Chapter 18: Not Welcome?

1.5K 24 0
                                    

Preet's POV

Montenegro! Nakaka bwiset magka apelyido pa kami pati na rin si Lily! Nakaka bwiset. Bakit ba lagi nalang mga nakaka apelyido ko sila pala dahilan para hindi maging kami nang taong mahal ko.

Bakit kase ka apelyido ko ba sila?! Pwede namang Cruz na lang diba! Para pareho kami ni Cindy!

Pinagtataka ko nga rin yun eh. Bakit naman kaya magkaiba yung apelyido namin ni Cindy eh diba nga magkapatid kami?

Hindi ako belong sa Montenegro na yan!

"Excuse me." Mahinang pagpapa alam ni Nix sakin. Eto na nga eh! Eto ang ayaw ko.

Iiwan nya ako para mag-usap sila ni Madyel!

Tumango lang ako kahit na hindi ko alam kung bakit ako nagseselos sa kanila. HUY PREET!! Ang OA mo ah! Nag uusap lang yung dalawa!

Pero hindi ko talaga magawang hindi magselos paano ba naman eh! Bakit kase may pag hampas pa sya sa braso ni Tukmol! Nakakaines na beshy.

Napasimangot lang ako. Para akong napagsukluban nang langit at lupa sa nangyayare sakin.

Iniwas ko yung tingin ko paano nag seselos nga ba ako? Bakit naman may kami ba? Pero asawa ko sya kaya mag karapatan ako ok!

Sa paghihintay ko may biglaang umupo sa tapat ko. Akala ko si Nix hindi pala. Ngumiti yung lalaki pero nairapan ko sya nang kusa. Grabe bes eto na naman yung ugali ko. Hindi ko mapigil sakit ko na yata to!

Inilahad nya yung kamay nya sakin. "Hi I'm Alex Alcantara." Nag wink sya sakin.

"Hindi ka naman pala Saavedra bakit ka nandito?" Pagtatanong ko ulit na may halong pagtataray.

Napasimangot sya. Akala nya siguro tatalab sakin yang charm nya ah!

Pero maya maya pa'y...

Tumawa sya nang mahina. Ano to baliw lengs? Nairapan ko ulit sya. Gosh! Hindi ako galit ah. Naka sanayan ko lang.

"Kaibigan nang mga Saavedra ang ang mga Alcantara." Paliwanag nya pero hindi parin nawawala yung magandang ngiti nya.

So drug dealer pusher or ano pa man yan. Ganon din ba sila? Kase magkaibigan pala eh!

Ayan na naman ako sa tamang hinala. Baka ma epic fail na naman ako. Basta! Hayaan ko na lang sila.

"Pwede kitang ilibot dito kung gusto mo." Pagyaya nya sakin. Tatanggi na sana ko kaso baka pag tinanggihan ko umalis yan eei lonely na naman ako ganern!

Tatayo na sana kami nang may lumapit sa kanyang batang babae.

"Sino yan? Anak mo?" Mabilis na tanong ko. Hindi sya makasagot sa tanong ko.

"O-oo anak ko nga si Bea." Mukhang nag-aalangan pa syang sumagot. Anak nya ikakahiya nya pa! Cute nga nung bata eh.

Inilibot nga nya ako sa buong Resort. Mukhang matagal pa yata ang umpisa kaya nandito kami ngayon ni Alex at anak nya sa pinaka taas kaya naman kitang kita ko lahat nang mga Saavedra.

"Nasan nga pala asawa mo?" Tanong ko ulit.

"Nandyan lang." Sagot mya habang buhat buhat ang anak nyang malapit nang makatulog sa inip.

Hay nako ang tagal nga naman kase mag-umpisa ang aga naman naming dumating.

Nang marinig na naming nagsasalita na si Dylan sa microphone ay bumaba na kami para maka upo na sa kanya kanyang upuan.

Humiwalay na si Alex sa akin at pumunta na ako sa upuan ko. Nakita ko dun si Nix na magkasalubong ang kilay.

Ano nag away sila ni Madyel?

"Saan ka nagpunta?" Tanong nya habang naka salubong parin ang kilay nya.

"Dyan lang. Naglibot libot lang." Sagot ko pero hindi ako nakatingin sa kanya.

"Sino yung kasama mo?"may galit parin sa boses nya. Ano bang problema nito?

"Si Alex Alcantara, bakit ano naman sayo?" Pagtataray ko. This time nagka titigan kaming dalawa. Walang kumukurap sa amin.

"Wag kanang lumapit ulit kay Alex. Magsisisi ka lang Preet." Pinagbabantaan nya ba ako?

"Sabihin mo kase kung nagseselos ka, hindi mo nama  kase matatanggi na maganda talaga ako." Natawa ako sa sinabi ko.

Tama naman kase eh! Aminin nyang nagseselos sya at aaminin ko ring magseselos ako kay Madyel.

"Hindi ako magseselos. Iniisip ko lang kalagayan mo." Sagot nya sabay kuha sa phone nya dahil may tumatawag.

"Evone."

Ayan na naman ang bida sa buhay nya. Si Evone na naman. Hay nako naman talaga.

"1week kami dito baka next week makapunta ako."

Tapos ano?! Hindi na naman sisipot yang Evone na yan pag kasama ako ganon?!

"Sige, I Love You." Huling salita nya bago inend ang call.

"Ano magpapasama ka na naman?" Pagtataray ko. Basta kay Evone hindi mapigilang magtaray.

"Next week pa naman. Ang gusto ko sanang mangyare isama ko si Evone dito para naman makasama ko sya."

"So ganon? Ako hahayaan mo lang na mag-isa dito samantalang kayo ni Evone nagla lambutsingan dito. Kung ganon lang din ang mangyayare baka sumama na talaga ako kay Alex." Paliwanag ko.

"Yun nga. Hindi pumayag si Evone na pumunta dito kaya ikaw ang makakasama ko. Hindi mo na kailangan si Alex kaya lumayo ka sa kanya." Seryoso na yung mukha nya.

Pagdating kay Alex nagiging seryoso sya. Buti pa si Alex sineseryoso nya...

Maya maya pa'y tinawag si Nix para i welcome na nag wo work na rin sya sa Business. Nagpalakpakan silang lahat, kasunod nun ang pagtawag sa pangalan ko.

"And the lovely wife of Nix Saavedra, Preet Montenegro Saavedra." Pagtawag sa pangalan ko ay umakyat na ako.

Naramdaman kong nagbulungan sila at kaunti lang ang pumalakpak.

Nagiba rin ang tingin nang iba sakin. Hindi ko alam pero yung iba kung makatingin parang galit sakin.

Hindi ba nila ako tanggap? Ok lang yun nga gusto ko eh nang makalayo layo na rin ako kay Nix.

Sa kabila nun ngumito parin ako kahit na nakakahiyang humarap sa kanila. Para akong pinahiya sa isang napaka laking stages.

Hinawakan ni Nix yung kamay ko. Nang tignan ko siya ay ngumiti sya sakin. Hindi ko magawang ngumiti sa kanya.

Ano ba naman kase tong mga Saavedra. Ano bang mali sakin?!

Bwiset! Naguguluhan na ako parang nang dati gusto kong maka alis na dito sa mga Saavedra pero ngayon gusto ko nang matanggap nila ako?

Nakakaines na! Naguguluhan na ako plus hindi pa maganda ang pag welcome nila sakin. Parang gusto ko nang magpa lamon sa lupa sa kahihiyan.

Nang matapos na kaming i welcome ay nauna na akong bumaba. Hindi ko na hinintay si Nix.

Parang ayoko na munang magpakita sa kanila. Umakyat ako sa tuktok nang resort kung saan kami ni Alex kanina.

Nang makarating na ako hindi ko inaasahang nandun pala si Alex. Naalala ko naman yung bilin ni Nix.

Hindi ko sya kinausap sa halip ay kumuha ako nang isang upuan para sakin.

"Kailangan mo ba  nanng kausap?" Tanong nya. Hindi ko sya pinansin.

Marami pa syang tanong pero hindi ko sya sinagot. Natagpuan ko na lang sarili ko na umiiyak.

Hindi ko na naman mapigilang umiyak. Tutulo na naman sya nang kusa.

"Nakakapagod na, ang hirap naman palang mahulog sa taong hindi mo alam kung seryoso ba?"

Tinapik nya ako sa braso.

"Nandito naman ako." Sambit nya

Someday, Maybe. ( Completed )Where stories live. Discover now