nawawala na si Preet. May lalaki raw na nagpumilit na pinapakuha ko raw sya at sumakaw nang eroplano.

16 years ang lumipas nang bumalik ako kay Andrea para linawin ang lahat dahil may iponakakalat syang hindi katotohanan saming dalawa.

Nang matapos ko nang linawin sa kanya ang lahat ay umalis ako. Bago kame pumasok ni Elena sa kotse ay sumulyap muna ako sa kanila. May dalawang babae na tatsya ko ay 15 plus anyos na nagiiyakan.

Hindi ko sila kilala pero familiar ang mukha nang isa sakin. Parang nakita ko na rin sya dati pa.

Umalis narin kami pagtapos nun pero nangungulila parin si Elena sa pagkawala ni Preet.

Maya maya pa'y tinawag ako ni Fred at Zack para sa iilang plano para sa project at matatapos na rin naman yon.

Pumunta kami sa meeting room at nandun silang lahat. Hindi ko alam kung bakit pero puro seryoso ang mga mukha nila bagay na ngayon ko lang nakita sa kanila.

"Anong meron?" Tanong ni Elena sa kanila.

"Ma'am and Sir may matindi pong alas ang mga Saavedra."

Hindi na sila makaka alas dahil naka block na ang lahat.

"Ano naman ang pwedeng maging alas nila?" Matawa tawang tanong ni Elena.

"Ang alas po nila ay si Preet. Nasa kanila po ang anak ninyo."

Naglatinginan muna kami ni Elena bago magsalita.

"Buhay ang anak namin?"

Someday, Maybe. ( Completed )Where stories live. Discover now