MISSION II:HERE WE ARE ENCHANTED FOREST

6.1K 159 10
                                    

Chapter 108
Here we are Enchanted Forest

Killy POV.

"Ano nang gagawin natin mama?" Tanong ko

"Antayin muna natin silang magising" Sagot ni mama "Dalhin mo na sila sa kwarto nila Lilly, may pag-uusapan tayo"

Napalunok ako, hindi ko gusto ang tono ni mama. Kinakabahan ako.

(>_<)!

Aishhh!!!

"O-Opo" Ginamit ko ang Igley power ko para madala sila sa kanilang kwarto.

Nang matapos na ako, agad akong pumunta sa kusina kung saan laging nakatambay si mama.

"Mama ano po'ng pag-uusapan natin?" Tanong ko ng makarating ako sa kusina.

"Maupo ka" Agad naman akong naupo sa upuan sa tabi ni mama "Tungkol ito sa kasintahan mo" Naguguluhan akong tumingin sakanya

"A-Ano po ang tungkol kay Liam?" Kinakabahan ako, hindi ko gusto ang tono ng pananalita ni mama. Parang may mali akong nagawa.

"Hindi ko s'ya gusto para sa iyo Lilly"

"Dahil po ba sa dahilan ng paghihiwalay namin? Dahil sa nagsinungaling s'ya saakin?" 

"Dahil sinaktan ka n'ya Lilly! Nararamdaman kong sa una lang s'ya magaling pero kapag dumaan ang mga araw sasaktan ka lang n'ya ulit"

"Mama ganon naman talaga kapag pumapasok sa isang relasyon. Masasaktan at masasaktan ka. Normal lang iyon mama, hindi n'yo ba iyon naransan kay papa?"

Natigilan s'ya "Basta hiwalayan mo s'ya. Wala akong tiwala sakanya"

"Mama mahal na mahal ko si Liam. Kahit anong sabihin mo hindi ko s'ya hihiwalayan. Hinding-hindi" Pagmamatigas ko.

Kahit anong mangyari hindi ko na hihiwalayan si Liam. Mahal ko s'ya at alam kong mahal nya rin ako.

"Lilly hindi mo naiintindihan! Ngayon ka lang mahal ng lalaking 'yon pero kapag nagtagal magsasawa na s'ya sayo. Makinig ka naman saakin dahil alam ko ang makakabuti sayo!" Napahawak si mama sa ulo nya na animo ay nahihilo "Lilly please makinig ka saakin"

Half Blood Academy (School Of Half Bloods)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon