Chapter 67: The Wedding

902 13 0
                                    

Elena's POV

Pagtapos nang matagal tagal na paghahanda ngayon na ang tamang oras at panahon. Kumpleto na ang lahat at tila si Lily na lang ang hinihintay namin. katabi ko ngayon sila Preet,Draco at ang kambal. samantalang si Nix at Isha naman ay nasa unahan ni Preet. 

Pinagmamasdan ko ang lahat. kita ko sa mga mukha nila ang tuwa. sa pangalawang pagkakataon ay ikakasal na naman ang isa sa mga Montenegro sa isang Buenaventura. Lily Cassandra Buenaventura. That was awesome. Good for her.

"Nakita ko naman ung pinsan ni Draco, Ang Daddy ni Lily.Lumabas na rin sya siguro dahil ay nandun na nga si Lily sa labas at hinihintay sya. Hihintayin ko naman na sumunod si Madyel sa kanilang dalawa. napatingin naman ako kila Madyel at Kelvs. Kapwa silang magka hawak ang kamay at tila hindi na makapag hintay sa magaganap ngayong araw.

Kailangan talagang nandito ang lahat dahil gaya nang kasal nila Preet at Nix, Pinaghandaan rin ito nang sobra. isang beses lang kasi dumadating ang pagkakataong ito. isang beses ka lang haharap sa harap nang altar habang kasama mo yung taong pinakakamamahal mo. Mangangako kayo sa harap nang Diyos. napaka sarap tuloy sariwaan nang lahat sa amin ni Draco.

Nag-umpisa nang tumugtog ang kanta. dahan-dahang bumukas ang pinto. kita sa mga labi ni Lily ang ngiti at saya. iginala nya yung tingin nya sa aming lahat. kapwa kaming lahat humanga sa kanya at sa ganda nya. napatingin naman si Preet sa akin na may mga ngiting magaganda.

Nag punas si Preet nang luha, natutuwa rin sya sa Pinsan nya. Palakpak lang ang tanging naririnig namin mula sa ilan. ang ilan nama'y naging emosyonal sa kanilang nakikita. malapit na sa altar si Lily. ibinigay na sya nang kanyang daddy kay Krazer. napaka bait na batang si Krazer.

Tiyak akong mamahalin sya nito hanggang sa dulo. Natutuwa ako sa kanilang dalawa. Pinagmamasdan ko lang sila hanggang sa biglang natumba si Lily. halos lahat kami ay Nagka gulo. agad namin silang nilapit.

"Ma, anong nangyare?!" malakas na sigaw ni Preet habang sabay-sabay kaming tumatakbo papalapit sa kanila. bakas sa mukha ni Krazer ang takot para kay Lily. agad naman syang dinala sa Hospital para maibigay ang mga pangangailangan nya.

"Kinakabahan ako." yan ang huling narinig ko kay Draco habang naiwan kaming lahat nang dalin si Lily sa Hospital. halos lahat kami ay hindi makapaniwala na mangyayare to. Ano naman kayang problema at naging ganon si Lily.

Kasalukuyan na kaming nasa kotse papunta nang Hospital na pinagsuguran kay Lily. Hinanap namin yung kwarto nya at nakahiga na sya doon.Nakahinga kami nang maluwag nang magising na sya. 

"Ok ka lang ba?"

"Anong nangyare?"

"Lily may problema ba?"

"May sakit kaba?"

"Siguro sa  pagod, Baka mamaya ay ok na ako." sagot nya sabay punas nang luha nya. 

"Tubig Lily." 

Bumangon si Lily ay kinuha ang tubig. napansin naming nalalagas ang buhok nya at ang daming buhok sa bandang unan nya. napatingin kami nang seryoso kay Lily.

"Anong sakit mo?" may galit sa boses ni Krazer. 

"Ayoko nang sabihin sa inyo dahil alam kong wala naman nang solusyon!" pa sigaw na pagkakasabi ni Lily tsaka naman syang humagugol nang sobrang lakas.

"May cancer ako at Stage 4 na, Wala nang nakakaligtas doon diba? para saan pa't ina alala nyo pa ako!" sigaw ulit nito. niyakap sya ni Krazer at halos maiyak na rin kami sa narinig namin mula sa kanya.

"Tahan na baby... nandito naman ako." bulong ni Krazer pero hindi parin nya ito mapatahan. halos lahat naman kami ay halos nag-iyakan. Lumabas na ako para hindi nyang makita na pinanghihinaan ako nang loob.

Paano nangyare yon? parang wala naman kaming napapansin na may problema na pala sya? Bakit ang galing nyang itago sa amin ang Lahat? bakit kailangan nyang wag sabihin? pwede naman yatang mabigyan nang solusyon yan.

Tumabi sa akin si Draco. Wala syang sinabi na kahit ano. kapwa lang kaming tahimik at tila nag-iisip nang plano pero wala kaming maisip. Para kaming nasa boteng puno nang tubig at walang choice kundi ang lumangoy nang lungoy at ang mapagod ay mawawala. lulubog at papanaw.

Pagkatapos nang mga pangyayare kay Preet ay ito naman. Si Lily naman ngayon? Hindi na talaga nagkaroon nang katahimikan sa Pamilyang to. Niyakap ako ni Draco nang sobrang higpit. Hindi ko na naman napigilan ang sarili kong umiyak.

"Sabihin mong malulusutan nating lahat to." umiiyak na pagkakasabi ni Draco. Hindi ko magawang sabihin ang pinapasabi nya. pakiramdam ko wala eh. wala na. ito na sya at tatanggapin na lang namin.

Nang mapawi na yung lahat nang luha ko pumasok na ako sa loob nang kwarto ni Lily. natutulog na sya ngayon at pinagmamasdan lang sya nila Madyel at Preet, at ang ilan pa nilang kaibigan ay nasa labas nang kwarto.

Ngayon ko lang napagmasdan nang mabuti si Lily. Napaka payat na pala nya. Bakit hindi ko napansin yon? Bakit hindi yon napansin nang magulang nya. Bakit hindi napansin nang Daddy nya to? Lalong lalo na ako, Ako pa naman ang tumayong ina sa kanya dahil nasa ibang bansa ang Mommy nya pero ano? Hindi ko man lang napansin?!

"Tita, Matatapos rin naman ang lahat." bulong ni Lily kahit na nakapikit parin sya. tumabi ako sa kanya at dahan-dahan ko syang niyakap. niyakap nya rin ako pabalik. Pigil na pigil yung pag-iyak ko sa harapan nya. ayokong ipakita na nanghihina ako dahil sa kalagayan nya dahil ayokong maramdaman nya rin yon.

"Alam kong kaya mo yan. Ikaw pa! Montenegro ka diba," pagmamayabang ko pa pero garalgal na rin yung boses ko. konting push na lang ay lalabas na rin.

"Masakit pa naman umasa." bulong na naman nya. 

"Alam mo Lily, walang imposible." pa tawa-tawang pagkakasabi ni Preet.

"Ang kailangan mong gawin ay magpa galing ka na ka agad nang matuloy na ang kasal nyo ni Krazer." pang-aamo nila kay Lily. umiling iling sya at tila nararamdaman na nyang malapit na... ayokong sabihin kung ano yon dahil hindi pa ako handang sabihin sa kanya yon.

"Hihintayin rin namin ang magiging anak nyo." dagdag pa ni Madyel sabay tawa kahit na parang iiyak na rin sya.

tumawa sya nang mahina. Kita sa mukha nya na nanghihina na sya. hirap na hirap sya. Minabuti na lang muna naming iwan sya para makapag pahinga sa sya nang maayos. nagpa-alam kami sa kanya. hindi sya sumagot dahil natutulog na sya.

"Kung ano man ang kasalanan ko wag naman sanang si Lily ang magbayad non!" halos maiyak na si Krazer. "Ayokong nakikita si Lily an ganyan. hindi ko kaya. dinudurog nang pa unti-unti yung puso ko. Hindi ko kaya." pinapakalma naman sya nang mga kaibigan nya at tumalikod ako sa kanya.

Ayokong panghinaan nang Loob.Ayokong ayoko na nakikita nila akong umiiyak dahil ang kailangan lang namin ngayon at matatag na loob. haharapin namin to nang sabay-sabay pa matapos na tulad nang kay Preet at Nix.

Sana hindi matagalan at maging maayos na rin ang lahat....



Someday, Maybe. ( Completed )Where stories live. Discover now