Chapter 45: PREENIX

1.1K 19 1
                                    

Fred's POV

"Hay nako Babe!! Nako talaga may babaeng nakatapon nang tubig sakin sa mall." Sigaw ni Anika.

''Anong ginawa mo?"

"Edi nginitian lang! Syempre pampa bango rin nang pangalan yon tsaka isa pa ang daming mga tao sa paligid."

"It's ok, namumukhaan mo ba?"

"Oo naman. Sya palang nakakagawa nun sakin!"

Gusto ko sana syang yayain dito sa mansyon kaso na alala ko punuan nga pala yung Schedule nya dahil sa bagong project.

"Kung sakaling kilala mo yung babar na yon sinasabi ko lang Babe! Anyway, tawag na ako ni Direk. Bye na i love you."

"I love you too babe."

Ako na ang nag end nang call. Umupo ako habang pinagmamasdan ang mukha ni Andrea sa litrato.

Si Andrea ang may dahilan kung bakit na issue si Dad sa kanya, kinuha pa nya si Preetvsa amin at ngayon.. balak nyang patayin si Preet.

Ako na lang sana ang pumatay sa kanya nang makaganti ako sa lahat nang ginawa nya kay Preet.

"Wag mo nang ituloy ang balak mo."

Napatingin naman ako kay Zack na kaka upo lang na tila nababasa ang iniisip ko

"Na isip ko rin ang bagay na yon pero mas na isip ko. Hindi ko hahayaang madungisan ang kamay ko dahil lang sa kanya." Dagdag pa nito.

"May ibang na isip si Dad, Mas kumbinsido ako doon."

Huminga muna ako nang malalim bago magsalita.

"Ano raw ba ang plano ni Dad?"

"Kailangan nating sundan at bantayan ang bawat kilos ni Andrea para alam natin kung ano ang susunod na balak nya."

Tumango na lang ako.

"Mabuti na rin na nasa Paris si Preet. Malayo sya kay Andrea."

"Hindi rin sya ligtas doon. Nandun ang anak ni Andrea na si Cindy. Hindi natin alam kung anong pwede mangyare."sabat ni Dad na ngayo'y kararating lang.

Sabay kaming napatingin ni Zack kay Dad. Hindi na talaga nawala sa landas ang dalawang yon.

Preet's POV

Lutang yung isip ko, Hindi ko alam kung maniniwala ba ako na si Mommy ang gustong magpapatay sakin. Parang hindi ko lubos ma isip yon.

"Diba parang mas masaya yon?" Masayang tanong ni Nix.

"Ang alin?" Tanong ko.

"Kanina pa ako nagkukwento dito hindi ka pala nakikinig." Sabay kamoy sa ulo.

Nag peace sign naman ako. "Sorry Ne, Kailangan ko lang magpahinga."

"Siguro nga, madami na rin tayong napuntahan. Ihahatid na kita."

Sa awa nang Diyos naka uwi naman kami nang maayos.bago pa man kami makapasok sa loob may unti-unting snow na bumabagsak sakin at sa buong paligid.

"Ang ganda!" Sigaw ko habang nakatingin sa mga snow na bumabagsak samin ni Nix.

"Mas maganda ka I.B"

Tumingin naman ako sa kanya na may pagtataka.

"I.B? Babae mo yun noh! Nako nako nadulas kana."

Natawa naman sya kahit hindi ko alam kung ano ba nakakatawa sa sinabi ko. Baka magpapalusot na naman to.

"Ikaw diba si I.ce B.ear at araw mo to.''

Someday, Maybe. ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon