MISSION II:THE MIDDLE OF THE TRAINING

5.9K 152 20
                                    

Chapter 106
The Middle of the Training:Temporary back

Killy POV.

Kanina pa kame nag umpisa at ang masasabi ko lang ay....

"Kill nagagawa ko na!" Sigaw ni Liam at ipinakita saakin ang matalim nyang kuko.

"S-Sige lang" Napa kamot ako sa ulo ko.

Ang bilis nilang matuto. Nagagamit na kaagad nila ang kapangyarihan nila. Partida isang araw palang.

(^_^')7

Dapat hindi ko sila minaliit.

"Sila ginagawang laro lang ang pagsasanay na ito pero nung ikaw ang pinagawa ko ng ganitong pagsasanay, kulang nalang sumuko ka sa sobrang hirap" Umiilang-iling na sabi ni mama.

"Oo nga eh, nakakahiya tuloy hehe"

"Tama na muna iyan" Sabi ni mama "Konti nalang at matatapos nyo na pagsasanay" Sabi sakanila ni mama.

Tuwang-tuwa naman sila.

"Pero hindi ibig sabihin non na kaylangan nyo nang magpabaya. Wala pa kayo sa kalagitnaan ng pagsasanay. Maghanda na kayo dahil pagkatapos nating kumain ay itutuloy na natin ang pagsasanay" Sabi pa ni mama.

Naunang naglakad si mama papunta sa harap ng bahay kung nasaan ang pagkain. Sumunod naman kame.

Nang makarating kame sa harap ng bahay, agad naming nakita ang mahabang lamesa na puno ng pagkain.

Naka ngiting lumapit saakin si Hiroko.

"Lilly kain ka na" Sabi nya "Ano bang gusto mo? Palabok? Ayun may palabok don" Tinuro nya yung palabok.

Nagning-ning ang mata ko ng makita ko ang palabok sa lamesa.

"Nice! The best ka talaga" Sabi ko at agad na naglakad papunta sa hapag kainan.

Umupo na kaming lahat at nagsimula ng kumain.

"Kill masarap 'to tikman mo" Sinubuan ako ni Liam ng dinuguan "Diba masarap?" Naka ngiti naman akong tumango.

"Syempre ako ang nagluto" Sabi ni Hiroko "Diba Lilly masarap ang luto ko?"

Half Blood Academy (School Of Half Bloods)Where stories live. Discover now