Chapter 31: Complete

1.3K 17 0
                                    

Preet's POV

Mukhang walang balak umuwi tong si Meazy. Nakaka bwiset na talaga sya noh! Lahat nang gusto nya dapat napupuntahan namin. Puro na lang sila yung nag e-enjoy.

"Uwi na tayo." Bulong ko kay Nix. Paano naka ilang ikot na kami Jusq! Para makasama ni Meazy si Nix kailangan maglibot libot kami dito eh nalibot na namin lahat. So dapat 100× dapat kaming maglilibot!

Grabe na. Sobra sobra na Meazy. Masyado nya akong pinapagod!

"Meazy paano ba yan, uuwi na pala kami." Pagpapa alam ni Nix sa kanya.

"Ok. Maybe next time we should bonding TOGETHER," pinagdiinan pa talaga ni Meazy yung Together na yan!

"Wala nang next at lalong walang together. Tumigil ka sa kahidaran mo ah." Sagot ko.

"Napaka cute pala talaga nang asawa mo ang sarap i nail cutter." Sabay ngiti nang plastik!

"Sige mauna na kami." Pumagit na si Nix saming dalawa. Nako kung hindi sya gumitna ewan ko lang!

Pumasok na kami sa kotse nya. Nasan na kaya yung kotse na binili namin.

"Ne,Nasan yung kotse?" Tanong ko sa kanya.

"Lilinisin pa nila yon, kukunin ko na lang sa mismong araw nang racing."sagot nya pero naka focus sa pag da drive.

Buong biyahe kameng tahimik lang. Hindi man lang kami naguusap hanggang sa nakarating kami sa mansyon.

Dumaretso na ako sa kama dahil antok na talaga ako. Dapat kanina pa kami nandito kung hindi epal yang si Meazy eh. Ku talaga napaka eh noh!

"Hindi kaba gagamit nang c.r?" Tanong nya.

"Hindi, pagod ako eh." Sagot ko tsaka niyakap ang isang unan sa tabi ko.

Tumabi na rin si Nix sakin niyakap ako. Pinabayaan ko na lang kase napaka sarap nang init na binibigay nun sakin.

"Sleep well Pre, Sweet dreams." Sabay halik sa noo ko.

Sa pagpikit nang mata ko hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

"Pre! Gising!" Malakas na sigaw ni Nix. Ano ba problema nitong loko na to!

"Ano ba?!" Galit na sigaw ko. Ano ba naman kase yan! Inaantok pa ako eh.

"Dali tara may ipapakita ako sayo!" Mabilis nya akong hinila sa sofa at iniharap sa t.v

Malungkot ako na humarap sa kanya. "Seriously Nix? Ginising mo ako para sa mga sasakyan na yan?" Tanong ko sa kanya.

Bigla naman syang nalungkot. Nakita ko yun sa mata nya. Ano ba tong sinabi ko?!

"Matutu-tunan mo rin yan mahalin gaya ko." Sabay ngisi. Wow! Parang confident pa sya ah.

Syempre naalala ko na naman yung pang seseduce ko sa kanya. Edi yun na nga gora bells na!

Napakamot na lang ako sa pisnge ko at tumabi sa kanya.

"Alam mo Nix, napaka lakas talaga nang tama mo ano." Pagbibiro ko sa kanya.

"Oo sa kanya.." WTF?!

si Evone na naman to pupusta ako! Jusme hindi ba talaga tumalab yung charm ko sa kanya. Yun na yung pinaka malala ko mga Beshy!!

"Marami namang iba dyan eh. Yung mas deserve yung pagmamahal mo." Halos pabulong ko nang pagkakasabi. Idinantay ko yung paa ko sa bandang tyan nya.

"Oo alam ko. Mahahanap ko rin yon." Sagot nya.

Sus! Hindi mo na kailangang maghanap kase nandito naman na ako. Tutuklawin kana Nix oh!

"Sana matauhan kana. Ayoko kaseng nalulungkot ka." Sabay tingin sa dibdib nya. "Alam mo na." Dagdag ko pa.

"Ano gusto mong kainin?" Tanong nya pero mukhang sumubra na yata ako.

"Ikaw" yan ang sagot ko beshy. Nag evil green naman si Loko. JUSQ!!

"I like that." Bulong nya sa tenga ko. Nagulat ako nang may umubo sa gilid namin. Napabalikwas naman ako ka agad.

Nakita ko si kuya Nate at ate Joan na tumatawa sa gilid. Nahiya naman ako kaya dumaretso ako sa kusina. Naiwan tuloy doon si Nix.

Narinig kong may papalapit sa kusina kaya nag-ayos muna ako nang sarili.

"Hi, kamusta." Patiunang bati ni Ate Darlyn. Lakas maka skusta eh.

"Okay naman po. Kayo po ba? Mukbang busy po kayo ngayon." Tumango lang sya bilang sagot sa tanong ko.

"Oo. Na toka kami sa Japan ni Christ kaya baka doon muna kami para naman makapag bakasyon kami from work." Sabay ngiti sakin.

JAPAN?! Wow ang swerte naman. Ang dami ko pa namang gustong puntahan dun, yung Cherry Blossom tsaka snow! At marami pang iba!!

"Baka makapunta kayo doon ni Nix." Sabay tawa. Mukhang nababasa nya yata ang nasa isip ko ah.

"Ma mi-miss po namin kayo." Lumapit ako sa kanya para yakapin sya. Sweet naba ako Neto?

"Ako rin. Oo nga pala hindi kita nakita sa Megadrillente Resort, nakapag enjoy ka naman ba?"

Tumango ako bilang sagot sa kanya. Kahit ang totoo puro pa sakit lang talaga ang nangyare doon.

"Mabuti naman. Mauna na ako sa taas. Mag iimpake na kami nang damit. Magiingat kayo dito ah."

Minabuti ko na lang na gawing busy yung sarili ko sa pagluluto nang almusal namin. Tutal nandito na rin nama  kami ngayon at nagka sama sama dinamihan ko na ang luto.

TAKE NOTE!! Nakakapag luto na ako nang walang procedure! Napaka laking tulong ni Ate Joan.

Si Ate Joan ang nag ayos nang lamesa at inihanda ko na rin ang mga pagkain.

"Napaka bango na nang luto mo preet." Bati ni ate Joan habang paulit-ulit na inaamoy to.

"Sayo ko natutunan yan ano kaba." Natawa naman sya sa sagot ko.

Umupo na kami sa lamesa at maya maya ay dumating na sila. Salo salo kaming kumain na parang isa kaminv masayang pamilya. Natutuwa ako na nakaka sundo ko na sila.

"Nakapag pa alam naman na kami sa inyo. Maraming salamat sa pagiging mabait na kasama sa bahay." Pagpapasalamat ni Christ sa amin.

"Kung gusto nyo po ihatid na namin kayo sa airport." Pag presinta ni ate Joan.

Syempre lahat kami ay sumama. Maski si Dean ay gusto ring sumama. Napaka bait talaga nang mag-asawang to.

                         ♡♡♡♡

Kasalukuya  na kami ngayong nandito. Hindi ko alam kung malulungkot din ako sa mga taong kapwa ayaa mag hiwalay pero in the end umaalis talaga sila.

Parang sa buhay lang ano. Kapag kailangang kailangan nang tao na umalis kahit na mahal pa nya iiwan at iiwan parin nya dahil para naman sa ikakabuti nila.

Umupo kami sa gilid habang hinhintay matawag ang sasakyang eroplano nila ate Darlyn.

"Yung mga bilin ko sa inyo ha." Tinignan nya pa nang masama ang dalawa nyang kapatid pero alam kong joke lang naman.

Tumunog yung phone ni Nix. Sana lang hindi si Evone! Malapit na tong mahulog sakin eh hindi lang umaamin.

"Mamaya daw may paperworks na naman. Ipapadala na lang sa mansyon." Sakin yan sinabi ni Nix.

Ang galing diba. Kung hindi si Evobe paperworks naman? Ok na to kesa naman mabaliw sya kay Cindy diba?

"Five box?!" Gulat na dagdag pa nya. Napatingin naman ako sa kanya.

Inilapit ko yung kamao ko sa kanya at sinabing "KAYA YAN." Idikit naman nya yung kamao nga sakin. "SYEMPRE KAYA BASTA IKAW ANG KASAMA." Sabay kindat na naman. Sa bawat araw na dumadamaan mas lalo pa tuloy nadadagdagan ang pagmamahal ko para sa kanya.

Cheesy ba o Corny man yan. Basta para kay Ne bumkara karaka! Fight! Love Wins! Cheret naman!!

Someday, Maybe. ( Completed )Where stories live. Discover now