Chapter 119: Ryza and Jessie's case

5.5K 153 15
                                    

Jessie's POV.

Kanina pa ako palakad-lakad dito sa covered court, kanina ko pa hinahanap si Ryza pero hindi ko siya makita at hindi ko rin siya macontact.

"Argh! Sagutin mo baby'mahal" Dinial ko ulit ang number ni Ryza pero cannot be reach "Fuck!" Sinipa ko ang monoblock chair na nasa harap ko. Kinakabahan na ako, baka kung ano ng nangyari kay Ryza "Nasaan ka na baby'mahal? Nag-aalala na ako" Napakagat ako sa pang ibabang labi ko at pinigilan kong magwala.

"Hey, why did you kicked the chair?" Nalatingin ako sa tabi ko at nakita si Mary Joy na inaayos yung upuan na sinipa ko.

"Nawawala si Ryza, kanina ko pa siya hinahanap pero hindi ko siya makita" Sabi ko. Napahilamos nalang ako gamit ang aking palad.

"In her room?"

"Wala, pumunta na ako doon"

Natahimik kaming dalawa. Maging siya ay nag-iisip din.

"Aha!" Napatingin ako sakanya "I think I saw her walking"

"Saan? Saan siya papunta?" Tanong ko.

"I'm not sure. But I think in SHQ" Aniya "Come on, let's go to our headquarters. Let's see if Ryza is in there"

Lumabas kami sa court at pumuntang SHQ. Madilim na kaya madilim na rin ang daan, buti nalang malinaw ang paningin ni Mary Joy.

"I can smell Ryza's perfume" Sabi ni Mary Joy "And also blood" Bigla akong kinabahan sa sinabi ni Mary Joy.

"Hindi naman kay Ryza yung dugong naamoy mo diba?" Tanong ko.

"I don't know" Napatakbo na ako papuntang SHQ. Masama ang kutob ko sa nangyayari, pero sana mali ang nasa isip.

Nawawala si Ryza, naamoy ni Mary Joy ang pabango ni Ryza habang papunta kami sa SHQ pero pati dugo naamoy niya.

"Aish! Stop thinking negative things Jessie!" Bulong ko sa sarili ko.

Nang makarating kami sa SHQ, wala ni isa saamin ang nagbalak na buksan ang pinto ng SHQ. Ngayon ko na naamoy ang malangsang amoy ng dugo.

"Open the door, Jessie" Sabi ni Mary Joy.

Nanginginig ang kamay ko ng buksan ko ang pinto ng SHQ. Napako ang tingin ko sa sahig ng SHQ.

Unti-unting rumagasa ang mga luha ko ng makita ang malamig na bangkay ni Ryza sa sahig ng SHQ.

"N-No...." This is not true "R-Ryza..." Lalapitan ko na sana ang girlfriend ko pero pinigilan ako ni Mary Joy "BITAWAN MO AKO! LALAPITAN KO YUNG GIRLFRIEND KO! RYZA!"

"Stop it Jessie! I know that you want to hug Ryza but you might ruin some evidence"

"NO! BITAWAN MO AKO! PUPUNTAHAN KO YUNG GIRLFRIEND KO!" Nabitawan niya ako sa sobrang pagpupumiglas ko. Agad kong nilapitan si Ryza at niyakap "Ryza please wake up, baby'mahal naman eh! Wag ka namang magbiro ng ganyan. Baby'mahal!! Gising!!"

Half Blood Academy (School Of Half Bloods)Where stories live. Discover now