MISSION II:THE GOLDEN DRAGON

6K 169 16
                                    

Chapter 109
The Golden Dragon

Killy POV.

"Iactivate n'yo na ang pagiging tao n'yo kung gusto n'yo pang makahinga" Sabi ko sakanila. Kanina pa naka activate yung akin.

"Activated" Sabay-sabay nilang sabi.

"Kaylangan nating mahanap si Devona kapag nakita na natin s'ya t'yaka lang natin makikita ang El Nebre" Sabi ko

"Sino si Devona?" Tanong ni Jane

"Kapatid s'ya ni mama" Sagot ko "Tara na, hindi tayo pwedeng magsayang ng oras" Sinimulan ko ng maglakad. Naramdaman ko namang sumusunod sila saakin kaya hindi na ako nagbalak pa na lingunin sila.

Napahinto ako ng makitang dalawa ang daan. Isa sa kaliwa at isa sa kanan. At hindi ko alam kung saan ang tamang daan.

"Paano na 'yan? Saan tayo dadaan?" Rinig kong tanong ni Ryza.

Nakiramdam ako, mahina ang hangin at amoy halaman ang paligid. Napatingin ako sa kaliwa ng biglang may malakas na hangin ang dumaan mula doon.

"Naramdaman n'yo ba iyon?" Tanong ko sakanila

"Ano yun Kill?" Tanong ni Jane.

"May kakaiba akong nararamdaman sa kaliwang daan"

"Kakaiba? Anong kakaiba?" Tanong ni Juliuse

"Hindi ko alam. Pero mas mabuting wag na tayong dumaan sa kaliwang daan. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa daan na iyan"

"Kung ganon sa kanan tayo dadaan. Iyon nalang ang natitirang daan" Sabi ni Vam at akmang dadaan na sa kaliwang daan ng pigilan s'ya ni Majoy.

"Do you want to die Vam? If you go on that way you will be dead. I can hear the sound of wild and dangerous monsters on that way" Sabi ni Majoy na ikinatigil ni Vam.

"Kung ganon saan tayo daan? Dalawang daan lang naman ang nandito" Sabi ni Jessie.

"That way" Tinuro ko ang deretsong daan kung saan may nakaharang na malaking puno at puro halaman na.

"Sigurado ka Kill? Baka mapahamak tayo d'yan" Nag aalangang sabi ni Liam.

"Kung hindi pwede yung dalawang magkabilang daan, bakit hindi natin tahakin ang deretsong daan. Malay mo tama pala ang daan na 'yon" Hindi ako sigurado. Pero doon lang ako kamapante, sa daan lang na iyon.

"Wala na tayong choice, kaylangan nating sumugal. Baka abutin tayo ng dalim kung magdedebate pa tayo kung saang daan ang tatahakin" Sabi ni Railey.

"Ganito nalang, majority rule. Taas kamay ng may gusto sa kanang daan" Walang nagtaas "Sa kaliwang daan" Wala parin "Sa gitna" Halos lahat nagtaas, maliban kay Liam "Wala kang pinili?" Tanong ko

"Hindi ako sigurado kaya wala akong pinili" Sabi ni Liam.

"Well majority rule tayo, so sa gitna tayo dadaan okay ba?" Tumango sila.

Tinahak namin ang gitnang daan, medyo nahirapan pa kami dahil nakaharang yung malaking puno. Kaya ang ginawa ko nalang ay nagteleport ako para hindi na ako mahirapang makipagsiksikan sa puno na iyon. Nang matapos na ang siksikan portion nila, t'yaka na namin tinahak ang deretsong daan. Puro mga halaman ang tumatakip sa daan. Maliligaw kame kapag hindi naalis ang mga halaman na ito.

"Juliuse pwede mo bang igilid ang mga halaman na ito?"

"Sure Kill" Itinapat n'ya lang ang palad n'ya sa mga halaman at umurong na ito sa gilid.

Half Blood Academy (School Of Half Bloods)Where stories live. Discover now