Chapter 18: Trouble and bad news

23.8K 656 37
                                    

Killy's POV.

Naririto ako ngayon sa kuwarto ko. As usual, nakaburo na naman ako rito dahil hapon pa lang. Hindi pa lumulubog si haring araw kaya bawal pang lumabas.

Saka ayokong lumabas. Hindi ko gustong makita ang mukha ni KING*nang Liam dahil baka masira na naman ang mood ko. Nakaka-bad trip pa naman 'yung mukha niya. Well... Maliban sa mata niyang gustung-guto ko ng dukutin dahil sa ganda!

Napatayo ako sa aking kama nang makarinig ako ng sunud-sunod na papagkatok sa aking pinto. Tinungo ko ang pintuan at binuksan ang pinto. Naging alerto ako dahil baka mamaya isa 'to sa miyembro ni Jemuel

"Jane? Vam? Bakit napasugod kayo?" Tanong ko. "Pasok kayo." Mas nilakihan ko ang pagbukas sa pinto. Nang makapasok sila, tinungo namin ang sala. Hindi ko inaasan ang pagpunta nila rito, at napansin ko rin ang pagkabahala sa kanilang mukha.

Hmm... I wonder what happened to them.

"We have bad news, Lly." Napataas ang kilay ko sa sinabi ni Vam.

"Bad news?" I asked. Halos magdikit na ang kilay ko sa sobrang pagtataka. "What is it? Tell me." I'm curious at the same time.

"Binali na ni King Liam ang batas na pwedeng pumatay sa umaga," sabi ni Vam. My eyes squinted. Hindi ko alam kung may sapak ba 'tong mga 'to o sadyang bumaliktad lang 'yung utak nila dahil sa announcement ni Liam eh.

"It's not a bad news, it's a good news." I shook my head. Ang dalawang 'to talaga!

"Pero ang kapalit no'n ay ang pangbu-bully sa 'yo ng mga half blood students." Natigilan ako sa sinabi ni Jane. Nang makabawi ako sa pagkagulat, tiningnan ko siya habang nakataas ang aking kaliwang kilay. 

"Now tell me, Lly. Is it still a GOOD NEWS? Huh? Kill?" Napa-irap ako sa sinabi ni Vam. That Liam! He want to play with me too? Ano bang trip ng mga 'to at gustung-gusto akong kawawain? Sarap pagbuhulin nitong si Liam at Jemuel!

"Talaga? Dapat pala narinig ko rin 'yung sinabi niya para masaya." Walang kagatol-gatol na sabe ko at nahiga sa mahabang sofa na kina-u-upuan ko. Pero sa totoo lang, gusto ko ng sugurin si Liam at patayin, at pagkakatoong 'yon hindi ko na siya gagamutin.

"Lly! Ano ba?! Wala ka bang pakialam?! Ikaw ang—Argh! I hate it Lly!! I hate it!" Sigaw ni Vam. Napatayo pa siya ay nagpa-ikot-ikot sa harap namin.

"Kill, kailangan magkaroon ka ng paki, okay? Ikaw ang bigtima rito." Seryoso akong tumingin kay Jane. Napansin kong nagpipigil lang siya ng inis. Bakit ba kasi nila pinuproblema ang problema ko? Wala ba silang sariling problemang dapat intindihin?

I tsked, "He is immature."

"Who?" tanong nilang dalawa. Medyo slow rin pala 'tong dalawang 'to.

"Liam. He is immature. Ginagamit niya ang kapangyarihan niya sa mga gusto niyang gawin na hindi patas sa isang katulad ko, and that is immaturity! Kasi naman 'di ba? Sinong matinong nasa pag-iisip na babaliin ang batas na ilang taon ng sinusunod ng mga half bloods. Wala ba siyang sariling idea kung paano ako mapababagsak? Kailangan pati batas na hindi siya ang nagpatupad ay pakikialaman niya?!"

Half Blood Academy (School Of Half Bloods)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ