MISSION II:GOING TO ENCHANTED FOREST

6.4K 166 30
                                    

Chapter 102
Going to Enchanted Forest

Killy POV.

'KRINGGGGG!!!'

Napabalikwas ako ng tayo ng biglang mag alarm ang peste kong alarm clock. Kinuha ko ito at binato, tumama ito sa pader dahilan para masira iyon.

Pero matindi din 'tong alarm clock ko! Sira na tumutunod parin!

Napairap nalang ako sa sobrang inis at inisip na masisira ito at magpipira-piraso. Then ilang sigundo lang ang nakalipas ay nawala na ang ingay.

"Should I buy another alarm clock?" Tanong ko sa sarili ko "Nah! It's so noisy" Tumayo na ako at dumiretso sa banyo para maligo.

Naligo ako ng mahigit isang oras. Nang matapos ako ay agad akong nagbihis ng long sleeve at jeans. Pinusod ko rin ang buhok ko.

Nakapag impake narin ako kahapon. Lalabas na sana ako pero may pumukaw ng tingin ko.

Isang singsing.

Naglakad ako papunta sa kinaroonan ng singsing. Pamilyar saakin yung singsing. Tinitigan ko 'yon ng mabuti at napagtanto kong iyon ang binigay na singsing saakin ni tita Cathy---I mean fake Cathy.

Pinagmasdan ko ng maigi ang singsing at nakita kong may nakaukit sa likod non.

Wear this

Yun ang nakasulat sa likod ng singsing. Walang pag-aalinlangan ko itong sinuot.

Naglabas ng nakakasilaw na liwanag ang singsing dahilan para mapapikit ako, nang idilat ko ang aking mata ay laking gulat ko ng biglang magbago ang paligid. Wala na ako sa kwarto ko at hindi ko alam kung nasaan na ako.

Ang nakikita ko lang ngayon sa paligid ay puro sirang gusali, mga patay, mga dugong nagkalat sa paligid.

Napaatras ako dahil sa takot na aking naradaman. Wala naman akong dapat katakutan pero kusa kong nararamdaman ang takot na iyon.

Napaupo ako ng makita ang nga Spiders na naka bulagta sa lupa at wala ng buhay.

"A-Ano b-bang n-nangyayari?" Tanong ko kahit alam kong walang makakasagot "AH!" Napapikit ulit ako ng biglang maglabas nanaman ng nakakasilaw ng liwanag ang singsing.

Nang maramdaman kong wala na ang nakakasilaw na liwanag, unti-unti kong idinilat ang aking mata.

Puro puti.

Puro puti lang ang nasa paligid. Wala akong makita kahit na anong tingin ko sa paligid, tanging purong puti lang ang nakikita ko.

Hanggang sa isang bulto ang lumitaw sa harap ko.

"T-Tita Cathy?" Tanong ko "Ikaw ba yan?"

"Heavenly, masaya ako at nakita kitang muli" Sabi nya.

"Ikaw nga" Masaya kong sabi at niyakap ang aking tita "Namiss kita tita"

"Namiss din kita Heavenly" Sabi nya

Kumalas ako sa pagkayakap sakanya at nagtanong "Anong ginagawa natin dito tita?" Tanong ko.

Nawala ang ngiti sa kanyang muka at naging seryoso.

"Malapit na Heavenly, kaylangan mo nang maghanda"

Half Blood Academy (School Of Half Bloods)Where stories live. Discover now