Chapter 7: Royal Families

24.7K 762 47
                                    

Killy's POV.

"Pati ikaw Ms. Varona?!" Sigaw ng guro. Napatakip na lang ako sa tenga ko. Nakalunok ba siya super megaphone? Ingay, eh!

"F*CK! CAN YOU PLEASE TURN OFF YOU F*CKING MOUTH!!" Natigilan siya sa pagsigaw ko. 'Yan, much better. "Yes, alam namin na late kami. Pero, anong karapatan mong sigaw-sigawan kami?! Teacher ka, 'di ba?! You should know your responsibility to us, and also your limitations. You're not our mother to shout at us like what you did earlier just because we're late in your freakin' class!" Sinamaan ko siya ng tingin. Wala akong pakialam kung i-report niya ako kay Dean sa pambabastos ko sa kaniya. Hindi ko lang talaga ginagalang ang mga nilalang na hindi kagalang-galang.

"A-Ah, s-sige. M-Maupo na k-kayo." Tinaasan ko na lang siya ng kilay at hinila na si Jane sa bakanteng upuan.

"S-Salamat, Ms. Killy." Nahihiyang pagpapasalamat ni Jane na ikinatawa ko ng mahina.

"Just call me Kill, no need to be formal."

"S-Sige, Kill," naiilang na sabi niya.

Habang lumilipas ang oras lalo lang akong inaantok. Ang corny kasi ng mga tinuturo nila at mga teacher pa ang pumupunta sa room namin, hindi kami yung lumilipat, sila! Ang cool lang kasi parang ang special namin.

Wala akong ganang nakikinig sa guro sa harap. Sa bawat teacher na pumasok at nagtuturo sa harap ng mga dapat malaman ng isang half blood na matagal ko naman ng alam! Napapa-irap na lang ako at napapahikab.

Biglang tumunog ang bell senyales na tapos na ang klase.

Okay! Break time na!

Naramdaman kong may kumalabit sa akin. Ang akala ko si Jane pero nang lingunin ko—hindi pala.

It's Railey.

"Sabay na tayo? Gaya ng sabi mo," sabi niya habang nakangiti. Nakangiti ko siyang tinanguan.

"Jane, sabay ka na sa amin." Aya ko kay Jane na nagdadalawang isip pa nang makita kung sino ang kasama ko. Nagkatitigan silang dalawa sandali tapos biglang nag-iwas ng tingin. Napansin ko rin na namula silang dalawa matapos ang sandaling sulayapan.

Something is not right here.

"Ah, sige kayo na lang. May gag—" Pinutol ko ang sasabihin niya.

"Bawal tumanggi dahil kung hindi paglilinisin kita ng buong school." Pananakot ko. Kaya mo Killy? Kaya mo?

"Sige na nga." Wala ng nagawa si Jane kun'di ang sumama sa amin.

Habang naglalakad kami papuntang canteen, nakasalubong namin si Clesh na masama ang tingin sa akin. Naiinis ako sa paraan ng pagtingin niya sa akin kaya naman inirapan ko siya.

"Hoy!" Napatingin ako sa likod.

"Ako?" tanong ko sabay turo sa sarili ko.

Half Blood Academy (School Of Half Bloods)Where stories live. Discover now