Chapter 75: 4peeps at Café

688 12 0
                                    

Darlyn's POV

Dahil katuwang na namin sa pagpapatakbo si Kate dito sa Café nya. Yes, kasalukuyan akong nandito sa office. Bukod kase sa hindi lang isa ang Café na pinapatakbo namin kailangan ko na rin mag assign sa kanila.

Naisipan kong lumabas muna dito sa office para tignan kung okay lang ba ang lahat sa labas. Pagka bukas ko palang nang pinto mga flavors agad nang coffee ang naamoy ko. Napaka bango. Well.. napaka galing talaga ni Kate pag dating sa mga Flavorings. Minsan nga gumagawa sya nang sariling flavorings then lahat nang tao ay gustong gusto yon. Binabalik balikan pa nga sa sarap.

Naglakad ako at ngumingiti sa bawat taong napapatingin sa akin. Lalapit na sana ako kay Kate nang makitang magkasama sila ni Rex.

Palagi ko ring napapansin yang dalawa na yan. Pakiramdam ko may something na nagaganap sa dalawang to.

"Hi Darlyn." Bati ni Violet sa akin. Umupo kami sa isang bakanteng upuan para naman makapag usap kami nang maayos.

"Need something?" Tanong ko sa kanya.

"Magtatanong lang." Sabay ngiti sa akin. Lumapit ang isang batang babae at sure ako na si Bea yun. Ang anak nila ni Alex.

"Sure. About what?" Tanong ko sa kanya.

"About 'WHO'." Sabay irap sa kawalan. Natawa naman ako sa kanya.

"About kay Alex yan. Hula ko." Agad syang tumango sa akin.

"Hindi ko kasi ma enjoy yung vacation ko dito dahil sa kanya. Ano sa tingin mo."

Hindi ako sumagot pero tumawa lang ako nang malakas. Saglit na napatingin ang ilan sa akin.

"Why?" Tanong nya sa akin.

"Well.. alam naman nating lahat kung anong ugali meron si Alex, diba! Alam mo naman yon." Sabay kindat ko pa sa kanya. Hindi ko alam kung naiines ba sya o nagagalit na.

"Ok. Alam kong kinasal kami kahit na ako lang ang may gusto pero sana naman...maging matino na sya... may anak na kami diba." Mahinang pagkakasabi nya sabay tingin sa cute na anak nyang si Bea.

"Violet, Hindi natin mababago ang isip nang isang tao." Yan lang ang sagot ko. PLAYBOY nga naman talaga sila lalo na si Nix. Alam naman nating lahat yan diba. Aware tayo.

"Gusto kong makita si Preet." Naging seryoso ang mukha nya.

"Bakit? May kinalaman ba si Preet kay Alex?" Seryosong tanong ko sa kaya. Umiling iling sya.

"Gusto kong malaman kung paano nahulog si Nix sa kanya. Tignan mo ako! Ang tagal na namin ni Alex pero wala parin! Pero sila... nakakaines!!" Malakas na sigaw nya. This time lahat nang tao ay nakatingin sa aming dalawa.

Inirapan lang ni Violet ang mga tao at tumayo. Pa dabog pa nyang sinarado ang pinto kasama si Bea. Gagawin talaga nya ang lahat huh.

"Ate Darlyn. Ano pong nangyare?" Mabilis na tanong ni Kate sa akin. Napatingin naman ako kay Rex na nasa likuran nya.

"Wala naman." Sagot ko pero naka ngisi ako sa kanilang dalawa. Natawa naman ako sa reaksyon ni Kate. Kunware ayaw pero deep inside may something naman talaga sila.

"Alam nyo para kayong si Daph at Jon!" Pang-aasar ko pa.

"Yas ate Darlyn. Tulad ni Daph ayaw ko sa kanya." Sagot ni Kate sabay irap kay Rex.

"Nah. Sila na kaya ni Jon."  Pag correct ko sa kanya.

"WHAT?!?!" Sabay na pagkakatanong nila kaya naman lahat ay napatingin na naman sa direksyon ko.

Someday, Maybe. ( Completed )Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ