Chapter 35: Preet's Real Fam

1.4K 26 0
                                    

Preet's POV

Nakakabagot na naman sa mansyon na itech! Jusq ang alala pa kase may mga bantay na kung saan. Ano kayang meron at may nalalaman pa silang ganito?

"Nix, hanggang kailan ba yang mga bantay na yan?" Tanong ko habang naka silip sa bintana.

"Hindi ko rin alam. Bakit? Naninibago ka noh."

Umirap ako bilang sagot sa kanya.

"Hindi ko rin alam pero sana umalis rin sila agad."

Kumuha ako nang upuan at pinuwesto yun sa tabi nang bintana.

"Hindi rin tayo pinapayagang lumabas. So ano tayo dito preso?" Pagtataray ko pa.

Ilang araw na rin yung nakakalipas nang umamin ako sa kanya pero tignan mo kami ngayon. Parang walang nangyare. Parang balewala lang kay Nix yung nararamdaman ko.

"May plano si Dad kaya may mga bantay dyan. Magtiwala kana lang." Sabay labas nang kwarto.

Patay na nga ako sa ka boringan patay pa yung puso ko sa kanya. Bakit kase ang galing nyang manhulog nang damdamin nang isang babae? Tapos ganito na lang.

Maya maya ay narinig kong bumukas ang pinto. Panigurado si Nix to o kaya si Ate Joan.

"Preet," humarap ako sa kanya.

"Lily? Bakit ka nandito?" Tanong ko pa sa kana na may malaking ngiti.

"Shhh.. gusto ka makita nang magulang mo. Tara sumama ka sakin pupunta tayo sa Montenegro's Island." Bulong nya sakin.

"Si Dad at Mama Elena?" Tanong ko. Hindi mawala sa mukha ko yung excitement na makikilala ko na yung magulang ko.

"Kailanga  lang nating tumakas." Bulong nya ulit.

"Bakit? Pwede naman tayong umalis eh. Magpa alam na tayo sa kanila." Sagot ko.

"Nahihibang kana ba Preet? Kaya nga may mga bantay dyan sa labas dahil alam nang mga Saavedra na kukunin ka namin." Bulong nya ulit.

Bumukas yung pinto at bumungad samin si Nix. Naka salubong ang kilay nya.

"Pupunta kayo sa Montenegro's Island?" Tanong nya.

Hindi kami sumagot ni Lily sa takot. Alam kaya ni Nix to kaya may mga nakabantay samin?

Bakit ayaw nila ako ipakilala o ipakita man lang sa magulang ko.

"O-Oo sana. Gusto mo bang sumama?" Tanong ko sa kanya.

Umiling lang sya at pumasok sa c.r, "dito lang ako." Sagot nya.

Nagkaroon kami nang pagkakataon para mag disguise para makalabas nang mansyon.

Kinakabahan parin ako sa gagawin namin. Palabas palang kami pero yung nga tingin nang bantay ang sasama.

Ang lalaki nang mga baril na hawak nila. Hindi ko sila tinitignan o sinusulyapan man lang sa mukha.

"Buti naman at nakasakay na tayo." Huminga nang malalim si Lily. "Kinabahan ako kanina."

Tinggal ko yung mga damit na naka pulupot sa katawan ko tsaka mga make up na nasa mukha ko.

"Malayo pa ba?" Tanong ko habang nakatingin sa ibaba. Kasalukuyan kase kaming nasa eroplano ngayon.

"Malapit na tayo, buti pinayagan ka ni Nix. Ok na ba kayo? Gusto kana rin ba nya?" Sunod sunod na tanong ni Lily.

"Tingin mo ba matutu tunan nyang gawin sakin yon?" Pabalik na tanong ko sa kanya.

"Kung kaya mo kaya nya, panigurado nama  ako binigyan mo  nang pagkakataon si Nix kaya  nararamdaman mo yan. Si Nix ba? Nagbibigay ba sya nang chance para sayo?" Para akong natauhan sinabi nya.

Binibigyan nga ba nya ako nang chance para mahalin ako o si Evone parin yung laging laman nang pusot isip nya.

"Hindi ko alam. Pinaparamdam nya saking mahal nya ako minsan pero minsan hindi. Ang gulo Lily." Sagot ko.

Nandito na kami sa Island. Napaka laki at makikitang napaka sagana nang mga Montenegro keysa sa mga Saavedra.

"Tara, dito tayo." Turo nya sa isang direksyon. Natutuwa ako sa mga tao dito. Napaka masayahin nilang lahat.

Pumasok kami sa isang malaking Mansyon. Pinagmasdan ko ito. Nagmistulang mga ginti ang ibang kagamitan.

"Nasaan tayo Lily?" Tanong ko sa kanya.

"Nandito tayo sa mansyon nang mga Montenegro."

Nakakamangha sa ganda. Sa sobra kintab nang sahig nakikita ko ang sarili kong repleksyon.

"Pupunta tayo sa Meeting Area nang mga Montenegro. Tiyak na nandun sila." Kita sa mukha ni Lily yung Excitement sa mukha nya.

Sa mahaba habang paglalakad namin huminto kami sa malaking pintuan. Sobrang laki talaga nya. Kakailanganin pa nang dalawang tao para mabuksan ang pinto.

Dahan daha kaming pumasok sa loob.

"Goodafternoon Montenegro's I want to inform y'll that Preet Montenegro is here." Umalingaw ngaw ang boses ni Lily sa loob at nag sitayuan ang mga taong mga naka upo sa loob.

Halos lahat sila ay nakatingin sakin nang masaya at gulat naman para sa iba.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kaya nama  nag bow na lang ako sakanila.

Hindi ko alam na ganito pala sila kadami. Akala ko si Mama at Dad lang ang makikita ko dito.

Lumapit si Dad sakin. Agad ko syang niyakap nang mahigpit. Hindi ko nalamayan na umiiyak na pala ako. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak tingin ko dahil na miss ko sya o napahinalaan ko sya nang mali.

"Na miss kita Dad." Habang umiiyak ay pinilit kong magsalita.

"Hindi ako makapaniwala na nandito ka sa amin ngayon." Narinig kong nagsalita si dad. "Thank you Lily. Maasahan ka talaga." Pasasalamat nya.

"Nandito na ang Mama mo." Napaharap naman ako sa babaeng katabi ni Dad. Niyakap ko sya kagad.

Naramdaman ko yung yakap nya. Pakiramdam ko safe ako nung mga oras na yun. Ayoko pa sanang bumitaw sa pagkaka yakap pero kailangan eh.

"Ako si Kuya Zack," binigyan nya ako nang malaking ngiti at inilahad ang kamay nya. Tinuro naman nya ang kakambal nya. "Sya naman si Kuya Fred." Inilahad rin ni Kuya Fred anv kamay nya at kinamayan ko rin yun.

Pinunasan ko yung luha ko dahil sa hindi ko sila makita nang maayos.

"Bakit ka umiiyak? Sinasaktan kaba doon?" Alalang tanong ni Dad sakin. Umiling ako bilang sagot.

"Natutuwa lang po ako na nandito tayo ngayon. Magkakasama."

Mag go-group hug sana ang mga Montenegro's nang may pumasok na batang babae.

"Mommy? I want to play." Nag pout yung cute na bata at lumapit si Mama sa bata.

"Sya naman si Zyreen, kapatid mo." Kita sa mukha ni mama na mahal ba mahal nya yung bata kahit na walang kamukha kahit na sino.

Pero makikita mo sa mukha nang bata na napaka ganda nya kung sya ay lalaki na. Para syang manika na gumagalaw dahil sa ganda.

Nag group hug na kaming lahat. Nagkaroon nang munting salo. Mabilis ring gumabi na parang kanina lang ay napakatindi nang sikat nang araw.

Magkasama lang kami ni Lily sa may gilid habang umiinom nang juice at kumakain. Masaya kong pinagmasdan ang mga Montenegro. Napaka babait nilang lahat.

"Hi, pwede bang tumabi sa mga pinsan ko?" Tanong ni Madyel na may magandang ngiti.

''Sure.'' Sagot namin ni Lily. Masyado na rin kaming nag enjoy at lumipas pa nang kaunti ang oras.

Bumukas muli yung pinto at may pumasok na lalaki. Lumapit sya sa microphone at nagsalita. "Mic test mic test, Excuse me Montenegro's kung pwede lang na lumabas nang sandali si Ma'am Preet dahil may bisita sya."

Bisita?

Hindi pa sya nakakapagtapos magsalita nang pumasok sa loob si Nix. Tila may hinahanap sya. Ako kaya??

Someday, Maybe. ( Completed )Where stories live. Discover now