Chapter 12: Preet or Evone?

2K 31 0
                                    

Nix's POV

Naka-uwi na kami nang mansyon. Hindi na ako hinintay na makapag park ni Preet bumaba na agad sya. Pinayagan ko na rin.

Isang araw kong hindi nakausap sila Rex. Grabe nakakapanibago na ubos oras namin sa mall.

Nang ma park ko na yung kotse bumaba na rin ako at naabutan ko si Ate Joan at Dean sa kusinang kumakain.

"Kumain na ba kayo ni Preet?" Tanong ni Ate Joan.

"Yes, mukhang kailangan ba nating ibalik ang mga katulong?" Tanong ko kila Dean at Ate Joan.

"Hindi naman po kami nahihirapan." Sagot ni Dean sakin. Tumango lang ako sa kanya.

"Una na ako sa taas." Umakyat ako papunta sa kwarto.

Si Dean na isa ring Saavedra pero pinalitan ang apelyido nya dahil napulot lang sya malapit sa mamahaling kotse nila papa.

Natakwil sya dahil napag hinalaan syang spy nang kabilang company. Balak pa nga sanang ipakulong sya ni Lolo kaso hindi yon hinayaan ni Dad.

Sya and Tatay ni Krazer. Si Krazer na umagaw kay Madyel. Kaya kung may pagkakataon ako igaganti ko lahat yun.

At gamit si Lily magiging matagumpay ang plano ko.

"NIX IKAW BA YAN?!" Malakas na sigaw ni Preet mula sa comfort room.

Dahil patay ang ilaw hindi ko maaninag kung sino man yung lalaking pilit binubuksan ang pinto nang c.r

"Wag mong bubuksan ang pinto!" Sigaw ko kay Preet. Agad kong nilapitan ang lalaki pero bago pa ako malapit ay nakatalon na sya sa Terrace. Hindi lang pala sila isa kundi marami sila sa baba.

Lumabas na si Preet nang c.r at buti naka bihis na sya. Agad kaming bumaba dahil inaalala naman namin si Ate Joan at Dean.

Nakita namin silang naka upo lang sa sofa at parang nakikiramdam lang sa galaw namin.

"Anong meron?" Tanong ni Preet sa kanilang dalawa.

"May mga lalaking pumasok dito at kinuha nila yung box kanina sa gilid nang sofa." Paliwanag ni Dean pero bakas sa mukha nya ang takot.

Napatingin naman ako kay ate Joan. Umiiyak sya agad syang niyakap ni Preet.

"Muntik na nila kaming patayin." Umiling iling si Preet na para bang natatakot rin.

Siguro naisip na rin ni Preet na napunta sya sa demenyong mga katulad nang namin.

Hindi kami ganon. Hindi ganon ang mga Saavedra.

Mukhang alam ko na kung sino may pakana nito! Gusto kong puntahan si Tito Gorge ngayon at magtatanong kaso paano kung bumalik ang mga lalaking yon?

Sa kwarto nalang namin ni Preet kami natulog. Hindi naman sanay makipag laban tong si Dean alam ko yon. At ano nga bang aasahan ko sa dalawang babae na nandito.

Sa kama na natulog sila Preet at ate Joan kami na ni Dean sa baba. Hinarangan narin nang nang kurtina ang terrace kahit na naka lock na to.

Nakatalikod si Dean sakin pero nagsalita sya.

"Tingin mo ba sya ang may gawa nong pangyayare kanina?" Umiling iling ako.

"Pupuntahan ko si Tito Gorge bukas para itanong kung totoo." Sagot ko sa kanya.

"Magsasabi ba nang totoo yon." Napatingin na ako sa kanya.

"Natatakot kaba Dean?" Daretsahang tanong ko.

"Sinong hindi matatakot sa mga Saavedra?" Kasanay nun ang pag lunok nya rinig na rinig ko.

"Kilala kayo bilang magagaling mag tago sa mga krimen na nagawa nyo. Nagagawa nyong lusutan ang lahat. Nagagawa nyong maangkin kahit na sinong tao lalo na ang mga babae dahil lahat nang lahi nyo may mga gawapong lalaki at magagandang babae. Diba hindi rin nila ako natanggap dahil na rin sa mukha ko." 

"Pero higit na mas makapangyarihan ang mga Montenegro hindi ba." Pagsasalita ko.

Ang Montenegro ang higit na kakumpentensya namin pagdating sa Business. Sila ang dahilan kung bakit hindi namin magawang manguna sa lahat nang bagay. Lagi lang kaming pangalawa.

At ang kanilang ari-arian ay nasa kabilang isla. Higit na mas malaki yun kumpara sa amin.

"Hindi kaya mga Montenegro yon?" Kalmadong pagtatanong ni Dean.

"Hindi pero pwede rin siguro. Baka. Hindi ko alam Dean bahala na."

Sa pagiisip ko nang pagiisip hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

Preet's POV

Nagising ako nang maaga. Takot na takot parin ako. Nakatulog ako kakaiyak ko kagabi. Hindi ko alam kung paano nga ba ako nakarating sa mundo nang mga Saavedra. Pakiramdam ko ano mang oras pwede nila kaming patayin.

Pinagmasdan ko si Ate Joan na namumugto rin yung mga mata. Hindi namin alam kung anong nangyayare o ako lang ang hindi nakaka intindi?

Paano kung humingi ako nang tulong kay Mommy? Maniniwala sakin yun tapos tatawag sa mga police!

Akma ko na sanang hahawakan ang phone ko nang magsalita si Nix.

"Anong gagawin mo?" Tanong nya sakin.

"Manghihingi ako nang tulong sa mga police." Sagot ko.

"Hindi ka nila tutulungan. Alam nilang kayang solusyunan nang mga Saavedra to. Hibdi ka makakahingi nang kahit anong tulong sa kanila."

Naiiyak na naman ako.

"Paano ako makaka alis dito? Ayoko na! Bakit kase ikaw pa napakasalan ko?" Mangiyak ngiyak na ako. Halo halo na nararamdaman ko.

"Tulungan mo naman kami Nix. Ordinaryong tao lang kami wala kaming laban." Pagmamaka awa ko sa kanya.

"Titignan ko ang makakaya ko." Sa tono nang boses nya parang wala talaga syang magagawa sa nangyayare. Pukaragat may kaya syang gawin diba!

"Isipin mo ako sa Evone. At nangyayare to ngayon anong gagawin mo." Pangongonsensya ko sa kanya. Si Evone yan eh! Walang hindi hindi pag dating kay Evone.

"Gagawin ko ang makakaya ko pero hindi ako nangangako." Hindi talaga tumalab.

"Gusto ko na ring makipag hiwalay sayo. Gawan mo nang paraan." Naiiyak na naman ako.

"Mukhang imposible yan. Kung hahayaan kong maghiwalay tayo parang sinabi ko na rin na nakipag hiwalay ako sa pagiging car racer."

"Mas mahalaga pa ba yang car racing mo kesa makaligtas ka nang buhay nang iba?! NIX ANO BA?!" Sigaw ko sa kanya.

"Hindi mo ba naiintindihan na kapag hindi ko naipanalo tong laro hindi ako sasagutin ni Evone. Yun nga ang dahilan kung bakit hindi kami pwedeng maging legal!" Ngayon nakita ko syang galit na galit.

"So ganon! Pag dating kay Evone walang hindi puro OO!! Paano naman ako? Lagi na lang try ko." Umiiyak na ako ngayon sa kanya.

Jusq kung alam nyo lang kung gaano ko kamahal ang sarili ko mga bes!

"Nakaka awa ka. Masyado kang bulag sa pag-ibig mo Nix. Wag lang talagang dumating ang panahon na iiwan ka rin nya basta-basta."

Tumayo ako at pumasok sa c.r doon ako nagkulong at umiyak nang umiyak.

Hindi ko na alam. Ang hirap mapunta sa mga mundo nang Saavedra. Nahihirapan akong gumalaw nang mali.

Para akong naipinta sa isang larawan na kahit kailan ay hindi ako nababagay. Na kahit kailan ay hindi ko pinangarap na mangyare sa buhay ko.

Someday, Maybe. ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon