Chapter 6: Meet Jane Varona

27K 799 36
                                    

Killy's POV.

[NP: Paasa (T.A.N.G.A) by Yeng Constantino]

'Ang hirap palang maging T.A.N.G.A.
Ang hirap palang maging T.A.N.G.A.
Pinapaasa mo lang ako kasi alam mo na crush kita
Oo na crush kita

Pambihira o nung dati pa
May patanong tanong ka pa
kung sino yung nasa Facebook status ko
Hoy! Tungkol yun sayo

Yung sana ako na lang ang girlfriend mo
oh oh oh oh'

Ang gandang kanta grabe! Mas lalo lang akong nairita! Oo alam ko naman na umasa ako na makikita ko ulit si Mr. Unknown, pero dalawang araw na ang nakalipas hindi ko pa rin siya makita!

Argh! Nagmumukha na akong tanga! Baka naman imagination ko lang si Mr. Unknown? Hindi, eh! Totoo talaga siya! Ano bang imagination ang pinagsasabi ko? Nakasama ko ngang kumain, naka-usap ko pa. Imagination ba 'yon?!

Mababaliw ako kaiisip sa kaniya, pero mas mabaliw ako sa school na 'to. Biruin mo gabi ba naman ang umpisa ng klase, 7:00 PM! Gosh! Puyat ako nito! Gusto kong ipaalam sa kanila na hindi ako bampira!

Hindi naman sa hindi ko kaya na gising sa gabi. Hindi lang ako sanay na gabi ang umpisa ng klase.

By the way, nasabi ko na ba sa inyo na famous na ako sa school na 'to? Salamat sa kagadahan at kasungitan ko, sigurado akong magkakaroon na naman ako ng mga bagong kaaway. Hindi talaga ako malalayo sa kasikatan. Mag-artista na lang kaya ako? 'Wag na lang pala! Nakaka-stress kaya ang pagiging artista, ngayon nga naii-stress na ako hindi pa ako artista niyan, ah!

Hindi pa pwedeng lumabas ng umuga kasi raw hindi ka na raw makakabalik sa kuwarto mo ng buhay. May mga rumoronda kasi tuwing umaga, pinapatay nila 'yong mga nasa labas pa. Tinanong ko nga si Dean kung bakit siya pumapayag na may patayang maganap dito tuwing umaga. Ang sabi niya naman ay paraan daw 'yon ng pagdisiplina sa istudyante rito sa Half Blood Academy. Marami daw kasing pasaway rito, hindi raw nag-aaral.

Hindi ako natatakot na lumabas ng umaga dito. Baka sila patayin ko! Baguhan ako kaya dapat lang na naglilibot ako sa paligid para maging pamilyar sa akin ang bawat lugar. And guess what! Balitang-balita na sa buong Half Blood Academy ang paglabas ko tuwing umaga.

Rule breaker? Yes! Pakialam ba nila kung lumabas ako tuwing umaga? Handa akong labanan ang rumuronda na 'yon kung sakaling harangan man nila ako. Hindi ako natatakot sa kanila.

Narinig ko rin na nag-uusap 'yong mga rumuronda na babantayan ako para hindi ako makalabas ng kuwarto ko. Hindi ko naman sinasadyang marinig ang pinag-uusapan nila. Gumagala kasi ako no'ng makita ko sila. Sorry na lang sila dahil narinig ko ang plano nila sa akin.

Makalabas na nga lang, nakakainip dito. Pagbukas na pagbukas ko pa lang ng pinto, may lumipad na kutsilyo sa kinatayuan ko. Mabilis ko naman itong iniwasan. “Puwede ba?! Kung magplaplano kayo siguraduhin n'yong walang nakakarinig!” Sigaw ko at naglakad palabas. Papunta ako sa mini grocery nila rito. Ang sarap kaya ng mga pagkain do'n at bibili na rin ako ng mga ingredients para sa lulutuin ko mamaya.

Half Blood Academy (School Of Half Bloods)Where stories live. Discover now