Chapter 78: Why?

948 12 0
                                    

Madyel's POV

Kasalukuyan akong nasa trabaho. Medyo nahihirapan ako dahil bukod sa wala si Preet ay wala rin si Tita Elena.

"Bibisita kayo ngayon kila Preet?" Tanong ko kay Kuya Fred na. Tumango lang sya kasama si Anika. Yung nabuhusan ni Preet nang tubig.

Ngumiti sa akin si Anika. Alam kong hindi plastik ang ngiti nya pag labas ang ngipin. Kabisado ko na yan!

Kaka bisita ko lang kay Preet nung nakaraang araw at tila mas lumalala ang namumugto nyang mga mata. Kahit ako rin siguro sa kalagayan ni Preet ay wala rin akong magagawa kundi ang umiyak nang umiyak.

"Madyel?" Napatingin ako sa pintuan kung saan nakatayo si Meazy. Ngumiti sya habang dala dala ang baby nya.

Mas nagulat ako nang makitang kasama nya si Cindy. Agad akong tumayo at nanlaki ang mga mata ko.

"Teka lang Madyel.." maamong pagkakasabi ni Cindy. Hindi ko alam kung bakit pinapasok pa yang hayop na yan dito!

"Umalis ka dito Cindy! Baka kung ano ang magawa ko sayo!" Malakas na sigaw ko kaya naman agad na pumasok sa loob si kuya Zack.

"Anong ginagawa mo dito?!" Halos tumunog ang daliri sa buto ni Kuya Zack nang itikom nya ang kamao sa gigil.

Pumikit naman si Cindy at huminga nang malalim.

"Nandito ako para humingi nang tawad... kung hindi nyo ako mapapatawad aleast ako... alam kong nagawa ko na ang part ko." Pagtapos sabihin yan ni Cindy ay dumilat na sya.

Napa iling na lang ako. Kahit na si Meazy ay matagal nang humingi nang tawad ay ang hirap hirap pa rin nyang pagkatiwalaan ulit. Lalo na kaya itong si Cindy! Muntik na kaya nyang mapatay si Nix!!

"Gusto ko rin sanang humingi nang tawad kay Preet.." dagdag pa nya.

"Pero naisip namin na baka mas ma depressed si Preet kaya hindi na muna ngayon."pag sabat ni Meazy sa usapan.

"Hindi kami natutuwa sa pagbabalik mo. Umalis ka dito!" Sigaw ni kuya Zack habang papalapit kay Cindy.

Agad akong humarang baka kase ano pang magawa nya kay Cindy.

"Ok... tanggap ko. Siguro hindi ngayon pero sa susunod baka... baka mapatawad nyo na ako." Mabilis na lumabas si Meazy at Cindy sa Mansion. Nakaramdam ako nang awa sa kanya.

"Wala pa namang trabaho ngayon.. diba?" Hindi nakatingin si Kuya Zack sa akin dahil nakatulala sya sa labas nang bintana.

"Wala pa naman.." kalmadong pagkakasabi nya kaya naman lumabas na rin ako nang mansion. Napatingin ako sa gilid kung saan nandun rin ang Old Mommy ni Preet. Si Andrea!

"WTF?!" Malakas na sigaw ko habang papalapit ako sa kanya.

"Sinong nagpapasok sayo dito?!" Sigaw ko habang hawak-hawak ko yung braso nya. Agad ko ring binitawan dahil mukhang nakatulala lang ito.

"Anong ginagawa mo?!" Sigaw ni Cindy habang papalapit sa aming dalawa.

Huminga ako nang malalim at umirap sa kanila. "Reunion? Kaines ah! Hindi namin kayo mapapatawad!" Sigaw ko.

"Gust..to n-nnming... i-ita..tama ang pag...kak-kamali...n..namen." halos ngiwi na ang nguso ni Andrea habang nagsasalita.

"Bakit ganyan sya?" Mabilis na tanong ko.

"Paralyzed ang kalahating katawan niya.." sagot ni Meazy.

Kaya pala... kaya pala naka upo sya sa wheelchair. Kaya pala.. kaya pala humihingi na sila nang tawad kase ano... bumabalik na sa kanila lahat nang kag@guhan nila!

Someday, Maybe. ( Completed )Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum