Chapter 69: Why Lily?

978 16 0
                                    

Lily's POV

Nakahiga ako ngayon dito sa kama na to. nakakasawa na yung apat na sulok nang kwarto. ang tahimik dito yung tipong parang kukunin na ako kahit ano mang oras. pakiramdam ko eh kinukuha na ako nang unti-unti. nakaka inis minsan kasi pinipilit nila akong kumain eh wala namang lasa. Nakaka bwiset diba?!

"Krazer, pwede ka namang magpahinga. Kaya ko naman sarili ko eh." Kahit nang hihina na ako pinilit ko paring ngumiti sa kanya.

"Hindi pwedeng pabayaan lang kita Lily. Hanggat kaya ko nandito lang ako para sayo." Sabay halik sa noo ko.

Napangiti naman ako. Hindi talaga ako nagkamaling ni Krazer ang pinili kong pakasalan. Ang plano ko kase bubuo muna kami nang pamilya kago ko sabihin ang sakit ko pero wala eh. Mas nauna yung cancer magpakasal kesa sa akin.

Napatingin naman ako sa kanya at pinatay na naman nya yung phone nya. Kanina pa kasi may tumatawag doon pero lagi nyang pinapatayan.

"Sino yon? Baka importante Krazer sagutin mo na."

Umiling lang sya sa akin. Tapos bigla na namang tumunog yung phone nya.

"Krazer, kung hindi lang ako nanghihina ako na mismo sasagot nyan." Pananakot ko sa kanya. Natawa naman sya sa akin at lumapit. Hinawakan nya yung dalawang kamay ko.

"Hindi na ako tutuloy nang Korea. Alam kong mas safe ka kung nandito ako." Sabay halik sa pisnge ko.

"Hindi pwede Krazer. Minsan lang dumating ang oportyunidad na yan. Pumunta ka sa Korea. Dadalhin rin naman ako sa NYC." Sabay ngiti ko pa ulit.

"Makinig ka sa akin Lily al---"

"Ikaw ang makinig. Krazer alam ko ang mas makakabuti sa lahat. Sumunod ka na lang sa akin at magiging maayos ang lahat. Alam kong hindi man ngayon pero SOON, makinig ka Krazer." Nagpapa ka-awa na yung boses ko sa kanya.

Alam kong pangarap nya yun. Iginapang sya ni Papa Dean para makapag aral sya at makamit nya yung pangarap nya tapos dahil sa akin hindi nya makukuha yon? Ayokong maging hadlang sa pangarap nya.

"Lily, Mas importante ka." Seryoso ang mukha nya pero mas seryoso ako.

"Seryoso ako Krazer. Magiging ok ka at lalong lalo na ako." Ipinilit kong itaas ang isang kamay ko para ipakitang nangangako ako.

"Minsan lang dumating ang offer na yan. Wala nang mas gaganda pa sa offer ni Mr. Wang. Alam nating lahat yan." Dagdag ko pa. Halos pabulong na lang habang mapikit pikit na yung mata ko.

"Matutuwa ako at mas lalaban ako pag nakita kitang nagtagumpay sa pangarap mo. Promise mo sa akin Krazer. Magiging ok ka lang dun."

Kita ko sa mga mata nya ang mga nagbabadyang mga luha pero pinipigilan lang nya dahil ayaw nyang ipakita sa akin.

"Para sayo Lily, para sayo gagalingan ko sa Korea." Nahulog na nga ang mga luha at isa isa itong pumatak. Inalis ko yun gamit ang kamay ko.

"Magpakatatag ka lang Lily, Marami pa tayong pangarap." Niyakap nya ako nang mahigpit. Mahigpit na mahigpit gaya nang ginawa ko sa kanya noon pero hindi ko na magawa ngayon. Pakiramdam ko makakalas na yung buto ko king gagawin ko yun. Wala na akong sapat na lakas.

Dahil sa iyak nya ay parang gusto ko na ring umiyak pero hindi pwede. Dadag dag pa ba ako sa kanya? Isipin pa nya may masakit sa akin or mag panic sya. OA kase sya pag dating sa akin.

Kahit pa sabihing maganda talaga ako. Well i'm so flattered.hehehe at lagi nga akong pinagkakaguluhan sa school hindi ko parin lubos na maisip na ako? Ako yung pinili ni Krazer, Si Krazer na pinaka gwapo well gwapo rin naman talaga si Nix at HIGIT na mas pinagkakaguluhan nang lahat pero mas bet na bet ko si Krazer. Si Krazer na matipuno ang katawan, may mapungay na mata, maskulado,Gwapo!, para sa akin perfect na sya. Kahit marami syang flaws alam mo yon! Yun bang hindi sya perfect pero para sayo Kumpleto na sya. Wala ka nang hahanapin pa.

Kay Krazer ko lang naramdaman ang pagmamahal bagay na hindi ko naman talaga natatanggap noon pati nga siguro ngayon.

Babalik sila Mom and Dad dito para kunin ako at dalhin sa NYC, mapapalayo si Krazer, mapapalayo ako sa kanilang lahat well alam naman natin kung saan ako pupunta diba? Para sa akin rin yon. Ang kailangan lang ay maging matatag.

"Alam mo hindi ko alam kung kaya ko to pero kakayanin ko. Gusto ko kayanin mo rin ah. Ayoko sana pero..."

Hinawakan ko nang mahigpit yung kamay nya. Pakiramdam ko napaka lamig ko na. Parang konti na lang eh pwede na akong ma teggy!.

"Pero ano.. dapat lang eh kayanin mo. Anong akala mo ha? Madali lang din sa akin? Pag ako gumaling at hindi mo inayos yan nako! Humanda ka!" Pananakot ko ulit. Natawa na naman sya sa akin.

"Oh, ngayon tatawa ka! Ano ba kase Krazer. Wag mo nga akong niloloko." Dahn dahan na pagkakasabi ko dahil nanghihina na talaga ako.

"Oo na boss!" Nag salute pa siya sa akin. Ngumiti naman ako kahit na medyo hirap na hirap pa ako.

"Naniniwala ako sa galing mo Krazer, wag mo lang sayangin dahil sa akin." Bulong ko na lang.

Hinawakan nya yung mukha ko at tila ba kinakabisado. Parang sira talaga to! Wala ba syang tiwala sa akin na kakayanin ko? Duhh!!

"Kumain kana ba?" Tanong  ni Tita Elena. Hindi ko napansin ang paglapit nya kaya naman tumango na lang ako kahit na hindi pa talaga ako kumakain. ang gara kase eh! akala nila masayang kumain tapos ni hindi man lang nilagyan nang kahit ano. Torture!!

"Sure ka Lily?" tumango ako sa kanya at humarap naman sya kay Krazer. "Krazer kumain kana muna. ako na ang bahala kay Lily." tapos ngumiti pa si Tita sa kanya. bago lumabas si Krazer ay binigyan nya ulit ako nang halik sa Noo. 

ipinikit ko yung mga mata ko. Alam kong nahihirapan na sila sa akin syempre ako to eh! si Lily ako at responsibilidad ba nila lahat to? actually syempre may responsibilidad sa akin pero nakakahiya sa kanila. Kaya naman naisip nila Mom and Dad na dalhin na lang ako sa NYC, para naman doon ay magagaling na Doctor at Nurse ang mag aabala para sa akin.

Busy sila tapos dadag dag pa ako? napaka pa import ko diba! nakaka inis na ako! AYOKO NA!!

"Nakakatuwa ka Lily, Alam mo ba na nag i-improve na yung katawan mo? tingin ko nga eh magiging okay kana. Sabi nila Nix at Preet may goodnews daw sila. Hindi ko sure kung pupunta sila rito mamaya." hinimas nya yung buhok ko at dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko. Tumingin ako sa kanya.

"Tita Elena? Nakakapagod ba? Nakakasawa? Nakakalungkot? o baka naman nakakaiyak? Naaawa ba kayo?" sunod sunod na tanong ko sa kanya.

"Saan? Kanino?" may pagtataka sa boses nya.

"Kanino? Sa akin, Hindi ko alam Tita kung ipagpapatuloy ko pa ba." sabay pikit ulit.

"Lily, ang bata mo pa para dito. Tsaka wag kang magsalita nang ganyan! Alam nating lahat na matapang ka eh, Bakit ka susuko alam mo namang kaya mo." sagot nya. base sa boses nya ay halatang natatakot sya na baka bumitaw ako bigla tapos bukas o mamaya wala na diba..

Mag-iilang buwan na rin ako dito sa Hospital at ilang buwan ko na ring hindi nakikita si Preeet at Nix, ang sabi nila ay pabalik pabalik raw sa Center or Hospital ang dalawa. Hindi naman nila sinasabi ang dahilan pero baka may anak na sila! Ang sabi ko Ninang ako hindi ako pwedeng mawala!

"Hindi kaya yun ang Goodnews nila?" bulong ko.

"Huh?" tanong ni Tita. umiling naman ako kahit na nakapikit parin. 

"Matulog kana muna at baka pag dating nila ay gising kana," tuwang tuwa sya at ngumiti na rin ako sa kanya. "Basta Lily mangako ka na lalaban ka ah!" sabay taas nang isang kamay na para bang namamanata.

"Hindi ko alam Tita.." bulong ko.


Someday, Maybe. ( Completed )Where stories live. Discover now