Chapter 93: Death threats

6.9K 163 25
                                    

Someone POV.

Nandito ako ngayon sa kagubatan ng akademya. Gusto nya nanamang makipagkita saakin.

"Naghintay ka ba ng matagal darling?" Tanong ng nakakairitang tinig.

Nilingon ko naman sya.

"Ano ba ang kaylangan mo? Hindi pa ba sapat ang ginagawa ko ha bruha?!!" Inis na tanong ko sakanya.

Nawala ang ngisi sa kanyang labi at naging seryoso ang kanyang muka.

"Watch your words darling, baka hindi ako magdalawang isip at ipatay ko ang ina mo" Seryoso nyang sabi.

Napabuntong hininga ako.

This is shit!!

"Ano ba ang gusto mo?" Kalmado kong tanong

"Susunod ka rin naman pala darling, pinahirapan mo pa ako"  Naka ngisi nyang sabi "Gusto kong saktan mo ang lalaking Darknight"

"S-Si Liam?"

"Tama sya nga. Gusto kong saktan mo sya, wala na akong pake alam kung anong pananakit ang gagawin mo sakanya. Ang gusto ko lang ay masaktan sya ng in and out"

"Bakit mo ba 'to ginagawa?"

"Dahil gusto kong makita kang nasasaktan. Gusto kong makita kang luhaan. At gusto kong makita kang lumulubog paibaba"

"Gusto mo lang pala akong nakikitang nahihirapan. Bakit may ibang half bloods pa na kaylangang madamay?!!"

"Dahil hindi exciting kung sasakatan lang kita by physical, gusto kong masaktan ka rin by emotionally and mentally"

"Kaya ba ginamit mo ang mom ko para magawa mo ang gusto mo?!"

"Sya lang ang natitirang alas na hawak ko. Kaylangan kong magtagumpay dito para bumilib naman saakin ang anak ko"

"Bullshit! Your a bullshit!! Sa oras na masagip ko ang mom ko ito lang ang tatandaan mo" Masama akong tumingin sakanya "Papatayin kita pati ang anak mo" Sabi ko at iniwan sya.

Half Blood Academy (School Of Half Bloods)Where stories live. Discover now