Chapter 11: Edwin Vam Lee

23K 757 79
                                    

Killy's POV.

"KIlly!!! Killy!!!" Sigaw ng isang babae.

Boses ba 'yon ni Jane?

"Ano ba 'yon?! Marami akong ginagawa kaya 'wag ka nang makisabay." Pagharap ko akala ko si Jane pero hindi pala siya. "Sorry, akala ko ikaw si Jane," pagpapaumanhin ko.

"'Yon na nga! Si Jane, bihag siya ngayon ni Chelsea. Kapag hindi ka raw pumunta sa Mini Forest papatayin daw nila si Jane." May takot at pag-aalala sa mukha nang babae kaya naman nababatid ko na totoo ang kaniyang sinasabi.

Bwisit talaga 'yong babaeng 'yon! Nakakainit siya ng ulo! Pati ba naman mga walang muwang na half blood dinadamay niya.

"Sige, pupunta na ako." Pero teka nga. "Asan ba 'yong Mini Forest? Hindi ko alam kung saan 'yon, eh." Nasapo niya na lang ang noo niya. Eh, malay ko ba kung saan ‘yong Mini Forest na 'yon letse!

"Hay! Deretsohin mo 'yong daan na 'yon tapos kaliwa ka." Turo no'ng babae.

"Salamat." Tumakbo na ako papunta ro'n. Ang layo pala! Akala ko madali lang kung tatakbuhin ko.

Nang makarating ako sa Mini Forest, kitang-kita ko ang mga half bloods kahit malipit na mag-umaga naririto pa rin sila.

"Ms. Chelsea, please tama na. 'Wag mong sasaktan si Ms. Varona," sabi nang isang teacher na pilit pinakiki-usapan si Chelsea.

"Wala akong pakialam! I'm the queen of this school, kaya kahit anong gawin ko magagawa ko! Ilabas n'yo 'yong babaeng hinahanap ko dahil kung hindi gigilitan ko ang leeg ng babaeng 'to!" Nag-init ang dugo ko nang makitang nilapit niya pa ang patalim na hawak niya sa leeg ni Jane.

"Kung ako ang hanap mo bakit si Jane ang ginaganyan mo." Nagsitabihan ang lahat ng makita nila ako. "Hindi ka patas lumaban, pati mga inosenteng half blood dinadamay mo," walang gana kong sabi sa kaniya.

Chill lang muna, mawawala rin naman siya mamaya, eh.

"Alam mo ginawa ko lang 'to para pumunta ka. Wala naman talaga akong balak saktan siya." Tinulak niya si Jane na parang isang walang kuwentang bagay.

Half Blood Academy (School Of Half Bloods)Where stories live. Discover now