Chapter 20: CONFIRM!!

1.6K 27 0
                                    

Preet's POV

Katabi ko si Peach sa kabila naman si Nix. Hindi ko sya kinakausap pero yung mata nya hindi nya parin maalis sa phone nya. Baliw na baliw talaga kay Evone.

Siniko ako ni Peach at humarap naman ako sa kanya. "Hindi nyo ma-aayosn yan kapag nag ganyanan lang kayo."bulong niya sakin.

"Ginusto naman kase nya." Pabalik na bulong ko sa kanya.

"Good Morning Saavedra's, Enjoy the meal coz there's a lot of activities today." Pagkasabi nang matanda ay umupo sya ulit.

Itinaas nya yung wine glass nya at humarap saming lahat.

"Cheer's Saavedra" dagdag pa nya.

"Cheer's" sabay sabay namin sagot habang nakataas rin ang mga wine glass.

Iba na yung tingin nang mga Saavedra hindi tulad kagabi. Kagabi... naalala ko na naman tuloy yung kagabi.

Nagsimula na silang kumain kaya akma ko naman sanang kukuhanin ang kutsara nang rice nang magkasabay kami ni Nix.

Nahawakan nya yung kamay ko.

Yung tipong parang natahimik yung lahat. Parang kami lang ni Nix yung gumagalaw. Hindi ko naman napansin na nakatingin na pala ako sa kanya.

At hindi ko rin napansin na karamihan sa Saavedra ay nakatingin samin. Iniwas ko yung tingin ko dahil nagkatinginan kami ni Nix.

Ako na rin ang pina una nyang kumuha. Balak ko pa naman sanang lagyan sya nang pagkain sa plato kaso wag na lang.

Nang matapos na kaming kumain ay sama sama kaming lahat na  pumunta sa kabilang kwarto. Sobrang laki yung tipong sayawan nang mga yayamanin.

May mga upuan naman sa gilid. Kasama ko ulit si Nix at Peach kase sino nga  namang makakasama ko. Hindi ko makita si ate Joan at Dean.

Nag play na yung song pero kami naka upo parin nila Peach At Nix. Maya maya pa'y may nag-aya kay Peach na makipag sayaw. Take note beshy! Babae to ah hahaha medyo naiilang pa nga si Peach pero tinanggap nya parin. Kung sa bagay gwapo naman si Peach nalihis lang talaga.

Nagulat naman ako nang hawakan ni Nix ang kamay ko kaya naman agad kong inalis yun.

"So-sorry, gusto mo bang sumayaw?" Tanong nya. Hindi ako sumagot. Nag iisip ak nang sagot.

Pag sinabi ko kaseng no! Baka hindi kami magka-ayos, pero seryoso nami-miss ko na yung bangayan namin. Nakakamiss rin pala.

Hays! -_-

Pag sinabi kong yes hindi kaya mag mukha akong desperada sa sagot ko?

Ewan ko.

"Tara." Hinila nya ako nang mahina at tumayo naman ako. Baka kaladkarin pa ako neto pero grabe naman kung gagawin nya yun. hila hila nya parin ako hanggang sa huminto kami sa bandang gitna. kailangan sa gitna talaga?

kailangan center of the Earth pa talaga?

hinawakan nya ako sa bewang at kinuha nya yung kamay ko para ilagay sa balikat nya at ang kabilang kamay namin ay magka hawak. magkatitigan lang kami hanggang sa nagiba na yung kanta. 

( Play nyo yung vid. sa taas para dama nyo)

  Every now and then
We find a special friend
Who never lets us down
Who understands it all
Reaches out each time you fall
You're the best friend that I've found  

nagumpisa kaming sumayaw nang dahan dahan ni Nix habang nakatingin lang ako sa maamo nyang mukha. eto na naman yung pakiramdam ko. pakiramdam na kaming dalawa lang ang nagsasayaw. parang gusto kong angkinin sya kaso hindi pwede. 

  I know you can't stay
A part of you will never ever go away
Your heart will stay

sinabayan nya yung pagkanta sa pangalawang stanza. napaka ganda nang boses nya, boses na gusto kong marinig, marinig nang pa ulit-ulit habang kinakantahan nya ako, kanta na may pagmamahal kaso hindi pwede.

  I'll make a wish for you
And hope it will come true
That life would just be kind
To such a gentle mind
If you lose your way
Think back on yesterday
Remember me this way
Remember me this way


    nakita ko sa mukha nya masaya sya. ngumiti ako at sinuklian nya rin yon. hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at niyakap ko sya. nakakahiya man sa kanya pero ginawa ko yon. OO, diba hanggang dito lang kami. hanggang yakap lang. 

YAKAP LANG....

halos hindi ko na marinig ang kanta, basta ang alam ko umiiyak ako habang yakap yakap ko sya nang mahigpit. napaka higpit nun sobrang higpit na tila ay ayaw ko na syang pakawalan. maya maya pa'y biglang tumunog ang phone ni Nix. 

oo at bumalik kami sa kina-uupuan namin. sabay ang pag sabi nya nang .

  "Hi Evone..."

mas lalong tumulo yung luha ko. si Evone na naman....

Cindy's POV

"Hello Evone.." sagot nya sa tawag ko. hindi ako sumagot at hinayaan ko lang na magkaroon nang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

"Hello Nix..." pagsagot ko sa kanya. 

"bakit naman na cancel yung date naten?" tanong nya na may malungkot na boses. 

oo si Nix, si Nix na asawa ni Preet. Nagkaroon kase kami nang deal matagal na yun at ako na lang hindi nakakagawa, mas bigtime ang mabibiktima mas magaling ka. hindi ko naman alam na si Nix pala ang mapapangasawa na.

wala naman akong nararamdaman na kahit ano kay Nix pero siya patay na patay sakin. Hindi ko parin magawang iwan si Nix kase hindi tapos ang lahat. kailangan ko pa nang konting panahon para iwan sya.

At nagulat ako nang sinagot ni Preet yung tawag ko kanina. pinagbilin ko pa naman kay Nix na hihiwalayan ko sya kapag may ibang tao ang naka sagot sa tawag ko pero nagmakaawa sya sakin kanina. gaya nga nang sabi ko na hindi pa tapos ang kailangan ko kay Nix kaya tinanggap ko ulit sy.

masyado syang sunod sunuran sakin, Alam ko naman na hindi sya magugustuhan ni Ate, oo KAPATID KO  SI PREET pero hindi naman talaga.

isa syang Montenegro at isa naman akong Cruz, Did you know Why? bago pa man magkakilala si Mommy at Daddy may anak na si Mommy at ako yun. ganon rin si Dad at ang anak naman nya ay si Ate, kaya sa matuwiran hindi talaga kami magkapatid ni Ate... i mean Preet!

Isa syang Montegro, isa sa mga ka kumpetensya nang mga Saavedra pagdating sa Business, hindi ko nga alam kung bakit mukhang tanggap nila si Preet eh. 

"busy kase ako." sagot ko sa kanya. nandito kase ako malapit sa pinto. kanina kase nakita kong nagkakalapit na sila ni Preet. hindi naman sila bagay diba? mas bagay si Nix at Meazy. nakilala nga lang ni Preet si Nix nung nalaman nilang kasal sila samantalang kami ni Meazy? matagal na namin syang kilala at kalapit na kaibigan.

"I Love You Evone.." ayan na naman sya sa i love you. sa totoo lang nakakarindi. siguro kung magkasintahan talaga kayo o  nagmamahalan talaga kayo kikiligin ka eh pero hindi si Meazy lang ang kinikilig dahil naka loud speaker to.

"I Love You too." sagot ni Meazy sa kabilang linya. ngumiti naman si Nix nang matanaw namin pero si Preet naman nakayuko lang hindi ko alam kung malungkot ba o umiiyak maya maya pa'y may lumapit na bakla sa kanya.

Si peach.. ano naman kayang ginagawa nya dyan?

Someday, Maybe. ( Completed )Where stories live. Discover now