Chapter 65: Pwede na

841 14 0
                                    

Daphne's POV

Ilang buwan na rin ang nakakalipas nang malaman nila yung problema ko.Naging maayos naman na ang lahat. Nandyan kase yung Mommy Alessa ni Nix pati na rin si Ate Joan na nag-aalaga sa kapatid kong si Josh. 

I'm very Thankful for having them. Lalo na si Ate Joan na talagang parang anak nya si Baby Josh. Si Kuya Nate naman ni Nix ay humahawak nang ibang Business na naiwan para sa akin. Hindi ko kase kayang patakbuhin yun sayang rin kaya napag-isipan naming si Kuya Nate na lang since wala pa syang matinong trabaho.

Ok na ang lahat ngayon. Si Preet naman ay nagta-trabaho na din sa Strawberries nya. Si Lily naman ay ayon naghahanda sa Kasal na darating nila ni  Krazer. Panigurado akong masayang masaya na ngayon yun. Si Kate naman ay bumalik nang France. Si Madyel ay pinapatatag pa nila yung relasyon nila ni Kelvs. Natutuwa ako kase nagkakaroon narin kami nang kanya-kanyang responsibilidad.

"Hi Girl," nginitian ko lang si Peach tapos tinanggal nya yung shades nya at umikot muna bago humara sa akin.

"Peach, gala naman tayo oh." pagmama kaawa nang babae sa gilid nya. sya siguro yung nakukwento ni Preet sa amin, si Angela nga siguro to. Pumulupot si Angela sa braso nya at agad naman nyang tinaggal yon.

"Ano ba ate Girl, Lumayo ka nga sakin kinikilabutan ako sayo." sabay irap kay Angela. sumimangot naman si Angela at padabog na lumabas nang Resto. Maganda naman si Angela pero ewan ko ba at si Peach pa. Hindi ko naman kase maitatanggi na gwapo naman tong si Peach.

"Ang lakas nang tama ni Angela  sayo peach ah." sabay tulak pa nang kaunti sa kanya. umirap na naman sya sabay hawi nang imaginary hair nya. 

"Kung alam nyo lang paghihirap ko sa babaeng yan. naha haggard ako sa kanya bes!" halos pa sigaw na pagkakasabi nya. halata sa mukha nya yung pagkaines na ewan.

"Hindi mo ba susundan si Angela. baka ano mangyare doon ikaw sisisihin ka bahala ka." pananakot ko pa. sumimangot sya sa akin bago lumabas nang resto. Natatawa naman ako kay Peach.Hindi ko malaman kung concern ba o napipilitan lang.

"Daph, labas naman tayo mamaya kapag maaga kang natapos." pagyaya ni Jon sa akin pero hindi ko sya pinansin. Umupo na lang muna ako since wala pa namang order. Lumapit sya sa akin at tinitigan ako.

"Ayoko."madiing pagkakasabi ko sa kanya. ngumisi naman sya sa akin na kinainis ko. ano naman kayang kinangingisi nitong tukmol na to. wala na talagang ginawaa kundi inisin at asarin na lang ako sa araw-araw na nabubuhay ako.

"Please." nag pout pa sya sa harap ko at mukhang kawawa akala mo maawa talaga ako eh. NO WAY! busy nga ako kulet?

"next time." sagot ko.

"Next time? pang ilang next time na pero wala parin, kailan ba yung araw na yang Next time na yan?" para syang nagtatampo sa akin. pasalamat sya nandun sya nung mga panahong pakiramdam ko wala akong kasama. Yung time na ayokong sabihin sa mga kaibigan ko yung problema ko dahil ayoko silang ma mroblema. mas gugustuhin ko pang ma mroblema tong tukmol na to pero tignan nyo naman. Mas lalong kumulit si Tukmol.

"Ako na lang ang nakaka alam non." sagot ko pero ayoko talagang lumabas kasama sya? hello! hindi pa ako na u-ulol para lumabas kasama yan. kung iniisip nyo na ok kami dahil kasama ko sya sa party pwes nagkakamali kayo! Umuwi na ako at tinakbuhan ko na sya. Mas gugustuhin kong mapag-isa sa Party kesa makasama sya kaso makulit edi tinakbuhan ko na!

"Hihintayin ko yun. Dito lang ako sa gilid ah. pagmamasdan ka." sabay kindat pa. kindat kindat pa akala mo eh, Hinayaan ko na lang sya sa gilid kesa naman sa nandyan sya nangungulit nang pa ulit-ulit akala mo  eh, basta! nakaka ines na sya hindi nya yataa nahahalata yon. 

Maya-maya pa'y may kumalabit sa akin. ines akong humarap akala ko si Jon hindi pala. si Ate Joan habang karga karga si Josh. nabinyagan narin namin yan at alam naman natin diba kung sino mga ninang nyan heheheh

"Si Baby Josh hinahanap ka." kumaway kaway pa si Ate Joan para naman humarap sa akin si Josh. binigyan ko nang kiss si Josh sa pisnge tsaka tumawa naman sya.

"Na miss kana yata nya."pagbibiro ni Ate Joan. "Magpahinga rin minsan o kaya si Jon muna ang pagbantayin mo para makapagpahinga." 

"Siguro nga Ate Joan, Saan po kayo galing ni Baby Josh?" tanong ko sabay sipat sa mga dala-dala nyang hindi masyadong kalakihang plastic.

"Sa Office ni Nate. Namili na rin ako nang makakain ni Josh tsaka kami dumaretso dito. Mamaya ay pupunta kami ni Baby Josh sa Montenegro's Island." masayang pagkaka sabi nya. tumango na lang ako. nakaramdam na rin nang gutom ang ulirang tyan ko.

"Nagrereklamo na tyan mo, sabay-sabay na tayong kumain." pagyaya ni Ate Joan. napatingin naman ako kay Jon na nakatingin sa direksyon namin. ngayon lang ako makikiusap sa kanya. sya na muna magbabantay nito. kaialngan ko na talagang kumain beshies!

Tinawag ko sya kaya naman ngumisi na naman sya. syempre ako may kailangan  edi dapat goodmood ako dito. huminga muna ako nang malalim sabay irap sa kalawakan. Tama ba tong magiging desisyon ko sa buhay?

"Pwede bang ikaw muna ang magbantay rito?" tanong ko sa kanya. ngayon lang to mangyayare hindi na ulit ako manghihingi nang favor sa kanya. pasalamat sya kay Ate Joan. hindi lang ako makatanggi dahil ang laki na nang utang na loob ko kay Ate Joan.

"Anything for my Queen." tinaasan ko sya nang isang kilay sa kaanuhan nya.

"Magbabantay lang rito, sulat mo lang order nila ganon." sagot ko na walang gana ang tono nang boses ko.

"Syempre, madali na lang yan. sa tagal ko ba naman na pinagmamasdan ka at halos dito na nga lang ako palagi eh." sabay kindat pa. natatawa naman si Ate Joan sa aming dalawa kahit hindi ko naman alam kung bakit.

Hindi rin naman kami lumayo ni Ate Joan, dito na lang din kami kumain. omorder na rin kami kay Jon kanina pa nga ba? tapos na serve naman nang maayos. naka upo na kami ngayon ni ate Joan. Kanina pa sya nakatingin at hindi ko gusto yon. ano kaya gusto nyang sabihin sa mga tingin na yan?

"Ano ba talaga meron kayo ni Jon? shino-showbiz nyo akong dalawa ah." napatingin naman ako sa kanya. kaya pala ganon yung tingin nya sa akin kanina pa. akala ba talaga nila may nabuboong pagmamahal sa aming dalawa nyan? pwes kahit katiting wala. ok. WALA!

"Ate Joan, Mamili na lang kayo nang iba kase walang pag-asa sa akin yan." sagot ko sabay subo nang pagkain.

"Hindi ako naniniwalang wala talaga. Tumanda na ako nang ganito hindi nyo ako maloloko." tapos yung tawa nya parang nang-iinis pa. sinamaan ko sya nang tingin pero joke lang naman yon.

"Ate Joan, wag makulit. Wala talaga at Hindi magkakatotoo lahat nang hinila mo at ninyo." paglilinaw ko sa kanya. Napanindigan ko na to at itutuloy ko na lang to. mas mabuti na rin yon. Hindi naman sila Kagaya ni Nix eh. si Nix nagbago talaga yun para kay Preet. Pero kung sila na ang pag-uusapan, balik na lang tayo kay Nix.

"Well, Masamang magsalita nang hindi tapos..."sabay tawa na naman nang pang-inis. nako! hindi ako mapapahiya sa desisyon ko.

Someday, Maybe. ( Completed )Where stories live. Discover now