Chapter 56: The Death

1K 19 0
                                    

Preet's POV

Hindi ko alam kung ilang minuto o oras akong nakatulog pero ang alam ko ay gabi na,Iginala ko yung paningin, buti kahit papaano ay may ilaw naman. nakatali yung kamay at paa ko. nahihilo pa ako nang ka onti. Nasaan ba ako?

"Buti naman at gising kana." binugahan ako nang usok ni Gorge.

"Nasaan ako? Bakit naman ako nandito?" mahinang tanong ko. nanghihina pa talaga ako dala nang pagka hilo. wala akong natatandaan kung paano ako napunta rito.

mapikit-pikit pa nga yung mata ko.

"Matulog ka na ulit, bukas ka pa nila pupuntahan rito."pagtapos nun ay nawalan na naman ako nang malay.

                                                                               ****

"Hoy!! gising na! anak nga naman nang tupa!" malakas na sigaw kaya naman dali-dali kong minulat yung mata ko. Hindi pa sana ako gigising nang may humawak nang buhok ko at agad na inikot yun.

"Buhay ka pa pala hayo ka!!" malakas na sigaw nang babaeng sumasambunot sa ulo ko.

"Ano ba tama na!" sigaw ko pero wala naman yata syang naririnig. tuloy parin sya sa pagsambunot sa ulo ko. halos maiyak ako sa sakit, parang tinatanggal ang anit ko syet!

"Hindi kita titigilan hanggat hindi ka nakakalbo!"sigaw niya. natigilan lang syang sabunutan ang buhok ko nang awatin sya ni Gorge. agad naman akong lumayo sa kanya dahil na rin sa takot.

"Wag ka lang maka lapit-lapit sa akin Preet! kumukulo ang dugo ko sayo!!" sigaw ulit nang babae. na ilayo na sya ni Gorge kaya naman nagkaroon ako nang pagkakataon para tignan kung sino nga ba ang babaeng yon.

SI MEAZY....

Hindi pala sya nakulong? o tumakas lang sya?

napatingin sya sa akin at tinignan ako nang masama. Yung tingin na kahit kailan ay hindi ko natanggap sa kanya. tingin na ngayon ko lang nakita sa kanya. tingin na nakakapag durog nang puso ko.

Pwedeng pwede pala talaga tong mangyare, yung kahit taon mo na syang kilala sila pa pala yung pwedeng gumawa nito sakin. ang sakit sakit lang. parang pinipiraso piraso yung puso ko sa ginagawa nila ni Cindy. lalo na si Mommy? ang sakit lang.

"Bakit ka umiiyak? kase hindi ako nakulong, Cindy at ang Pesteng Mommy mo lang?" pinanlakihan nya ako nang mata. hindi ako natinag sa kanya.

"Hindi ako umiiyak doon Meazy.. umiiyak ako kase nagkaka ganyan kana! hindi ka naman ganyan dati!" halos pa sigaw na pagkakasabi ko habang humihikbi hikbi pa.

"Kase hindi ka rin ganyan dati! hindi ka naman mang aagaw hanggang sa naging ganito! letche ka." tumakbo na naman sya papalapit sa akin at sinambunutan, halos mapalakas na ang iyak ko dahil sa sakit non.

"Tumigil kana Meazy! ihinto mo na tong ginagawa mo habang maaga pa!"sigaw ko sa kanya.

"At bakit? hahayaan ko na lang na hindi ko ipaglaban yung pagmamahal ko? well hindi pwede yon!" sabay kalmot sa katawan ko. yung matinong dress ko kanina ay halos magkanda sira sira na dahil sa ginagawa nya.

"Nasasaktan ako Meazy! tumigil kana!" pagmamaka awa ko sa kanya pero hindi nya ako pinakinggan. mas malala pa yung ginagawa nya.

"Masakit? mas masakit yung ginawa mong hayop ka! bwiset bwiset!! mamamatay ka na rin lang naman pahihirapan muna kita!" kumuha sya nang gunting at ginupit gupit yung buhok ko. sinubukan ko syang pigilan hindi ko magawa.

hanggang sa pati ang kamay ko ay dumudugo na rin dahil sinasalag ko yung gunti na nagbabadya na gupitin ang buhok ko. pumalag palag pa ako nang hindi nya matuloy ang balak nya pero in the end. nagawa nya ang gusto nya.

Someday, Maybe. ( Completed )Where stories live. Discover now